"Pare, inom pa tayo!" Angat na lang ni Jordan sa hawak na bote. Gumegewang na ang kamay nito sa pagkalasing dahil na rin sa dami ng nainom na alam mula kanina. Pruweba na noon ang dami ng bote na nakahilera sa lamesa. Halos nakasubsob na tuloy ito sa lamesa dahil sa tindi ng tama. "Jordan, that's enough, your wasted." Agaw na lang ni Vincent ng inangat nitong bote. "No, I'm not! I'm not!" subok na hablot muli ni Jordan doon pero agad na siyang hinawakan ni Luke sa balikat. Kaya naman nang mapaupo muli ay iniuntog na lang ng lalake ang mukha sa lamesa bago humagulgol. "Here we go again." Buntong hininga na lang ni Raymond sabay hilot sa ulo. Mag-iilang oras na kasi silang naroon, akala ng mga kabarkada nito ay kung ano na kasing nangyayari sa kaibigan dahil sa hindi ito matigil

