Isang malalim na paghinga ang ginawa niya upang pakalmahin ang sarili, hindi niya mapigilan ang sobrang pagkasabik sa nalalapit nilang kasal. Ilang araw na lang iyon at halos hindi niya na magawang makapaghintay, kaya naman todo sukat siya sa susuotin na gown upang makasigurong nananatili iyon na maayos na nakahubog sa kanyang katawan. Hindi niya mapigilan ang tuwa habang hinahawi at pinapakiramdaman ang makinis na tela ng light pink niyang gown. Pinaburdahan pa iyon ni Alex ng disenyo sa bandang palda na nilagyan pa ng ilang mga maliliit na rosas. Ang belo niya naman ay nakakabit sa isang maliit na tiyara, kita ang ganda ng kanyang balikat dahil sa pumayag ang kanyang kasintahan na off shoulders ang suot basta nakatakip ang kanyang leeg at dibdib, maliban doon ay may terno rin itong mah