Chapter 2

1106 Words
FELIX POV Ipina- impis ko na kay Jessa yung mga gamit niya baka kasi biglang dumating yung order namin since sabi naman ni Tita ay kasunod na isasalang yung amin. Yung kay Jessa lang naman talaga ang lulutuin, ang sakin naman luto na pero syempre uunahin muna i- serve yung sa ibang customer. Maya- maya lamang ay may tumawag sa pangalan ko.     " Feliiiix, Order mo. " Si Tita Lisa pala yung tumawag, ready na yung order namin. Inilusot na ni Tita dun sa butas sa may kainan. Nandun na lahat ng order namin. Habang nakuha ako ng order, kumuha na rin si Jessa ulit ng tubig.     " Thank you tita. " sagot ko naman kay Tita pagkatapos.      " Hala be. Bumili ka palang gravy sana dinamay mo ko. " reklamo sakin ni Jessa. Takaw tingin din kasi itong babaeng ito eh. May makita lang talaga eh.     " Hati na tayo dyan. Pero syempre pati sa bayad hati tayo. Chaaar. " sabi ko dito. Joke lang yung guys, hindi ko naman pagbabayadin si Jessa sa gravy. Mura lang naman kasi ang gravy dito kina Tita Lisa, 3 pesos lang per order. Kaya dito talaga kami nakain eh. Mura na sulit na sulit pa. Kaya sobrang dami talaga na nakain dito eh.     " Lol. Kaya mo ng bayaran yung gravy. Buraot ka na naman eh. Hahahaha! "      " Kuripot mo talaga. "  Nagsimula na kaming kumain dalawa. Dito nga pala sa kainan ni Tita Lisa paborito namin lagyan ng Toyomansi at chili oil ang aming ulam at kanin. Sobrang sarap ng combination na yun guys, try niyo minsan. Habang nakain kami ni Jessa konting chika lang nangyari samin kasi gutom na kaming kaya para kaming magka- galit. Kain muna before chika guys. May 1 1/2 hour pa naman ang vacant namin kaya medyo mahaba- haba pang chikahan ang magaganap saming dalawa pero syempre tuturuan ko muna siya sa subject na nahihirapan siya. 20 minutes lang kami kumain at konting pahinga bago maglakad ulit dahil malayo- layo pa naman ang lalakadin namin. Hindi naman kami nakaka- abala sa iba since wala na halos nakain ngayon.    " Tara na be, para naman matunawan tayo. "  akit ni Jessa sakin. Naiinip na ito kaya ganto. Hahaha!    " Ay magbayad ka na. " utos ko naman dito. Ako kasi nag- order kaya ito magbabayad. Kilala din naman ito nina Tita Lisa kaya mabilis lang din. Binigay ko na yung bayad ko sa kanya para makapunta na siya sa kusina.     " Tita Liiisaaaaa!! Magbabayad na po kami. Felix ang pangalan Tita. " sigaw ni Jessa. Jusqpo itong babaeng 'to talaga makasigaw eh. Hahahaha! May pag- sigaw pa ay pupunta rin naman siya sa loob.     " Leggo na. Nakapag- bayad na ako. "  Umalis na nga kami kina Tita Lisa at naglakad na pabalik sa school pero gusto ni Jessa bumili muna ng tinapay sa bakery kaya sa halip na 5 minutes walk lang kami naging 10 minutes kasi paikot pa kami sa kabila na mas malayo sa school. Bumili si Jessa ng brownies at yung tinapay na lakas. Natakam na din ako sa pagbili ni Jessa kaya bumili rin ako ang akin naman ay pineapple pie tsaka kalihim. Mamaya pa naman namin kakainin 'to since kakakain lang namin.    " Be, san tayo tatambay? " tanong sakin ni Jessa. Since halos 1 hour pa yung vacant namin kailangan namin mag- decide kung san kami tatambay na malapit sa room at may lamesa dapat.     " Sa Emilio Aguinaldo building na lang kaya be? Dun sa may mga bench dun para may sandalan at lamesa. "     " Pwede naman. Malapit lapit naman yun sa room. "     " Turuan mo pati ako be. Maski mga 30 minutes lang basta medyo maintindihan ko lang ha? "    " Oo naman. Ikaw pa ba. Chaaar. " sabi ko dito. Mabilis naman kasi si Jessa turuan. Nage- gets kasi niya agad yung tinuturo sakaniya. Dumiretso na kami sa EA building at tumabay at tinuruan na din si Jessa ng maayos. Halos 20 minutes nga lang yung pagturo ko sa kanya eh. Nagkanya- kanya naman kami ng pagse- cellphone kasi wala na talaga kaming gagawin dalawa. May free wifi nga pala dito guys kaya hindi ko na kailangan mag- load para lang makapag- socmed.     " Beeee!! Beee!! " kuhit sakin ni Jessa. Tiningnan ko na lang ito na parang nagtatanong kung bakit.     " Si Karl oh!! Yung crush mong CTE. Mukhang tatambay din ata dito. " Si Karl ay student din dito na ang course naman ay Teacher Education. Sobrang crush ko ito kasi ang gwapo niya at ang linis linis pa ng itsura niya. Tapos yung mata niya guys naku. Makalaglag underwear talaga.     " Shh!! Wag ka maingay be baka marinig ka. Naku po delikado. "     " Olay ka be. Hindi ka maririnig niyan. Kalayo- layo naman pati natin sa kaniya. "  Medyo malayo nga kami sa pwesto nito kasi halos 3 na bench ang pagitan namin. Hay naku. Wrong timing naman ang dating nitong crush ko kung kelan naman kailangan na namin pumasok sa next subject namin oh!!     " Wag mong tingnan be. Baka makahalata yun. Nakakahiya naman. Tsaka tara na, punta na tayo sa room baka wala ng tao dun. "     " Ayiiiieee, hiya yern bee? HAHAHAHA! Tara na aa. Baka andun na din sina Lira. " last look na lang kay crush. Hahahaha! Baka kasi matagal ko na naman itong hindi makita since iba nga ang course nito samin tsaka ang alam ko medyo busy sila ngayon eh. May intel kasi ako sa course nila kaya medyo alam ko kung busy yun o hindi. Hahahaha! Joke lang.   Pumunta na kami sa room namin at medyo madami na nga ang tao. Halos andun na mga kaklase namin kaya medyo maingay na. Hindi pa kami makapasok sa room namin kasi may nagka- klase pa. Mukhang overtime na naman yung teacher kaya for sure mamaya pa ito. Puro mga nakaupo na kaming magka- kaklase sa sahig dahil hindi pa nga nalabas yung nagka- klase sa room namin. Maya- maya lang ay dumating na si Ma'am yung teacher namin at sabay- sabay namin inantay matapos mag- klase, pero hindi na ganun katagal paga- antay namin kasi lumabas na rin sila. Tuloy- tuloy na nga ang klase namin hanggang 6pm at uwian na kami. May boarding house ako dito since malayo yung bahay namin sa school. Si Jessa naman ay uwian sa kanila kasi 30 minutes lang naman byahe papuntang kanila. Sabay sabay kaming magba- barkada na lumabas ng school ay nagsi- uwian. Kasama ko sa boarding house yung barkada din namin na si Lira at Jake kaya kami yung magkakasama umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD