Kasalukuyan nakaupo si Cassady sa opisina ng kanyang talent manager, hindi siya magkandamayaw sa pagtingin sa loob ng silid upang iwasan ang matalim at makahulugang tingi nito. Ultimo ang mga pigura nitong Japanese dolls at ilang cactus na collection ay nabilang niya na yata mapanatili lang ang pag-iiwas ng tingin. "Kailangan ko po ba talaga pumunta?" napapangiwi niya na lang na maktol. "Birthday iyon ni Leora, kaya sigurado kong maraming sikat na direktors, scouts at publicist ang pupunta roon," muling sermon na lang nito. "Pero mamang, alam niyo naman po na hindi kami magkasundo ni Leora," daing niya na lang muli dito. Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi niya magawang masikmura ang nais ipagawa ng manager niya. Hindi niya maaatim na dumalo sa isang party, lalo pa at halatang g