Chapter 13
"Sa wakas! Tapos na rin ang pesteng exam na 'yan. Nakaka-stress!" Cerene said habang ini-stretch ang arms niya.
"Na-stress ka pa sa lagay na yan? E, nag-aabang ka lang ng papel na i-aabot ko sa'yo." I sarcastically said.
"Oo naman. Nakaka-stress mag-isip ng strategy kung paano ko makukuha 'yung papel." she shot back.
Napailing na lang ako. She's unbelievable! Siya ang nag-isip ng mga gagawin namin kung paano ko maibibigay sa kanya ang sagot. 'Yon ang pinagkaabalahan niyang isipin kaysa magreview.
"Whatever. Basta next exam, hindi na kita pakokopyahin." pinal na sabi ko.
Namimihasa na si Cerene. Dati okay lang pero hindi na talaga siya nagrereview. Though, okay lang naman sa'kin. Pero paano kapag Senior High na? Paano kapag college na kami?
"Ano na nga palang plano mo? Sembreak na!" She asked excitedly. Binalewala ang sinabi ko.
"Well, aalis sina Mama at Papa bukas as usual. Napag-usapan namin ni Donovan that we're going to a beach pero wala pang exact date." mahaba kong sabi.
"Sana all may boyfriend. Mukhang tambay lang ako sa bahay." aniya.
"Bago na naman? C'mon Cerene. Wala pa kayong one month ni Raf na naglalandian."
"E, ano naman? Babaero 'yung hayop na 'yon. Aba! Kung nagagawa niyang mambabae, kaya ko ring manlalaki." she frustatedly said like a jealous girlfriend.
Hindi naman kalayuan namataan ko si Raf na naglalakad papunta sa direskyon namin. Nag-sign lang siya sa'kin ng huwag akong maingay.
Nagkaroon tuloy ako ng mumunting nakakalokong plano sa isip ko.
"Jealous?" I teased.
"Bakit naman ako magseselos? Aba! Kayang-kaya kong palitan 'yang Raf na 'yan." may inis at malakas na boses niyang sabi.
Nakikita ko namang napatigil si Raf dahil sa narinig kaya nagpatuloy lang ako sa plano ko.
"You didn't answer my question." I stated.
Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Oo na! Nagseselos pero slight lang." aniya sa malakas na boses.
Kakaunti na rin lang naman ang tao dito sa tapat ng classroom dahil kanina pa nagsi-uwian.
"Nagseselos ka? Sabihin mo kung kanino, iiwasan ko." pagsingit naman ni Raf.
Nanlaki ang mga mata ni Cerene. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago harapin ang nagsalita.
"I have to go Cerene. Enjoy" paalam ko at umalis na doon.
Ngiting-ngiti naman ako dahil sa kalokohang ginawa ko. I'm sure Cerene is cursing me to death right now. She's doomed. Well, nakikita ko naman kasi na iba si Raf. Iba ang kislap ng mga mata ni Cerene noong naging si Raf na ang uh...What do I call to Raf? Fling? Hindi pa naman sila, e.
Basta as long as Cerene is happy. I'm okay with it.
"My baby is happy. What's with the smile?" nagulat naman ako ng biglang may sumabay sa'kin sa paglalakad.
Boses pa lang. Kilalang-kilala ko na.
Donovan
"Cerene's with Raf. Napaamin kong nagseselos si Cerene sa mga babae ni Raf while Raf is just behind her." ngiting-ngiti kong sabi.
"Really? That's great. I can also see that Raf is smitten to your friend." nakangiti niya ring sabi.
Nag-uusap kami hanggang sa makarating na ako sa may gate. Sinamahan niya akong mag-intay ng jeep at tsaka lang umalis ng naka-sakay na ako.
Donovan still have class. Hanggang mamayang hapon na lang naman and tommorow is start of our semestral break.
Pag-uwi ko sa bahay. Nasa sala sina Mama at Papa. They are busy talking about their destination to their anniversary.
Bumeso na lang ako sa kanila at umakyat na. Hindi ako nagugutom. Mas gusto kong matulog.
Before I sleep, I just texted Donovan that I'm home.
Nagising na lang ako dahil nagriring ang cellphone ko. It's a video call from messenger to be exact.
Medyo nasisilaw pa ako sa liwanag kaya pinindot ko nalang ang answer button ng hindi tinitingnan kung sino ang caller.
Nakatapat sa mukha ko ang screen pero hindi ako kita dahil madilim sa buong kwarto. Nakababa kasi ang lahat ng kurtina.
"Baby." sabi ng nasa kabilang linya.
Boses pa lang. Alam ko nang si Donovan ang tumatawag.
"Kanina pa ako tumatawag. Online ka naman pero hindi ka sumasagot at bakit patay ang ilaw?" he asked. May himig ng tampo ang boses niya.
Binuhay ko naman ang lampshade sa tabi ko para makita niya ako kahit papaano.
"I'm sorry. Nakatulog ako. Nagising nga lang ako sa pagriring ng phone ko." medyo paos kong sagot. Halatang kagigising pa lang.
"I'm eating my dinner. You should also eat. It's eight in the evening" he said at sumubo ng kanin at ulam.
"You're eating. Let's just video call later. I'll just also eat my dinner okay? I love you."
" love you too." he answered and I ended our call.
Binuhay ko na ang switch ng ilaw at nag-ayos ng sarili. Nagsuklay muna ako at ginawang pony tail at buhok ko. Nagpulbo ng kaunti.
Tiningnan kong muli ang itsura ko sa salamin at bumaba na ako. Nadatnan ko sina Mama at Papa na kumakain na ng hapunan.
"Goodevening Ma, Pa." I said and go to my usual seat.
"Goodeveding din, baby." bati pala ni Mama samantalang binigyan lang ako ni Papa ng tipid na ngiti.
Kumuha na ako ng ulam at kanin. We eat our dinner peacefully. After our dinner. Umakyat na agad ako sa kuwarto ko at nag-half bath.
After that I immediately grab my phone at ako na mismo ang tumawag kay Donovan. Isang ring pa lang sinagot na niya agad.
Wala ba siyang gawa? Nasagot niya agad, e.
"I miss you." bungad niya agad sa'kin.
Parang hindi ko siya nakasama kanina, a? Nakahiga na siya sa kama niya at naka black sando lang. Kita tuloy ang humuhulma niyang mga muscles. He's already eighteen, afterall.
"You're being clingy." I teased him. Humalakhak pa ako.
Kitang-kita ang pagsimagot ng mukha niya sa camera.
"You didn't miss me?" bakas sa tono at mukha niya ang lungkot.
"Of course..." nakangiti kong sinabi. Mas lalong sumimangot siya. Kumunot din ng bahagya ang noo niya at nagsalubong ang kilay. "...I miss you too." dugsong ko.
Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at naging masigla na ulit. Minsan talaga may pagka-childish siya at napakaswerte ko dahil ako lang ang nakakakita ng ganitong side niya.
We talked a lot of things hanggang sa makatulog na ako.
I woke up early because of a knock. Napamulat naman ako ng marinig ko ang boses ni Mama sa labas ng pinto.
Dali-dali kong inayos ang buhok ko at tsaka siya hinarap.
"Ma, it's still early." I said while yawning.
"Baby, nakalimutan mo na ba? Today is our flight. Let's eat breakfast together before we leave." aniya.
"Okay po. I'll just fixed myself. Susunod na po ako." I said.
Umalis na naman si Mama at ako naman ay ginawa ang morning routine pagkatapos ay bumaba na.
Mama and Papa are waiting in our dining table. Hindi pa sila kumakain. Probably waiting for me.
"Goodmorning Mama. Goodmorning Papa." energetic na bati ko sa kanila.
They smiled at bumati rin sa akin pabalik. Our breakfast were fine. Nagbigay lang sila ng ilang paalala dahil aalis na sila after we eat.
Hindi nga nagtagal ay isinasakay na nila sa compartment ng kotse ang mga maleta nila.
Kasalukuyan na kaming nasa tapat ng gate ng bahay namin because Mama and Papa were bidding their goodbye.
"Zoila, we're leaving." Mama said and hugged me. Ganoon din ang ginawa ni Papa.
"Kailan po uwi niyo?" kunwaring malungkot na tanong ko kahit sa loob-loob ko ay nagdidiwang na ako.
Mama and Papa celebrates their anniversary out of the country every year. Syempre noong una ay nalulungkot ako tuwing aalis sila pero ngayon? Opposite na ang nararamdaman ko.
I'm so happy.
"Next week. Kapag hindi kami nag-extend." sagot ni Mama.
"Behave, Zoila." seryosong sabi naman ni Papa bago kumuha sa wallet niya ng isang credit card.
Nagliwanag naman ang mga mata ko ng i-abot niya sa'kin 'yon.
"Dahan-dahan sa paggastos habang wala kami. Remember, sa'kin dumadating ang bill." paalala niya pa.
"Bye, baby." Mama said before give me her last hug so as Papa. Hinalikan niya rin ako sa noo bago sumakay sa kotse.
Kumaway lang ako sa kanila hanggang sa mawala na sa pangingin ko ang sasakyan namin.
Pumasok na ako sa bahay at isinara ang malaking gate namin. Naabutan ko naman na naglilinis sa may living room si Aling Delia, ang stay out maid namin.
"Aling Delia, ako na po ang magluluto para sa sarili ko." nakangiti kong saad sa kanya.
"E, Ma'am utos ng Mama niyo na ako ang magluluto." aniya.
"Marunong naman po ako. Ako na po ang bahala. Pagkalinis niyo po sa bahay puwede na po kayong umalis." malaki ang ngiting sabi ko.
Tumango na lang siya. Mas maganda nga 'yon. Maagang matatapos niya ang trabaho niya rito.
May plano kasi kami ni Donovan na magmovie marathon dito sa bahay kaya ganoon. Napag-uspan na namin 'yon kagabi. At dahil wala dito sina Mama at Papa ay pwede siyang mag-overnight dito sa bahay.
Noon kasi ay natatakot akong papuntahin siya dito kahit wala sina Mama at Papa pero ngayon ay hindi na. Hindi naman siguro kami mahuhuli di'ba? Ako lang naman ang tao dito at hindi naman tsismoso at tsismosa ang mga kapit-bahay namin dito.
Hinintay ko munang umalis si Aling Delia bago ko tawagan si Donovan na puwede na siyang pumunta dito.
"Ma'am, aalis na po ako." paalam ni Aling Delia habang nanonood ako sa living room.
"Sige po. Ingat po kayo." magalang na sagot ko.
Sinundan ko siya dahil isasara ko ang pa ang gate. Ako lang talagang mag-isa dito sa bahay kaya gusto rin ni Donovan na dito matulog para may kasama ako.
After a few minutes. I called Donovan para papuntahin na siya dito. Hindi naman nagtagal ay nakarating na siya agad. He parked his car infront of our gate.
"Ipasok mo na kaya 'yang kotse mo?" suggest ko sa kanya.
"Okay. If you say so." kibit-balikat niya.
Binuksan ko naman ang gate at pinapasok siya. Nang maipark ang sasakyan niya ay agad siyang lumabas doon ay niyakap ako.
"Let's go inside." aya ko sa kanya.
Tahimik ang bahay ng pumasok kami. Tanging yabag lang ang maririnig namin.
"Your house is quite big." aniya.
"Hindi naman. Mas malaki siguro yung bahay niyo." balik ko naman sa kanya.
Sa mahigit isang taon naming relasyon namin ni Donovan, ngayon pa lang siya nakapasok sa bahay namin samantalang ako naman ay hindi pa rin nakakapunta sa totoong bahay nila. Kung saan nakatira ang parents niya.
"Do...you...want to go...to my house?" putol-putol at mabagal niyang tanong.
Nahihiya naman akong tumango. Napayuko pa ako.
"Alright. We'll plan that. You're gonna meet my parents." he said. Napalingon naman ako dahil sa sinabi niya.
What? Meet his parents? Hindi naman sa ayaw ko pero hindi ba baka hindi pa ito ang tamang panahon?
"Donovan, don't you think it's too early?" I asked without thinking.
My God Zoila? You're in a relationship with him for almost two years and you're gonna asked him that? Stupid!
Pagkastigo ko sa sarili ko.
"Baby, we're in a relationship for almost two years. I think this is the right time to finally meet my family but if you're not ready, I understand." malambing na sabi niya habang hinahaplos niya ang pisngi ko.
Nakatingin rin siya ng diretso sa mga mata ko. Nasa ganoong posisyon kami ng biglang may nagdoobell. Napa-igtad naman ako dahil sa gulat.
Sinong magdodoorbell? I didn't expect any visitors kaya nga malakas ang loob kong papuntahin dito si Donovan.
"Do you expect any visitor?" kunot-noong tanong niya.
Umiling naman ako.
Hindi pa rin tumitigil sa pagdoorbell. Sino ba 'yon? Balak ba niyang sirain ang doorbell namin?
"Baka si Aling Delia 'yon. May nakalimutan. You can go to my room. It's in the right side. The second door pag-akyat mo ng hagdan. Kahit anong mangyari wag kang lalabas." kinakabahan kong sabi sa kanya.
Patay na! Kung si Aling Delia 'yon malalaman niyang may ibang tao dito. Dala ni Mama at Papa ang isa naming kotse. Magtataka 'yon kung kanino yung nakapark sa garage.
Umakyat na si Donovan sa itaas samantalang ako naman ay pumunta na sa gate para buksan 'yon.
Pagbukas ko ng gate. Bumungad sa akin ang taong hindi ko inaasahan na pupunta dito ngayon.
"Lean? What are you doing here?" I confusedly asked.
---
1:54 PM. May 28, 2020