Chapter 1

1032 Words
Dahan dahan na gumigiling si Lyee kasama sina masikip, kiwi, at peachy sa maliit na intablado kung saan maraming lalaki ang nag hihiyawan at nagsisipolan, habang pinapanood ang malaswang sayaw nila. Nakasuot ang bawat isa sa kanila ng maskara upang itago ang kanilang mga mukha sa customer ng bar. Bawat isa sa kanila ay may taglay na kagandahan na nakatago sa loob ng mga maskarang suot nila. Kagaya niya may mga tinatago din ang tatlong niyang kaibigan at kung bakit pinili na dito magtrabaho sa mariposa club. Dalawang buwan na mula ng tumakas siya sa kanya ama para ipakasal sa kasosyo nito negosyo. Kasabay ng kantang careless whisper ay sinasabayan bawat galaw ng mga balakang nila. Pumagitna naman siya para sa finally ng sayaw nila bilang queen of mariposa night. Habang bumaba naman ang tatlo niyang kaibigan. Nag umpisa na siyang gumiling sa hawak niyang pole. Kasabay ng malamyos na musika ay ang kaakit akit na sayaw niya. Hinaplos niya ang pole at gumiling ng pababa dito ng mapako ang kanyang mata sa isang customer dito club. Titig na titig kasi ito sa kanya at sinusundan ng mata nito ang bawat galaw niya. Napalunok siya ng mag tama ang mata nila ng gwapong lalaki. Kasabay ng pag inom nito sa baso na may laman ng alak ay ang pag tayo nito at lumapit sa manager ng club na si madam Leah. Binaling niya ang kanyang tingin sa mga lalaki dito club. Halos lahat ng lalaking customer ay mayayaman. Karamihan sa customer nila ay negosyante at ang iba dito ay masasabi niyang kilala niya dahil sa mga negosyo nito. Kaya laki ng pasalamat niya sa maskara na suot niya ay naitatago niya ang tunay niyang mukha. Iba kasi sa mga customer dito ay nakasalamuha na niya sa iba't ibang party na dinaluhan nila noon ng kanyang pamilya. Naghiyawan naman ang mga lalaki sa club ng umikot siya pole kasabay ng pag split ng mga hita. "Hoo, more, more," sigaw ng mga ito habang nag hahagis ng pera sa stage. Hanggang sa natapos na niya ang pag sayaw niya. Agad naman niyang pinulot ang pera na hinagis ng mga customer sa kanya. "Lyee, pina patawag ka ni madam sa kanyang opisina." Si Jess ang bartender dito sa club. Imbes na pumasok siya sa backstage ay dumerecho na siya sa opisina ng kanilang manager dito sa club. "Pinatawag daw ako ni madam?" Tanong ko sa bouncer na naka bantay sa labas ng opisina ni madam Leah. "Pasok ka na sa loob." Anito sa akin kaya pumasok na ako sa loob ng opisina ni madam. "Yes, po madam, pinatawag niyo raw po ako?" Tanong ko kaagad dito. "Yes, iha may bigating kasing customer na gusto kang maka table. Wag kang mag alala mabait naman yun si Mr. Valderama basta sundin mo na lang ang lahat ng gusto niyang ipagawa sayo." Napalunok siya ng laway dahil sa sinabi ng manager. Ibig bang sabihin lahat ng iuutos nito ay gagawin niya. "Pero madam alam niyo naman po na hindi ako nag papa-table hindi ba?" Tanggi ko sa gusto nito. "Bayad ka na niya, at ang laki ng bayad niya para lang mai-table ka niya. Ngayon lang ito Lyee saka mabait naman si Mico hindi siya gagawa ng ng mga bagay na hindi mo gusto. " Aniya sa akin. Wala na akong nagawa pa sa sinabi ni madam dahil nga daw bayad na ako ng lalaki. Pumasok muna ako sa backstage para mag retouch. "Lyeebog, halika na, ano pa ang tinitingin tingin mo dyan?" Napatingin ako kay apple ng tawagin ako nito sa palayaw na binigay niya sa akin. Mas matanda ako dito ng 2 taon dito. At sabi niya sa akin nawalan daw siya ng alaala. Pupunta din daw ito sa ka-table niya na tulad ko. "Wala may tinitignan lang ako dito sa cellphone." Sagot dito. May pagka madaldal kasi ng isang to. "Ano ba kasi ang tingnan mo diyan ha? May yummy papa ba yan sa cellphone mo?" Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya at lumabas na ng backstage. "Lyeebog, mag ingat ka dyan sa ka-table mo ha." Paalala pa niya sa akin. Pumasok na ako sa VIP room kung saan hinihintay na ako ng customer na gustong mag table sa akin. Wala akong nakitang tao sa loob ng kwarto kaya kinakabahan na umupo ako sa sofa. Sa loob kasi ng dalawang buwan na pag ta-trabaho ko dito, ngayon ko pa lang mararanasan ang mag pa-table sa isang customer. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at niluwa nun ang gwapong lalaki na nakatingin sa akin kanina. Siya pala ang sinasabi ni madam Leah na customer ko. Umupo ang lalaki sa harapan niya at kinuha ang alak na nasa mesa. "What's your name?" Tanong ng baritonong boses nito. "Lyee, po sir." Magalang kong sagot dito. "Lyee, hmm nice name." Aniya. "May gusto ka bang inumin lyee? Para maipakuha ko sa aking tauhan. " Aniya sa akin. "Ladies drink na lang po sir. " " Call me Mico" maotoridad na saad nito. " Y-yes, si- Mico." Kinakabahang tugon ko. Kinuha nito ang cellphone nito at may tinawagan. " Bring a ladies drink here." Utos nito sa kausap at agad na ibinaba ang cellphone. "So, Lyee hindi na ako pag paligoy ligoy pa. I want you to be my girlfriend." Napanganga ako dahil sa tinuran niya. Tama ba ang pagkakarinig ko? Gusto niya ako maging girlfriend. "Ano ho iyon sir?" Tanong ko ulit, baka mali lang ako nag pagkakarinig sa sinabi niya sa akin. "Name your price, Lyee, and I give it to you, just pretend to be my girlfriend." Seryosong saad nito. " I'm sorry sir pero hindi po ako interesado sa offer niyo sa akin. " Wika ko at akma tatayo na ng pigilan niya ako sa akin braso. May kung anong kuryente naman akong nararamdaman ng maglapat ang mga balat naming dalawa. May kung anong kiliti sa akin ang dumaloy doon. "You don't have a choice, kundi ang tanggapin ang offer ko sayo kung ayaw mong mawalan ka ng trabaho, kasama ang mga kaibigan mo. Ayaw mo naman ata mangyari yun hindi ba? " Nakuyom ko ang aking mga palad dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD