Bakit naman kasi ang liit niya tapos humarang pa siya sa daraanan.
Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at baka humaba pa ang aming pag awayan kapag isinatinig ko iyon.
Nilingon ako ng bata at saka may kung anong pinagpipindot sa gilid ng pinto nitong silid.
Pagkabukas ng pinto ay siyang pagbungad sa amin ng mga taong mukhang walang pakealam sa aming presensya, patuloy lang sila sa pagbutingting ng mga aparato sa kwartong kinatatayuan namin.
Namangha ako sa aking mga nakita, kulay puti rin ang pintura ng buong silid na ito, ang mga tao ay naka lab gown ngunit ang iba'y naka sibilyan lang.
May kung ano ano silang pinaggagawa, lumapit ako sa isang glass tube dahil wala namang tao roon.
Naging interesado ako sa laman niyon kaya't mas inilapit ko pa ang aking sarili.
Ang laki ng glass tube na iyon ay 6ft. kasing tangkad ng tao.
Nagulat ako sa aking nakita, ang laman ng glass tube, tao?
Bakit inilagay nila ang isang tao dito? Mukhang maling ideya ang pagsama ko sa batang iyon.
Teka, asan na nga ba ang batang iyon? Bakit biglang nawala?
Napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang glass tube at parang itinulak ng isang machine at itinulak nito ang likod ng taong nasa loob paabante.
Nanindig ang aking mga balahibo, hindi kaya'y igagaya rin nila ako sa isang ito?
“That's just a clone.” Gano'n nalang ang pagkagulat ko nang may biglang magsalita mula sa aking likuran.
Nilingon ko ito, hindi ako pamilyar sa kaniyang mukha.
Pero napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi, anong clone? So ibig sabihin hindi ito totoo? Repleka lamang ng isang tao?
Parang ayaw ko maniwala dahil mukha talagang tao ang pagkakahulma at gawa.
Kung totoo man na clone ito ay sinisiguro 'kong magagaling ang kanilang mga siyentipiko rito.
Unti unting lumapit sa akin ang lalaki at tumabi, nanlalaki ang matang binalingan ko siya nang may maalala.
“Nabasa mo ang iniisip ko?!” Lumingon naman siya sa akin, inayos ang kaniyang salamin sa mata na mukhang mataas ang grado dahil sa sobrang kapal tsaka inilahad ang kaniyang kanang kamay.
“Breck, mind reader. Isa sa mga units.” Nakatunganga 'kong tinanggap ang kaniyang kamay.
Parang sasabog ang aking ulo sa aking mga katanungan, kung bakit may clone, bakit may samahan, at kung bakit mukhang nagtatago sila mula sa mga taong ‘iyon’. At ano ang units na ibig sabihin niya?
“Sino yong batang invisible?” Tanong ko sa kaniya ng maalalang hindi ko pa alam ang pangalan ng batang matandang iyon.
“Ah si Khetic iyon, ang pinakabatang project ng INFINITO.” Naguluhan ako sa kaniyang sinabi, anong project? Atsaka infinito, ano ba iyon? Kanina ko pa iyon paulit ulit na naririnig mula kay Khetic.
“Anong Project?” Tanong ko sa kaniya, iniyos niya mula ang kaniyang salamin bago sagutin ang aking tanong.
“Project ang tawag sa kasalukuyang iniimbento ngayon ng Infinito. At base sa isang scientist na kinuhanan ko ng impormasyon gamit ang aking isip ay gumagawa sila ngayon ng Project Infinito. Si Khetic ang ikalawa nilang Project ngunit pumalpak iyon. Kaya kung mapapansin mo, sobrang tanda na mag isip ni Khetic, masyado siyang seryoso at hindi sumusunod sa utos ng iba. Gumagawa siya ng sariling desisyon at batas, kaya masasabing hindi talaga siya matatawag na success para sa Infinito, itinuring pa nga siya ng nga ito na liability dahil imbis na sundin ang pinapagawa ng Infinito ay kinokontra niya ito.” Napaisip naman ako, kung gano'n may una pang Project ang Infinito? At saka bakit naman sila gagawa ng taong susunod sa kanilang mga utos?
Napabaling ulit ang atensyon ko kay Breck nang magsalita ito.
“Hindi ko masasabi sayo kung sino ang unang proyektong binuo ng Infinito, pasensiya na. Pero masasagot ko naman kung bakit kailangan ng mga Infinito ng mga mauutusan. Ito ay dahil ganid sila sa yaman at kasikatan at rinig ko rin ay balak pa nilang sakupin ang buong mundo sa pamamagitan ng kanilang ginagawang Proyekto at base nga rin sa nalaman ko, ikaw ang masusunod nilang Proyekto.” Nagulat ako sa kaniyang sinabi, ako? Kung gano'n pag eekperimentuhan ako? Gagawing robot? Muntik pa akong mapamura, bakit dumadami naman ata ang mga sakim ngayon sa mundo?
“Pero 'wag kang mag alala, gumagawa na ang mga kauri na'tin ng clone mo. Nang mabalitaan ng mga units na may bagong kuha na naman na gagawing proyekto ay gumawa na sila. Sinimulan nila ito noong isang buwan, habang tulog kapa.”
Bahagya pa akong natigil sa kaniyang huling sinabi, tulog?
“Huh? A-ako? Bakit tulog ako ng isang buwan?”
“Minomonitor ka pa nila ng mga Panahong iyon, they run some tests to you multiple times dahil takot na silang mabigo ulit.” Naramdaman ko ang unti unting pamumuo ng aking galit sa sinasabi nilang Infinito.
Napakasama nila, sinasamantala nila ang kahinaan namin. Itinuturing nila kaming hayop.
“Hiona, bakit hindi ka sumunod sa akin?,” magkasalubong ang kilay habang nakacross ang mga brasong sambit ni Khetic na kakarating lang.
“Sinong Hiona?” Kunot noong tanong ko kay Khetic na kakarating lang.
Umirap siya at sinagot ang tanong ko.
“Ikaw, you're Project Hiona.” Bahagya pa akong nagulat, Hiona? Iyon ba ang totoo 'kong pangalan?
“Hindi, gumagawa sila ng bago na'ting katauhan.” Napalingon ako kay Breck nang sabihin niya iyon. Nagtagis ang aking bagang, anong karapatan nila para kunin sa amin ang aming pagkatao?! At talagang pinalitan pa nila ang pangalan namin, ngayon nasisiguro ko na, sila ang dahilan kung bakit wala akong alaala mula sa aking nakaraan o saan ako nanggaling.
“Ano ang magiging epekto sa akin ng ‘EOL+P3’?” Mukha pang nagulat si Breck sa aking tanong. Bakit ba lahat ng nakakaalam na tinurukan ako ng bagay na iyon ay nagugulat?
Unti unting nawala ang ekspresyon ni Khetic. Nagkatinginan kami ni Breck, nang lingunin niya si Khetic ay may nakita akong awang ekspresyon sa kaniya.
Bakit naman kaya siya naawa kay Khetic?
“Maaari kang malason dahil ang EOL+P3 ay mayroong chemical na nakalalason. Unti unti nitong pinapatay ang cells sa katawan ng isang tao. Ngunit hindi ko lang maintindihan kung bakit gumana ito sayo.” Paliwanag niya, napatuon ang atensyon ko sa kaniyang mata nang may maaninag ako roong hindi mapaliwanag na ekspresyon.
“Hindi ko rin naman alam kung bakit. Eh ang papel? Ano ang nilalaman ng papel na ipinatong mo sa mukha ko kanina? At saka ano ba ang units?”
Napabuntong hininga siya at tinitigan si Breck, sinenyasan itong iwan muna kami.
Tumango naman sk Breck at nagpaalam na umalis muna.
“Hanapin mo ang papel na iyon, naroon ang kasagutan na iyong hinihingi. Sana'y 'wag kang gumawa ng padalos dalos na desisyon.”