"Eighty-One, eighty-two, eighty-three!" Todong pagbaluktot ni Jordan sa katawan habang nagsisit-ups. Nais niyang pagudin ang sarili upang makatulog ng maayos. Kung tutuusin siya rin naman ang may kasalanan kung bakit nasa ganoon sitwasyon ngayon. Pero hindi niya naman pinagsisisihan ang pambubuntis kay Cassady, lalo pa at iyon ang isa sa mga naging dahilan kung bakit nagawa niyang makuha at mapalapit muli dito. "Jordy!" tawag ng malambing na tinig sa kanya. Napangiti na lang si Jordan nang maaninag si Cassady na sumisilip sa sliding door. Sa boses pa lang nito ay nabubuhay na ang dugo niya, kaya sigurado niyang mahihirapan nanaman siya sa gabing iyon. Hindi niya alam kung bakit, pero mula pa man noon, hanggang ngayon ay isa lamang ang sadyang tuluyan nakakapagpahupa sa nadarama

