CHAPTER 1

1989 Words
'AM I STILL ME?' YUNA LAINE.... Nagising ako bandang alas dies ng umaga na sobrang sakit ng ulo. Kaya naman nagpabili ako ng gamot sa kapatid na si Popoy at uminom agad non. Nanibago ako sa biglang paglaki nya. Baka naman matagal akong di nakauwi dito sa amin dahil sa cavite ang work ko eh. Malayo din kase ang laguna sa cavite. Nang makakain ay naligo agad ako. Bukas ay may pasok na kami kaya kailangan ko ng bumalik ng cavite ngayon. Naggayak agad ako para maagang makabyahe. "Poy pakiabot nga ng bag ko" utos ko sa kapatid. Kinuha naman nya at iniabot sa akin ang kulay beige na bag na LV ang tatak. Kumunot na naman ang noo ko. Sobrang ganda naman yata ng bag na yon. Akin ba talaga yon? Diko natatandaang bumili ako ng ganoong bag. Mukang mamahalin . Ah baka naman yung mga class A na bag. Mahilig ako don eh. Napahawak ako sa ulo ko. Siguro dahil masakit iyon kaya diko masyadong matandaan ang ibang detalye sa akin ngayon. Nang handa na akong umalis ay wala parin ang mga magulang ko. Well alam ko namang pareho silang busy sa palengke kaya ipinasabi ko nalang sa kapatid ko na umalis na ako. Alas dos ng hapon ay nasa cavite na ako. Pagod ako at masakit pa rin ang ulo kaya gusto kong magpahinga muna sa boarding house. Pero nang dumating ako don ay iba na ang nakatira. Nagtaka na naman ako. Paanong iba ang naroon ay kababayad lang namin ng mga pinsan ko last month? May deposit pa kami ah. Bakit ganon? Naisip kong tawagan sila pero wala ang cp ko sa bag. Naiwan ko pa yata sa bahay. Wala akong nagawa kundi umalis sa apartment na yon. Nagutom ako kaya naisip kong kumain muna sa canteen na nakita ko. Chineck ko muna ang wallet sa bag. Buti nalang at naroon. Pero wait--- wallet koba talaga to? Diko na naman matandaang may ganon akong wallet. As usual.. Mga authentic design hahahaa. Chanel pa talaga ha. But i like it.. Hilig ko naman kase talaga ang mga ganong brand, sino ba ang hindi? Kaya lang bilang anak mahirap at bread winner pa ng pamilya ay di ko inuuna ang pagbili ng mga ganong gamit. Kaya medyo nagtataka ako at parang mamahalin ang mga yon eh sayang lang ang pera ko. Pero muli lang nanlaki ang mga mata ko pagbukas ng wallet na yon at makita ang makapal na pera. s**t. Napatingin ako sa paligid. Gosh! why do i have this bunch of money in my wallet? Naki-cr ako sa canteen at don ko binilang ang pera. 43 thousand? At may dadaanin pa. Realy? Nagloan ba ako at marami akong pera? Bakit diko binigyan ang nanay ko kanina? Akala ko ang pera ko lang ay yung nasa coin purse ko. Shit kinakabahan talaga ako. Baka naman may nakahulog non sa bag ko. Pero akin talaga yon kase may picture ko sa loob. Kunot ang noong napatingin ako sa isang wallet photo. Larawan yon ng isang lalaking sobrang gwapo. Sino naman kaya to? Bakit nakasingit sa likod ng picture ko? Ang kuhang iyon ay tila biglaan, yun parang tinawag ito saka biglang kinunan ng photo. Hmm pogi ah, pero di ko alam kung bakit nasa wallet ko yon. Nakakapagtaka talaga. Baka naman di akin to ah. Pero nasa bag ko naman at imposibleng may nakahulog. Sarado ang bag na yon . Naguguluhan man ay umorder na ako ng pagkain. Dinamihan kona at akoy gutom na. Pagkakain ay namroblema ako. San naman kaya ako tutulog? Ano ba kase ang nangyari sa akin? Bakit parang natulog ako ng sobrang tagal at ng magising ay ang daming nagbago sa paligid ko? Napasimangot ako ng ayaw akong papasukin ng guard ng A&A kahit ilang ulit kong sinabi sa kanila na empleyado ako doon. Hindi na daw yon A&A company. Kaya naguluhan ako sa sinabi ng guard. Tiningnan kopa ang building at napatunayan kong tama ang sinabi nito. Hindi na A&A ang naroon kundi D.M Construction company na. Ano bang nangyayari? Nagsara na ba ang A&A. Napasimangot ako. Kailangan kong makapasok sa loob at baka may naiwan dong dating empleyado na pwede kong tanungin. Patalikod na sana ako para umalis ng mahagip ko ang karatula ng DMCC sa may pader ng gate. Napalapit ako don. Hiring pala sila. Kaya lang mga architect at engeneer lang. Pero susubukan ko parin. Kahit di ako matanggap, gusto ko lang naman malaman kung paano nawala ang A&A. Imposible naman akong matanggap dahil two years course lang ang natapos ko sa I.T course. Umalis na ako don para makapaghanda para sa monday. Naisip ko munang maghanap ng titirahan kahit bed spacer. Hahanapin ko si lovely at Arvin kapag naalala kona ang lahat. Isang sakay lang mula sa company ang nahanap kong bed space. 1500 ang bayad taga buwan at tatlo ang kasama ko don. May sarili yong kusina, banyo at maliit na terrace. Okey na rin. Pansamantala lang naman habang dipa nakikita ang mga pinsan ko. Nakilala ko ang ibang mga kasama don. Sila Kira , Elona, at Joyce. Agad ko silang nakapalagayan ng loob maliban kay Joyce na tila suplada. Hindi ito friendly at kung makatingin ay parang mangangain. Si Kira ay 22 years old at Accountant sa isang company doon. Si Elona 27 naman at Office staff sa iba, si Joyce ay 28 years old HR daw sa DMCC. Nanlaki tuloy ang mata ko sa narinig. HR pala sya don. Balak ko pa namang mag-apply sa monday. Kaya lang nakakailang syang kausap kaya diko na muna sinabi. Maganda sana si Joyce at pang-model ang tindig, kaya lang parang ang sungit. Matagal na pala silang magkakasama doon. Umalis na ang dating jowang tomboy ni Elona kaya nabakante ang isang double deck. Sa taas ako at sa baba si Joyce. Ang cute ng tulugan nya. Puro stuff toys. Naalala ko tuloy yun dati naming boarding house nila Lovely, ganda rin ng kama ko don, asan na kase sila? "Bakit wala kang gamit Yuna?" Curious na tanong ni Elona sa akin. Ay oo nga pala nakalimutan ko. Alas kwatro palang naman. Pwede pa akong pumunta sa bayan para bumili ng ilang damit saka higaan. Sinabi ko sa kanila ang dahilan ko. Napatango-tango naman sila. "Baka naman malikot ang kamay mo? Uso yon dito, biglang nawawala ang isang tenant kase nagnakaw ng mga gamit" sabi ni Joyse sa akin na ikinalaki ng mga mata ko. Magnanakaw? Ako? Sa ganda kong ito? Excuse me may 43k ako sa wallet no?.. "Hindi ako magnanakaw no, grabe ka namang magsalita dyan" nakanguso kong sabi sa dalaga. Nailang tuloy sila Elona at kira sa amin. Buti pa ang dalawa mukang mababait. "Nagiingat lang kami dito. Mahirap na" aniya na ikinairita ko. Di nalang ako umimik at baka magkaroon agad ako ng kaaway doon ay kabago-bago ko. Nagpaalam nalang ako sa mga ito at sinabing bibili ng ilang gamit sa bayan. JOYCE... Ewan ko ba pero inis ako sa bago naming boardmate. Si Yuna. May nakakaasar sa awra ng babaeng yon, parang reyna kung umasta. Parang sanay magutos. Well maganda sya, sobra.. At halatang mayaman, di ko nga lang maitanong kanina kung tagasaan sya at bakit sya napadpad sa cavite na walang kadala-dala kundi ang bag nyang tiyak kong New designed LV. Pati mga alahas na suot nya at halatang mamahalin. "Joyce bakit ka naman ganon kanina kay Yuna? Mukha naman syang mabait, saka imposibleng malikot ang kamay non, kita mo ang bag nya? Halatang mamahalin" sabi ni Kira na sinangayunan ni Elona. "Nakakapaghinala kase ang mga kwento nya. Pwede ba naman yong bigla nalang nawala sa dati nilang boarding house yun mga pinsan nya? Anong malay natin kung magnanakaw yun? Wala lang sa hitsura" sabi ko. "Naku di naman siguro. Sakin okey si Yuna, wag mo na syang sungitan at baka magkaroon lang ng away dito" ani Kira. "Hmmmp.." Ingos ko sa babae. Kahit anong sabihin ng dalawa ay diko parin feel ang babaeng yon. YUNA.. Bumili ako ng mga kailangan ko. Tulad lang pambahay. Tsinelas, pantalon, tshirt at higaan. Namili narin ako ng pinggan baso at kutsara para di nakakahiya sa mga kasama. Next week nalang ako uuwi sa laguna para kumuha ng ilang gamit don. Babalikan ko din sa bahay ang cellphone ko at ang hirap ng wala non. Ni hindi ako makatawag kahit kay Vanessa. Nahihiya naman ako kaninang makigamit sa mga kasama sa bahay. Kakakilala ko palang sa kanila eh. Pasalamat nalang ako at may pera sa wallet ko. Bahala na kung kanino yon galing. Mumurahin lang naman ang mga binili ko at dipa umabot sa tatlong libo. Nahirapan ako sa paguwi dahil sa dami ng dala ko kaya naka arkila pa ako ng trycicle. 200 ang siningil sa akin kase malayo ang manggahan sa phase 2 eh. Nanghinayang tuloy ako sa pera. Pero okey na.. At least nabili ko ang mga kailangan. "Wow ang dami nyan Yuna ah" komento ni Kira habang tinutulungan nila akong magayos ng tulugan ko sa taas. Di kase free ang kutson don at unan lalo na ang kumot. Sa taas pa mandin ako kaya hirap na hirap akong magayos. Ang baba kopa naman. Si Joyce ay tahimik lang sa bangkong plastic na nagkukutingting ng kanyang phone. Yung dalawa lang ang natulong sa akin. Ganda naman ng iphone nya. "Oh ayan buti may hihigaan kana mamaya. Nga pala yuna ambagan dito ng bigas ha para isang lutuan nalang" ngiti ni Elona. Tumango ako. Sanay naman ako sa ganon. Ilang taon na akong nagtatrabaho eh. Kinuha ko ang bag at hinanap ang wallet para bigyan ng pera si Elona. Kaya lang kumunot ang noo ko ng makita ang maraming ATM at mga credit card doon . Nagtaka na naman ako. Akin ba ang mga yon? Diko tanda na nag apply ako ng credit card ha.. Naku nakakainis.. Dagdag bayarin pa. "Elona oh" sabi ko sabay abot ng isang libo sa kanya. Babawi nalang ako pag sumahod. Wait? Anong sahod eh mukang wala na akong work. Diko alam kung saang planeta lumipat ang A&A at di manlang ako na inform. Yari sakin si Vanessa at Criselda. Mga walang pasabi..tskkk.. "Ang laki nito Yuna, 300 lang" aniya. At sinuklian ako. Buti naman may sukli. Napagod ako sa maghapon. Feeling ko ang daming nangyari. Nahiga ako sa taas ng double deck pero mukang gusto pang makipagkwentuhan nila Kira at Elona. "Taga saan kaba Yuna?" Kira asked. "Laguna.kayo ba?" "Tarlac ako, si Elona sa batanggas. Si Joyce naman sa pangasinan." "Ah.. Magkakalayo pala tayong apat" sabi ko. "Hmm pwedeng magtanong, anak mayaman kaba?" Nahihiyang tanong naman ni Elona. Napansin kong napagawi din sa akin ang tingin ni Joyce na nasa may pinto. "B-bakit nyo naitanong?" Taka kong sabi. Sabagay sanay na akong mapagkamalang mayaman kase yung kutis ko daw at hitsura malayo sa mga kapatid at magulang ko. Not because of madungis sila ha. Masyado lang daw kutis-mayaman ako. Kase alaga ko ni nanay mula pagkabata eh. "Halata kase sa bag mo palang, saka yang mga alahas mo mukang mamahalin, at yung kuko mo in fairness ang ganda. Naglalaba kaba?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig sa kanila. Mas una pa nilang napansin ang mga alahas ko kesa sa akin. Napatingin tuloy ako sa braso. Lalo akong nagtaka dahil sa relo kong suot, may dalawa akong singsing, yung isa parang wedding ring at yun isa naman may diamond sa gitna. s**t saan ito galing? Kinapa ko ang tenga at leeg. Meron din pala. Pati kuko ko sobrang ganda ng ayos. Ano bang nangyayari,? Baka naman panaginip lang itong lahat. "Naku hindi, ang totoo bread winner ako sa amin, itong mga alahas ko, peke lahat ito. Mahilig ako sa mga class A saka immitation eh" sabi ko na sinamahan kopa ng tawa. Kahit sa sarili ay nagtataka na rin ako. Si Yuna Laine Quinto paba ako? ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD