Week 2: How to Design Your Characters

424 Words
STEP 1: Design The Background of the Protagonist MAIN CHARACTER: Jin Marquez — Galing sa isang mayamang angkan si Jin Marquez, anak sya ng mag-asawang Marquez, he is an only child. Ang tatay nya ay isang sikat na action star noong kapanahunan nito ngunit nang magkaroon ng sariling pamilya ay ito na ang kanyang pinagtuunan ng pansin. Nang tumungtong si Jin sa edad na anim na taon ay nagsimula syang sundan ang yapak ng ama, umaarte na rin sya sa telebisyon bilang child-star actor. Dahil na rin sa galing nya sa industriyang pinasok ay sunod-sunod ang dumating na offer sakanya ng ilang tanyag na direktor. Sa industriyang iyon na rin sya halos lumaki. Nang mag-edad dalawamput-tatlo ay may malaki syang proyekto, ngunit bago iyon ay may pakulo ang management niya na kung saan ay makakasama nya ang maswerteng fan, ito din ay may kinalaman sa kanyang nalalapit na malaking proyekto. STEP 2: Figure Out You Character's Personality — Si Jin ay kilala dahil sa galing sa pag-arte sa harap ng camera, sa likod naman ng camera sya naman ay may pagkaarogante din. Dahil na rin sa kinalakihan nyang industriya kung saan pinalilibutan sya ng mga kapwa aktor at aktres na pagkakagaling umarte at mamlastik ay alam nya rin kung paano makisalamuha sa mga tao sa paligid. Madali syang mang-husga ng mga taong nakakasalamuha at lumalapit sakanya. STEP 3: Figure Out The Physical Features — May edad na dalawamput-tatlo ang aktor na si Jin Marquez, may tangkad na 5'11 at matipunong katawan. He have almost perfect sculpture of face, ang sinasabing sternocleidomastoid muscle ay visible sakanya na syang pinakamagandang muscle sa human anatomy, ang buhok ay kulay itim at minsa'y kinukulayan nya rin ito, perpektong kilay, brown eyes at plump lips. STEP 4: Build Social Relationship Tavio Isaac Rivera — Ang childhood bestfriend ni Jin. Halos sabay silang lumaki sa parehong industriya, isa sya sa talagang pinagkakatiwalaan ni Jin. Ryan Laurel — Ang manager ni Jin at tinuturing din na isang kaibigan, kuya nya rin kung ituring. Isa din sya sa pinagkakatiwalaan nya ng husto sa industriya. Mabait at maaasahan, alagang-alaga nya ang aktor na si Jin. Sya rin ang nagplano tungkol sa Raffle Game. Nesrin Flora Marquez — Ang ina ni Jin na suportado sya sa lahat. Mabait at magaan kausap, laging kinakamusta ang anak at maaalalahanin. Javier Ignacio Marquez — Ang striktong ama ni Jin. Dating sikat na action star at ngayo'y bibihira nalang makita sa palabas, minsan sya'y may proyekto, at kung dati na sya'y laging bida ngayon naman ay madalas kontrabida.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD