Ganoon na lang ang paglunok niya sa narinig mula kay Jordan, nagdulot iyon ng pagbilis ng t***k sa kanyang puso dahilan para tuluyan na siyang magising. "Tha...Thanks Jordy," hatak niya na lang sa kanyang kamay dahil pakiramdam niya ay malulusaw na iyon sa pagkakadikit sa mukha nito. Isang tipid ngunit malungkot na ngiti na lang ang gumuhit sa mukha nito. Panaka-naka na lang ang tingin niya rito, hindi niya alam kung bakit pero naroon ang pagkailang niya ng mga sandaling iyon sa binata. "You better get some rest now," malambing nitong sambit. "Okay." Lalo lang siyang napalihis ng tingin nang madama ang kakaibang lambing sa tono ng lalake. Tumalikod na lamang siya rito upang kahit papaano ay mapahupa ang kung anong kaguluhan sa kanyang damdamin ng mga sandaling iyon. Salamat na ri