Nakakarelax sa farm house kung saan kami naghoneymoon. Hiling ko nga na sana ay magtagal pa kami rito ngunit kailangang magtrabaho ni Angelo. Pagdating pa lang namin ay namangha na ako sa lugar. Modern house sa gitna ng mapupunong paligid. “Nagustuhan nyo ba?” tanong ng ama ni Angelo sa amin. Kasama din namin ang Mama niya dahil pinilit daw siya ng mag-ama na sumama. Maya-maya ay aalis na rin ang mga magulang ni Angelo at babalik na sa Maynila. Hinatid lang kami at pinakita rin sa mama ni Angelo ang lugar. Nagpapaimpress kasi ang Papa nito sa kanyang Mama. “Maganda po,” nakangiting saad ng aking asawa sa kanyang ama. “Opo maganda po,” dugtong ko pa. “Ano sa palagay mo, sweetheart,” tanong ng tatay ni Angelo sa dating asawa nito. “Ok lang. Iwan na natin ang mga bata at bumalik na tay

