Kasalukuyan... Pagkalabas sa tinutuluyang boarding house ay bitbit na lahat ni Kristine ang mga gamit. Hindi niya alam kung saan na naman siya pupunta, pagod na siyang magpalipat lipat ng tirahan magmula ng maghiwalay sila ni Jake, at 1 month pagka galing niya ng Cebu ay hindi na siya nakahulog ng renta sa boarding house ni Aling Minda kaya dalawang buwan na ang balanse niya sa upa. Isang buwan lang siya nanatili sa Cebu dahil agad naman nakakuha ang Bar na yun ng regular band na tutu-tugtog kaya nakauwi siya kaagad sa Manila. Naisip niyang tawagan ang kaibigan niyang si Aira para makahingi ng tulong. She dialed her friend contact number at nag-riring naman ito at maya maya ay sinagot na ng kaibigan ang tawag niya. "H-hello Aira." Bungad niya sa kabilang linya. "Hello bhe, ano napa

