Chapter 9
"You're too early." I said while taking a seat.
I chatted Donovan when I'm on my way to the mall and asked him kung nasaan na siya but he said he's on the Mall already.
"Ikaw ba ang nagbukas nitong Mall?" I joked.
Sinimangutan naman niya ako dahil sa sinabi ko pero tinawanan ko lang siya. Nakapag-order na siya ng pizza at iniintay na lang namin 'yon.
Tuwing nagde-date kami. We're just eating on a fast food, bata pa kami hindi pa namin afford ang fine dining. Yes, I can say that Donovan is rich so do I but that's our parents money not ours.
Nakakahiya naman siguro kung ipangde-date mo sa isang babae ay pinaghihirapang pera ng magulang mo. Kaya nga half-half kami ng binabayaran ni Donovan. Allowance niya lang ang ginagastos niya sa date namin. Nakakahiya naman kung maubos ang allowance niya just to impress his girlfriend.
Hindi naman ako katulad noong ibang babae na magrereklamo pa dahil bakit dito lang tayo kakain? Bakit 'yan lang ang pera mo? Paano pa tayo makakapagdate kung kakarampot ang pera mo?
I'm not like that. I understand the situation. Hindi naman kailangan lalaki ang laging gumagastos. That's unfair, really.
Always remember, hindi ka na lang sana nagboyfriend kung gagawin mo lang din naman credit card just to buy or eat whatever you want.
Ginawa mo siyang boyfriend because you love him at magiging masaya ka na lang kung saan ka lang niya kayang i-date for now.
In our age, natural ang ganitong date dahil wala naman kaming trabaho. We don't earn our own money yet.
"You ordered my favorite?" I asked the him with the obvious question.
Nagningning kaagad ang mga mata ko ng makita ang pagkalapag pa lang ng crew ng pizza dito sa Greenwich.
"Yes, Hawaiian." he said while smiling.
Kumain na kami at mas marami akong nakain kaysa sa kanya. I ate 5 slices pero kay Donovan tatlo lang.
"Ang takaw mo. Baka tumaba ka na niyan. Ayaw ko pa naman sa matataba." hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Alam ko namang binibiro niya lang ako.
"So anong sinasabi mo? That if I became fat iiwan mo na ko?" I asked him with greeted teeth.
Tiwananan niya lang ako habang umiiling.
"Huwag kang tatawa-tawa diyan. Answer me."
"Of course not. I love you kahit tumaba ka pa. Hindi naman physical appearance ang tinitingnan kapag nagmamahal di'ba? As long as my heart beats for you. You're the one I will only love." kinilig naman ako dahil sa sinabi niya pero syempre hindi ko masyadong pinahalata.
"Let's go. Kung ano-ano na sinasabi mo." I said at tumayo na.
Tumayo na rin siya at lumabas na kami ng fast food. Naglalakad-lakad muna kami para magpababa ng kinain. Naniningin rin ako ng mga pwedeng bilhin. Window shopping lang. Kapag kasama ko si Mama sa pagma-mall tsaka na lang ako magpapabili.
"Saan na tayo?" tanong ko sa kanya.
"We're going to watch a movie." he said.
Pumunta na kami sa 3rd floor dahil doon ang Cinema. Wala naman akong gustong panooring movie ngayon pero as long as I'm with Donovan, nag-eenjoy ako sa mga ginagawa namin.
"Is it okay with you if we watch action movie?" he asked. Mukhang kinakabahan pa siya na hindi ako pumayag.
I remember when it's our first time to watch a movie. Nagtalo pa kami noon dahil magkaiba ang gusto naming panoorin. He want to watch action movie while I want to watch romantic one.
"We're going to watch this." turo niya sa'kin.
"No." pagkontra ko. "I want to watch this one." I said while pointing a romcom movie.
Hindi ko alam kung anong tawag dito sa mga screen dito sa may gilid na may pinapakita kung ano ba ang mga showing ngayon.
"No, ito muna." he said. Hindi talaga siya nagpapatalo.
"Fine! Kung 'yan ang gusto mo manood kang mag-isa mo!" naiinis kong sabi sa kanya.
Napabuntong hininga naman siya dahil sa sinabi ko.
"Sige na nga, 'yan na lang gusto mong panoorin." napipilitang sabi niya. Mukhang napagod ng makipagtalo.
And since then. Kung ano ang ituro kong movie na gusto kong panoorin tuwing nagmomovie date kami. 'Yon na ang pinapanood namin. Hindi na siya umaangal. He didn't say anything. Lagi niya akong pinagbibigayan.
Ngayon na lang naman nagsuggest si Donovan ng gusto niyang panoorin. Sino ba naman ako para hindi siya pagbigyan? Wala nga din naman ako gustong panoorin. Sometimes we need give and take in a relationship. Hindi 'yung take ka ng take dahil ikaw ang babae.
"Sure." pagpayag ko.
Lumiwanag naman ang mukha niya dahil sa sagot ko. He even smile widely.
"Yes." mahina niyang bulong pero narinig ko pa rin.
Napangiti naman ako dahil sa inaasta niya. Para siyang batang pinayagan ng nanay niyang maglaro sa labas for the first time.
"Why are you smiling?" tanong niya.
"Nothing. Natutuwa lang ako na masaya ka." I honestly said.
"Syempre you're being a supportive and understanding girlfriend now." he teased.
Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa sinabi niya o matutuwa.
"So anong sinasabi mo? Dati hindi ako supportive at understanding? Sige. Iba na lang panoorin natin." I said and rolled my eyes at him.
"It's not like that. I mean you've grown. Mas matured ka ng mag-isip ngayon kaysa noon." seryosong aniya.
Sabagay tama naman siya. Syempre bata pa ako noon. Ilan taon ako noon? Fourteen? Understandable naman siguro na bata pa talaga akong mag-isip. Inaamin ko until now but I can see changes to myself. Like simple things like this.
'Yung simpleng pagpayag ko na manood kami ng action movie na gusto niya. Hindi mo naman kasi talaga kailangang makipagtalo pa.
"Talaga ba?" hindi ko alam kung sarkastiko ba yung tono ko sa pananalita o ano pero ngumiti lang siya at tumango.
"Let's go. Baka magbago pa ang isip ng girlfriend ko." he said.
Bumilis naman kaagad ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya o mas tamang sabihin na lalong bumilis dahil simula ng magkasama kami kanina ay sadyang mabilis na ang pagtibok nito.
Magkahawak-kamay kaming pumunta sa bilihan ng ticket. Akmang kukuha na siya ng pambayad sa wallet niya pero inunahan ko na siyang magbayad.
"Baby, ako na." Donovan said. Namula naman ang mukha ko dahil sa tinawag niya sa'kin. Nakatingin pa kasi sa amin yung babaeng cashier.
"Ako na." I said at tuluyan ng inabot sa cashier ang bayad. Napasimangot naman siya pero nginitian ko lang siya.
Kinuha na namin ang ticket at bumili na kami ng popcorn at drinks.
"Ako na magbabayad, ha." sabi niya agad habang palapit pa lang kami sa stall na bilihan ng popcorn.
"Oo na, para fair kaya ko naman binayaran 'yung ticket kasi ikaw ang nagbayad no'ng kinain natin kanina." katwiran ko. He smiled because of what I said.
Nang makabili na kami ng popcorn at drinks ay binigay na namin at ticket at pumasok na sa loob. Pinili naming puwesto sa may parteng taas. Nakakaduling kasi kapag doon sa pinaka-unahan. Masyado malalaki ang mga mukha.
Hindi pa nag-uumpisa ang movie ng makaupo kami. Nagpapabalas muna ng trailer ng iba't ibang pelikula na showing din ngayon.
Ilang minuto pa nag-umpisa na. Puro barilan agad ang bumungad sa pinapanood namin. Hindi talaga ako interesado sa action movie kaya si Donovan na lang ang tinitigan ko.
Seryoso ang mukha niyang nanonood habang sumusubo ng popcorn. Hindi ko na siya inistorbo dahil talagang seryoso siya. Hindi man lang siya lumilingon sa akin. Tutok na tutok ang mga mata niya sa malaking screen.
His face is serious yet undeniably handsome. Mahahaba rin ang pilik niya and his eyes. His tantalizing brown eyes. Matangos rin ang ilong niya. Makinis din ang mukha niya. Wala kang makikitang bakas ng pimples. His kissable lips na napakasarap humalik. How I miss his soft lips.
Nang maramdaman niya na kanina pa ko pa siya tinititigan napalingon na siya sa akin. Napatigil tuloy ang pagpapantasiya sa kanya.
"Stop staring, baby." bulong niya sa akin.
Baka kasi kapag malakas ang pagkakasabi niya. Magalit ang ibang nanonood. Bawal pa naman dito ang maingay.
Itinigil ko naman ang pagtitig sa mukha niya at humarap na sa malaking screen. Mahina naman akong napasinghap at nanlaki ang mga mata ko dahil eksaktong pagkaharap ko ay naghahalikan ang bidang lalaki at babae. Nasa kama na sila at hinuhubad na nga ng babae ang suot na damit ng lalaki.
I heard Donovan chuckled because of my reaction. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Itinaas naman ang dalawa niyang kamay. Sinasabing hindi siya makikipagtalo.
Pagkaharap ko ulit ay nagbabarilan na. Ni-cut na scene na 'yon. Syempre action movie ang genre hindi action sa kama.
Natapos na ang movie and checked my wrist watch what time is it. It's already two o' clock in the afternoon. Kanina kasi snacks lang ang kinain namin kahit tanghali na. So now, we're at McDo.
"What do you want to eat?" tanong niya sa'kin.
"Chicken with rice na lang." I answered.
Alam ko namang rice meal pa rin ang o-orderin niya sa akin kahit ayaw ko. Hindi pa kami naglulunch and knowing him kahit late lunch ay pilit kami dapat kakain.
"Okay. Chicken with rice. Coming up Ma'am." he said at tumayo na sa table para mag-order.
"Wait." pinigilan ko naman siya para i-abot ang pambayad sa o-orderin ko.
"No, ako na." he said.
"Wag ka na makipagtalo. Napag-usapan na natin 'to di'ba?" I said.
Napabuntong hininga naman siyang kinuha ang inabot kong pera bago pumunta sa counter para mag-order.
Napangiti naman ako habang pinapanood siyang mag-oder. Before, siya lang talaga dati ang nagbabayad sa lahat-lahat. Hindi niya ako pinapagastos kahit singkong duling but I realized it's not right. Dalawa kami sa relasyon na 'to. Kung mauubos ang allowance niya dahil sa date dapat damayan ko siya. Hindi siya lang ang gumagastos, pareho naman kaming nakain. Walang masama kung kami ang gumastos sa sarili naming pagkain habang nagde-date diba?
Hindi nagtagal dumating na si Donovan dala-dala ang tray ng order namin. Umupo na siya at nag-umpisa na kaming kumain.
"Say, a." Donovan said. Sinusubuan niya ako ng french fries. Tapos na kaming kumain ng rice meal.
I open my mouth and eat the fries. Napatingin pa ako sa paligid kung may tao bang nakatingin sa amin.
Nasa may parteng sulok naman kasi ang puwesto namin. Hindi masiyadong pansin pero nacoconscious pa rin kasi talaga ako kung may nakatingin ba.
May ilang napapatingin sa direksyon namin pero si Donovan ay parang walang pakialam sa paligid niya. Nasa akin ang buong atensyon niya.
Susubuan na naman sana niya ako ng french fries pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Why?" takang tanong niya.
"May mga nakatingin. Ginagawa mo naman akong baby." I said and pouted.
"Baby ka naman talaga. You're my baby." malambing na sabi niya.
Bumilis na naman ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ding nag-init ang pisngi.
Donovan never fails to make me fall in love with him for countless times.
----
10:15 AM. May 25, 2020