Chapter 26 "Hoy, tulala ka na naman" puna ni Cerene. Nakatingin lang ako sa eroplanong pataas ng pataas ang lipad. Hindi ko siya pinansin kahit naririnig ko siya. Masyado akong nagfofocus sa eroplanong 'yon hanggang sa mawala sa panigin mo. Biglang naramdaman ko na lang na basa ang pisngi ko. I'm crying again. Napaaga ang alis niya at sa mismong anniversary pa namin. Dalawang taon na sana kami. Kung hindi ba ako nabuntis, kami pa rin ba kahit aalis siya o iiwan niya rin ako. Mas nakahanap nga lang siya ng rason ngayon kaya niya ako iniwan. "Tahan na. Baka makasama yan kay Baby" naramdaman kong binalot ako ng yakap ni Cerene. Pinunasan ko naman agad ang luha ko ng banggitin niya na makakasama ang pag-iyak sa batang dinadala ko. "Huwag mo kasing isipin yung walang kwentang lalakin

