"Ate, hindi mo man lang sinabi sa akin na kayo na ulit ni kuya Jordan," asar na lang sa kanya ni Alissa habang tumutulong sa paglilipat ng ilang mga gamit nila sa bahay nito. "Komplikado ang sitwasyon namin, kaya tumigil ka." Pandidilat niya na lang sa kapatid. Wala pa rin kasing kuryente sa kanilang bahay nang bumalik sila roon, kaya naman nagdesisyon na si Jordan na sa bahay nito na muna sila manatili. Maliban doon ay pinag awayan din nila ang kasalukuyang tinitirhan, hindi gusto ng lalake ang naturang lugar para sa kanila, lalo pa sa kalagayan niya. Kahit naroon ang matinding pagtutol ni Cassady, wala rin siyang nagawa nang simulan na nitong tawagan ang mga kapatid niya para magpatulong sa paglilipat. "Asus!" kinikilig na balik na lang ni Alissa sa kanya. "Pero ate, bakit par

