Buong gabi na iniyakan ni Mayumi ang nangyayari sa relasyon nila ni Zandro.. Bakit ganito na lang siya kabilis husgahan ng lalaki. Ganun na lang kabilis mawala ang tiwala sa kanya. Ganun ba ang pagkakilala sa kanya ng binata. Is she not worth it to fight for? Sisihin man nya ang sarili nya hindi nya alam kung kaya pa nun ayusin ang nasira nilang relasyon. Kailangan muna nya ng lakas na loob para makausap ang kasintahan at iparamdam dito kung gaanu nya pinagsisihan ang mga nagawa nya. Hindi niya sukat akalain na ayaw pakinggan ni Zandro ang mga naging pakiusap ni Emma dito. Nagpapasalamat siya dahil may isa siyang kaibigan na nakinig sa kanya. Si Emma ang naging sandalan niya para maging matatag sa araw-araw. Naging confidante niya ang kaibigan.
Si Zandro naman hindi alam kung mapapatawad pa ba ang dalaga.. Kaya pa ba nya mahalin ang iningatan nya at naibigay na lang ng ganun-ganun sa isang lalaki.. Halos lunurin na nya ang sarili sa alak para makalimutan ang dalaga, pero hindi pa rin nya makalimutan ito. Bakit ganun kahit anung gawin nya, mahal na mahal pa rin ang dalaga. Gusto na nyang kalimutan ito kasi sa twing makikita nya ang dalaga bumabalik ang sakit ng ginawa nito. Tuwing naalala niya ang tagpong may kasamang ibang lalaki ang kasintahan para siyang pinatay ng paulit-ulit.
Anak, tama na.. Bat ka ba ngkakaganyan sa babaeng yun? Madami naman diyan na iba... Makakahanap ka pa ng bago na magpapasaya sayo Iho. Pag-aalo ng kanyang mommy.
Mom, wala na akong ibang gusto. Si Mayumi lang. Pero hindi ko alam kung kaya ko pa dahil sa mga nangyayari ngayon. Sana maging ok pa ang lahat mom. I wish na hindi totoo ang mga nangyari. Sana panaginip lang lahat ng iyon. Isang bangungot na dapat ng kalimutan.
Iho you are graduating and you will be the next CEO. Sana hindi makakasagabal ang mga nangyayari ngayon iho.. Kung gusto mo sa America ka na lang magtraining para sa pamamahala mo sa kompanya natin. At para mabago muna ang environment mo. Pag-isipan mo ito ng mabuti anak. I just want the best for you anak. Saad naman ng kanyang ina at niyakap na siya habang parang batang umiiyak dito.
Titingnan ko mom. I'm not in the mood as of this time.. Lungkot na saad ng binata.
Ok son, I hope you could realize that I'm doing this for you, you are a such mess now my son. Look at yourself, madaming babae ang nagkakandarapa sayo pero na
I will think about that mom. I will let you know..
For now I have to settle things firsts. Madami pa akong dapat tapusin. Sana maintindihan mo mom.
Bes kumain ka naman. Sobrang payat mo na. Hindi ko na alam kung buhay ka pa ba dahil mukhang hindi na ikaw ang Mayumi na kilala ko.
Bes pwde mo ba tawagan si Zandro para makausap ko? Kahit last na to.. Hindi ko na sya guguluhin.. Hindi na ako magpapakita sa kanya.. Kahit ngayon lang pls.. At naluluha na namang sambit ng dalaga..
OK Bes, pero I'm not promising na makakausap mo siya. I will just try my best na makausap siya. Kakausapin ko siya pag nakita ko sa school. Balita ko kasi hindi na din siya pumapasok dahil na rin siguro sa mga naririnig niya sa scholl. Titingnan ko na lang uli bukas kung andun siya.
Basta Bes, pag nakita ko balitaan kita ha.. Ingatan mo ang sarili mo. Pag nagkita kayo dapat maganda ka.. Baka ayawan ka na nya kung ganyan ang itsura mo. Pag-aalo ng dalaga.
Sa school campus, nag aayos na ng requirements si Zandro para sa graduation nya, may hinahanap siya sa paligid ngunit walang makita.. He miss the old times, he misses his Mayumi, but anytime na maalala nya ang ginawa nito nasasaktan lang siya.
Zandro, tawag sa kanya ni Emma na kinakunot niya ng noo.
Can we talk? Tanong ng dalaga..
Anu pag uusapan natin? Walang emosyong sabi nito at lumalakad na palayo.
Pwde mo ba kausapin ang kaibigan ko kahit kunting oras lang? Kahit sa huling pagkakataon lang.. Maawa ka naman sa kaibigan ko. Please. Pakiusap ni Emma dito at umagapay pa rin sa paglalakad niya.
Sige, pagbibigyan kita na makausap ko siya.. Sa Hotel na lang.. Magpapabook ako. Bukas, ikaw na lang imemmesage ko. Sagot niya sa dalaga at nagmamadali na itong umalis.
Nagulumihanan man sa kinilos ni Zandro at pagpayag nito sa makipagkita sa kaibigan niya na ay ngumiti naman si Emma. Nakakita siya ng pag-asa na magkaayos pa rin ang magkasintahan. Alam niya sa sarili na sinusubok ng panahon ang pagmamahalan ng mga ito. Gatuldok man ang pag-asa ng mga ito na magkabalikan, tataya siya sa pag-asa na iyon. She just wish a happy ending for her best friend. Alam niya sa sarili na nabubulagan lang si Zandro at ipapamulat niya sa lalaki na malaking kawalan dito at kaibigan niya.
Masaya siyang nilisan ang eskwelahan nila para ibalita sa kaibigan ang munting pag-asa na maibalik ang pag-iibigan ng mga ito. Ipagdadasal niya na sana maging OK na ang lahat.
Bes, ok na nakausap ko na si Zandro, mag-uusap kayo. Sa Hotel kayo mag uusap. Magpapabook na siya, advice na lang ako kung saan kasi ako ang imemessage nya. Bukas na yun Bes. Kaya maghanda ka na ha. Look your best. Hindi man sigurado na magiging ok kayo at least you will prove to him na hindi totoo ang ipinaparatang niya. Dapat handa ka na lang sa anumang maging resulta ng pagkikita ninyo. Just be yourself at kung magkaaberya man andito lang ako. I will be your shoulder to cry on.
Salamat talaga Bes. I owe you a lot. Samalat talaga. Saad na lang ni Mayumi at niyakap na si Emma habang umiiyak.
Naghanda na ang dalaga sa pagkikita nila ng mahal nya.. Kailangan na nyang masabi lahat lahat ng nasa loob nya kahit ito na ang last time na magkita silang dalawa. Hihingi na lang siya ng tawad sa binata sa mga kamalian nya.. At kung kaya ng lalaki na mapatawad sya, masaya na sya dun.. Sana lang maging OK ang lahat. Panalangin na lang ng dalaga..
Iniisip na din ni Zandro ang pagkikita nila ni Mayumi kinabukasan. Di nya alam kung kaya nyang patawarin ang dalaga.. Bahala na sabi na lang nya sa sarili..