#####CHAPTER 7 Mistress's Son
Nanlulumong napaupo si Pax sa lobby ni Tres. Kanina pa siyang naghihintay sa lalake ngunit dalawang oras na, hindi man lang ito dumating. Napatingin muli siya sa relos niya, kung hindi lang ito utos ng ama ng lalake, hinding-hindi niya talaga magagawang maghintay sa binata.
" Kape o Juice?" Sinamaan niya ang tingin ang secretarya nito. Tinanong nkya ito kanina kung nasaan ang amo nito ngunit ang naging sagot lang nito ay papunta na. Ngunit nasaan na ba ang salitang papunta sa dalawang oras na lumipas. Miski tawag man lang na hindi ito sisipot ay wala man lang dumating.
"Hindi ka man lang na pipili sa dalawa?" Napatingin siya sa ilang baso ng kape at juice na nainom na niya kanina, lulunurin ba siya nito sa dalawang klaseng tubig na nasa harapan niya?
" Nasaan na ba ang amo mo?" Bahagyang napatingin pa ang secretarya nito sa orasan na nasa likuran niya. " Nasa Tagaytay ang schedule niya kanina kasama ang girlfriend niya, mga maya-maya lang daring rin po iyon. Depende na lamang kung gusto nyang habaan ang oras nya roon"
Napailing siya sa narinig. " Ang daya ah, ang sabi mo papunta na siya rito, ano tong naririnig ko?"
" Schedule niya, hindi ka naman kasi naglaan ng appointment. "
" But this is an emergency. Importante tong pinunta ko rito"
" If kakilala ka talaga ng boss ko, maari mo naman po siyang tawagan. Kung importante nga po iyang pinunta mo rito, tiyak sisiputin ka po non."
" He blocked my number," pagkatapos ng tawag niya noong unang araw ay blinock siya nito, kaya hindi niya ito matawagan ng matawagan. Kahit gumamit man siya ng ibang number ay hindi pa rin nito tinatanggap ang tawag.
" Then it is not our problem sir. If you really want to have an appointment with him, his PA is upstairs. Before we could set our boss schedule, ipapafinalize pa po iyon ng personal assistant niya. Sir Laxuz office is upstair and mukhang tapos na po ang break time niya. " Napakunot ang noo niya sa narinig na pangalan. Laxuz? Did he hear it right?
Itinuro ng secretarya nito ang mismong opisina ng PA ni Tres. " How many secretaries does he have?"
" For now, my boss required three secretaries."
" Three? That was so short."
" Well boss doesn't need a lot of secretaries. Si sir Laxuz rin naman ang nagmamanage sa schedule nya." Gaano ba kagaling ang Laxuz na tinutukoy nito? He knows Tres never trust easily.
"We're here. Nasa loob lang po siya. Maiwan ko na po kayo," when the secretary left, napatitig siya sa pinto sa harapan niya. Kung hindi siya nagkakamali ng hinala. Delikadong tao ang nasa loob ng opisinang ito. He only knows one who own that name, at isa ito sa paboritong gang lord sa kalaban nila. But Tres is their son's leader. Hindi naman siguro nito ipapaing ang sarili sa mismong kalaban.
But he needs to be prepared. Dapat maging alerto siya. Isang galaw niya lang makakapagbigay siya ng making signal sa kalaban. And it will start the wildfire between their frats.
He knocked. And he heard someone said " come in." Before he could opened the door ay agad syang naalerto nang may biglang sumunggab sa kaniyang likuran. Nasalo nito ang sipa niya, napatingin siya sa kung sinong hangal ang sumugod sa likuran niya.
" Pax, what are you doing here?" Zin. It was zin. The young underground drug lord. Anong ginagawa ng lalake rito?
" Ako dapat ang magtatanong diyan." Napangisi ang lalake nito sa kaniya.
GRAY FIRED HIS BULLETS CONSECUTIVELY. Kakasa pa lamang ng baril ni Regalia, ipinutok niya ito ng natapos na sa kakabaril si Gray sa sako ng mga buhangin. Isa-isang pinutok ni Regalia ang mga bala sa anim na sako. Nasa private firing range sila ng pamilya nila.
" How's the deal?" Tanong nito sa kanya matapos ang anim na putok nya. " On the process pa kuya. The old lord still not sending his response. Mukhang ayaw pa niya akong siputin."
" I heard he's handling huge business right now. How would you deal with him?"
She smirked, at kinasa muli ang baril saka nagpaputok. " He would face the evil me". Bahagyang napatawa ang kapatid nya sa sinabi. Nagtungo si Gray sa podium at kinuha ang Isang pitchel ng strawberry juice saka isinalin sa glaze glass. He sipped to his glass, at napailing siya ng malasahan ito. Eksakto rin na tapos na sa kakabaril si Regalia. Humarap ito sa kaniya at ngumiti.
" You do love strawberries," Regalia smiled at him while putting away her headphone bago siya tumungo sa direction ni Gray. Her brother gave her the glasses na puno ng strawberry juice. She smiled ng matikman ito. Since she got her senses, nagaganahan na siya sa strawberry juice.
As far as she remembered she never likes not loves strawberries. Wala sa vocabularyo niya na mahilig sa strawberry. But maybe people change Ika nga. Kaya nagbago rin ang panlasa niya.
" Kuya, what happen to my legs?" Naging bakal na ang mga buto niya simula ng magising siya. Ngunit hindi naman kapansin-pansin na naging bakal na ito. Nagmumukha na nga itong normal na paa niya lamang. Sa nalaman niya, inoperahan siya sa abroad at malaki ang naging labas ng pera ng pamilya upang magising lamang siya.
Napatigil sa pag-inom ang kapatid niya at napaiwas ng tingin. Kaya napakunot ang noo niya. Simpleng tanong lamang iyon, ngunit ganoon pa rin ang naging sagot nito sa kanya. Umiiwas o madalas hindi siya sinasagot.
" Ilang buwan kanang gising?" Bahagya syang nagtaka sa sinabi nito sa kanya. " 10 months."
Sa naging sagot niya ay napatingin ang kapatid niya at tipid na ngumiti, " I guessed it is better for you to look for yourself."
Napailing na lamang siya naging sagot nito." Ang labo niyo talaga." Inisang lagok niya lamang ang baso ng juice niya. " Dad wants you to visit him. He needs your audience."
"Dad?"
"Yes," napapikit siya sa maaalala. Tiyak nagsumbong ang dalawa niyang kapatid sa gagawin niya sa susunod na linggo. At pinagbabawalan pa naman siya ng ama na manguna sa mga operasyon ng mga ito.
" Kuya, help me," but her brother only returned to ruin her hair before he said goodbye to her.
TRES IS deeply confused. Sa tagal- tagal na hinanap niya ang matalik niyang kaibigan ay hindi na sya nito kilala. Nasisiguro niya na si Nadhelyn ang babaeng iyon. Ngunit wala siyang maipakitang proweba ukol sa nararamdaman niya.
" Don't you think it is crazy to say na may koneksyon tayong dalawa?," He remembered her words. Ito ang mismong salitang sinabi ng kaibigan nya noon. It sounds unbelievable, ngunit mukhang ngayon na siya maniniwala.
" Pax was here. Pinapabalik ka na ng ama mo. He said, the other faction is now making a step. He needs you to leader the elite gang,"napahinto siya sa paglalakad at hinarap si Zin.
" How about you? You are the current leader on that gang."
" I have lots of business to take care off. At oras mo na rin para pamunuan iyon. I'm tired handling your own matters." Maybe this will be a good idea of finding what happen to her. The gang has plenty of connection. Maaaring makuha nila ang nais ko na malaman.
MISTER ARNOLD grinned when he saw the message from his son. One week is enough for him to get prepared. At hinding-hindi na magbabago ang desisyon niya.
He needs his son to start the leadership. Lalo pa't nagbalik na ang taong matagal na dapat na patay. Ano bang plinano ng mga taong ito?
"Bakit ka pa kasi nagbalik?" Ibinato niya ang dart sa mismong larawan ng babeng matagal na niyang pinatay. Ang babaeng sagabal sa mga plano niya.
"Nadhelyn Rossford."
"Edward, Edward, Edward. Ano ba ang ang gusto mong mangyari? I let you live pagkatapos mo kong traydorin. At ngayon babalik ka at haharang ka naman sa mga plano ko? Hinding-hindi ko na hahayaan na sirain niyo mismo ang gusto ko. Kung kinakailangan na uubusin ko kayo, gagawin ko."
"Dad!" Napasinghap ang anak niya ng maabutan siyang duguan ang mga Kamay mukhang hindi na niya namalayan na nabasag na niya mismo ang baso ng alak niya. " Diyan ka lang. I need my son Trion. Not you!" Napaiwas ng tingin ang anak niya sa narinig.
' you more love your mistress's son than us. You already killed his daughter. Sa tingin mo kaya tatanggapin ka niya kapag nalaman nito mismo ang ginawa mong pagpatay sa mag-ina?'
Lumabas siya sa kwarto ng ama at sumalubong sa kanya ang nagtatanong na tingin ng kamyembro na isa rin sa elite gang. " Search for Tres. His father needs him right now."
Agad itong sumunod sa kaniya. Nang wala na siyang napansin na ibang tao, ay nagtungo siya sa mismong kwarto nya at kinuha ang isa niyang telepono. Napakunot ang noo niya na makita ang bagong mensahe sa email nya. "SHE'S HEADING SOUTH"