Maria's Point of View
Nagising ako sa kakaibang amoy na nagmumula sa kung saan. Nakakasira ng ilong ang masangsang na amoy na 'yon kaya naman dali-dali akong kumuha ng panyo upang takpan ang ilong ko ngunit kahit pa nakatakip ang ilong ko ay may naamoy pa rin ako. Hindi ko na kaya, kaya naman ay kinuha ko ang pabango ko na nasa kartanueda ko na bigay pa sa akin ni Inay nung sumapit ang ikalabing-anim kong kaarawan.
Pinisik ko ang pabango sa bawat sulok ng aking silid para mawala ang amoy. Matapos no'n ay inalis ko ang nakataling panyo sa ilong ko.
"Sa wakas." mahinang sambit ko matapos makalanghap ng hangin na hindi masakit sa ilong. Saglit pa akong naginat-inat pagkatapos ay nagtungo sa banyo para magsipilyo at maligo.
Habang naliligo ako at pinakikiramdam ang bawat patak ng tubig sa mukha ko ay nasagi sa isip ko ang isang pangyayari.
'Nasaan ang kapatid mo Maria?!' galit na galit na tanong sa akin ni Itay habang niyuyug-yog ang balikat ko.
'Hindi ko po a-alam' umiiyak ko nang tugon sa kanya.
'Anong hindi alam? Hindi ba't kayo ang magkasama?' umuusok na sya sa galit at ang mga kuko nya ay bumabaon na sa balat ko.
'Hindi ko ho talaga alam' hinugot nya ang kanyang sinturon at saka pinalupot sa kanyang kamao.
'Ah! Itay- nasasaktan po ako.' daing ko matapos nyang ihampas ang sinturon sa puwitan ko.
'Sabihin mo na kung nasaan ang kapatid mo kung hindi masasaktan ka pa!'
"Maria?" napabaligwas ako ng patay ng tubig ng marinig ko ang tinig ni Itay na batid kong nasa labas ng aking silid.
"Bakit ho?" mahinahon at magalang kong tugon.
"Naliligo ka pa ba? O, sya mamaya na lang. Billisan mong maligo at may bisita tayo" papahina ang boses nya at naririnig ko rin ang bawat yapag nya at ng tungkod nya.
"Sige ho" tugon ko kahit alam kong nakalayo na sya.
Binilisan ko ang paliligo ko gaya ng sabi ni Itay. Pagkatapos kong maghanda ay bumaba na ako. Habang nasa hagdan ako ay nakarinig ako ng isang pamilyar na tinig.
"Paulo?" Bahagya pa akong natigilan sa paglalakad ng bigkasin ko ang pangalan nyang iyon.
Ngunit nang bumaba ako ay ibang tao ang aking nakita. Isang lalaki na halos kasing edad lamang ng aking Itay. Nakasuot ang lalaki ng kulay itim na amerikan at kulay kapeng pantalon. Batid kong mayaman ang isang 'to base sa kanyang pananamit. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng aming bahay. Sira-sirang kahoy na sahig, butas butas na kisame, maalikabok at maruruming kagamitan, sapot ng gagamba at puting kurtina na nakatakip sa ilang mgakagalitan. Hindi ko lubos akalaing may tao pang masisikmura ang luma na'ming tahanan.
Nakangisi kong hinakbang ang unang saghig ng hagdanan ngunit agad din itong nawala nang mamataan ko ang isang matang nakatinggin sa aking gawi. Alam kong gustong bilihin ng lalaking iyon ang lupang ito at wawasakin naman ang bahay na ito. Hindi ko gusto na mangyari ang bagay na iyon. Panahon pa ng mga Español ang bahay na ito na pamana ng aking Lolo sa tuhod sa aking Inay. Hindi ako makapapayag na kunin nya ng ganon-ganon na lang ang bahay na ito.
"Magandang Umaga Don Joaquin" pinilit kong bigyan ng isang natural na ngiti ang mmatandang lalaking kaharap ko na si Don Joaquin .
"Magandang Umaga Ija" agad nyang tugon sa akin.
"Naparito ka yata" sarkastiko kong tanong.
"Hindi ako naparito nang dahil sa INYONG LUPA, Maria." alam kong nararamdaman nya ang pagiging sarkastiko ko kaya naman padiin nyang binigkas ang salitang INYONG LUPA. "Naparito ako dahil nais ko lamang na imbitahan kayo sa isang munting salu-salo." dagdag nya na ipinagtaka ko.
"Maaari mo namang iutos na lamang ang bagay na iyon sa mga tauhan mo Don Joaquin. Hindi mo na kailangang magabala pa na pumarito." tila natigilan at nagisip ang matanda sa aking sinabi.
"Maria." mahina ngunit maawtoridad na suway ng aking Ama sa tabas ng dila ko. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Mainit ang dugo ko sa mga taong kagaya ng isang ito. Hindi ko nais ang mga taong pinipilit ang gusto nilang mangyari kahit na may naapakan na silang tao.
"HA HA HA HA HA" Malakas at sarkastikong tawa ng matanda.
"Huwag mo akong pagisipan ng ganyan ija" dagdag nya matapos nyang tumawa. Nginiwian ko lamang sya. Kailangan kong pigilan ang bugso ng dadamdamin ko.
"Nais ko lamang kayong imbitahan" muli nyang sambit.
"Pagpasensyahan mo na ang aking anak Don Joaquin" magalang na sambit ng aking Ama.
"Ayus lang. Naiintindihan ko ang iyong anak." Naiintindihan mo naman pala ko bakit mo pa rin pinipilit na mapa sa iyo ang lupa na ito. Gusto kong sabihin sa kanya ang bagay na iyon pero baka mas lalo akong maging bastos sa kanyang harapan.
"Pupunta kami." gulat kong nilingon si Itay sa kanyang naging pasya. Binigyan ko sya ng makahulugang tinggin matapos nyang lingunin ang gawi ko. Sa huli ay wala akong nagawa.
"O, sya mauna na ako at kailangan kong pang sabihan ang mga tauhan kong maghanda." sambit nya at saka sya ay tumayo at naghanda para umalis. Gaya ni Itay ay gumagamit na rin sya ng tungkod uoang gabayan sya ngunit hindi gaya ng tungkod ni Itay ay mukhang mamahalin pa ang kaniyang tungkod. Nang tumayo sya ay saka ko lamang napansin ang kanyang mga bodyguard na nakabantay sa kanyang likuran. Pinanuod lang na'min sya ni Itay na umalis kasama ang tauhan nya. Pagkaalis nila ay isinarado ko ang pintuan.
"Bukas ng hapon ang salu-salo. Gaganapin ito sa Baro." tinanguan ko na lamang ang aking ama sa kanyang sinabi. Ang Baro na tinutukoy nya ay ang bahay bakasyunan ng pamilya ni Don Joaquin.
Pinanuod kong magtungo si Itay sa likod-bahay. Matanda na sya at may mga iniindang sakit kaya naman halos wala na syang ginagawa tanging ginagawa na lamang nya ay ang alagaan ang mga tanim nyang halaman at gulay na nakatanim sa malawak na'ming bakuran sa likod.
Nang makalabas si Itay ay iniligpit ko ang mga tasa na syang pinagkapehan ng Don at ng ama ko. Ubos ang syang tasa na nakatapat sa inupuan ni Itay kanina samantalang halos walang kabawas-bawas ang tasa ng kay Don Joaquin.
Napailing ako sabay kuha ng tasa at iniligpit ito. Hindi ko na nagawang maglinis pa ng bahay dahil mahuhuli na ako sa pinapasukan kong trabaho. Nagmadali akong pumara ng tricycle ngunit nadismaya ako nang wala kahit isa ang nagdadaan. Hindi na ako nagdalawang isip pa na takbuhin na lamang ang lugar kung saan nakaparada ang mga toda. Hindi naman gano'n kalayo ang lugar kung kaya't ilang minuto lang ay nakarating na ako. Habang papasakay ako ng tricycle ay may naaninag ako na isang bagay na kumikislap. Sa kuryusidad ay pinulot ko ito. Hindi ko alam ang bagay na ito ngunit para itong isang pendant ng kuwintas. Pinagmasdan ko pa saglit ang napulot ko. Isa itong na kulay pilak n . May nakaukit na salitang mahirap intindihin. Hinuha ko ay pinilit na hatiin n.
"Miss?" tawag ng driver na nagpabalik sa akin sa realidad. Agad kong itinago sa bulsa ng suot kong pantalon ang bagay na 'yon.
"Sasakay ka ba?" tanong nya. Hindi ko sya sinagot sa halip ay tumango ako bulang tugon at saka sumakay. Tinuro ko ang daan patungo sa tindahan kung saan ako nagtatrabaho tuwing sabado, linggo at kung walang pasok. Pagkababa ko at matapos bayaran ang driver ay pinaulanan agad ako ng sermon ng aking amo.
"Sa'n ka ba galing Maria? Susmaryosep naman oh? Anong oras na? Madami ng mga kustomer" hindi ko na lamang sya pinansin at tinungo ko na lamang ang puwesto ko sa pagtatrabaho. Palibhasa ay biyuda at walang naging anak sa namatay nyang asawa kaya't kung magsungit ay daig pa ang dinatnan. Gaya ng dati ay nakasuot sya ng bistida na may bulsa sa harapan at nakakulot ang buhok na may hinihitit na sigarilyo na naging bisyo na nya ng mawala ang asawa.
"Naging pipi ka na ba ha?" inis nitong tanong matapos ko syang isnabin sa mga dada nya. Napakamot na lamang ako sa noo ko.
"Nagpunta ho si Don Joaquin sa bahay." pagdadahilan ko ng tumigil na sya. Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. Itinapon nya ang sigarilyong kanina pa hinihitit.
"Totoo ba yan Maria?" hindi makapaniwala ang tono ng pananalita nya. May pumasok na kostumer kaya't tinanguan ko na lamang sya.
Habang inaasikaso ko ang bumibili ay panay pa rin ang salita nya.
"Eto ho salamat po. Balik po kayo." sambit ko sa costumer saka ibinaling ang tuon kay Aling Jossa na kanina pa nagkukwento bg kung ano-ano patungkol sa nangyari nung wala ako.
"Tapos alam mo ba Maria?" muli nyang kwento.
"Ano ho?"
"Yung apo ni Don Joaquin na galing Maynila" natigilan ako sa sinabi ni Aling Jossa.
"Ano pong meron?" bigla may kung ano sa akin na nagingbinteresado sa kanyang sinasabi.
"Aba'y umuwi daw dito para mag-aral. Saan ka na nga ulit nagaaral"
"NE" tipid kong tugon.
"Ayon!" sambit nya na pumalakpak pa animo'y nasagot ang matagal na nyang katanungan.
"Don sa ngayon nagaaral." dagdag nya.
"Sino po ba?" may kung ano sakin na nagsasabing sya yon pero gusto ko paring kumpirmahin. "Si Piolo!" Piolo? Hindi ko alam pero nadismaya ako sa sagot ni Aling Jossa.
"Ay!" tatalikod na sana ko ng marinig ko syang humiyaw. "Si Paulo pala" kamot ulo nyang sagot. "Hindi ba't kababata mo ang isang 'yon?" bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa sinabi ni Aling Jossa.
Nagaalinlangan akong sagutin sya. Wala akong maalalang may naging kababata akong Paulo ang ngalan.
Amando's Point of View
Tanghaling tapat na at mukhang hindi uuwi si Maria mula sa kanyang pinagtatrabahuhan. Pinagmasdan ko muna ang mumunti kong mga halaman at saka akmang tatayo na sana nang makarinig ako ng ingay mula sa itaas. Malakas ang ingay kaya naman kahit na nasa likod- bahay ako'y rinig ko ang ingay na 'yon. Bigla akong kinabahan sa ingay na 'yon.
Para bang isang yapag na napakalakas. Hindi ko mawari. Isang kalabog? Hindi ko alam.
Gamit ang gabay kong tungkod ay lumabas ako at tinanaw ang silid kung saan ko narinig ang ingay. Laking gulat ko nang makita ng isang nilalang na walang ulo na nakatungaw sa bintana ng isang silid ng aming bahay. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Sa takot ko ay kinuskos ko ang mata ko. Laking pasalamat ko nang mawala ang nilalang na 'yon.
Ngunit..
"S-sino ka?" nangingig kong tanong nang makita ko ang isang babaeng may hiwa ang leeg na nanlilisik ang matang nakatinggin sa gawi ko.
"Kira.." bulong nya sa mismong tenga ko. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nya sa akin. Batid kong naglaho na sya na ikinaluwag ng paghinga ko ngunit naiwan pa rin akong nanginginig at tulala. Hiniling kong isa na lamang panaginip ang nangyari sa akin ngunit nagkamali ako nang makaramdam ako ng labis na paninikip ng aking dibdib. Pasapo kung hinawakan ang dibdib ko at pinilit labanan ang sakit ngunit hindi ko magawang labanan. Papaluhod na ako sa sakit. Bago ko pa man ipikit ang aking mga mata ay nakita kung paanong may lumapit sa akin.