ALEXA YOSHIDA'S POV
"I TOLD YOU tita, super creepy nyang si Ex kanina." Wika ni Ariah habang kumakain kami.
Well, Ariah is my adopted cousin kaya samin sya naka-tira. And si Yesha naman ay best friend ko na malapit lang rin dito sa neighborhood namin.
"Creepy? Aketch dude? Na-uh." Depensa ko saka nag-patuloy ng pagkain.
Sya naman ay gayundin, natawa na lamang si mudrakels sa amin saka nagpatuloy din sa pagkain.
Kanina'y napa-galitan ako dahil kesyo ang tanda ko na daw at nadadapa pa ako. Hindi ko naman na nagawa pang depensahan ang sarili ko kaya hinayaan ko na lamang.
Nang matapos kaming kumain ay tumulong na kami sa pagliligpit at nag-tungo sa kwarto.
"Ay dude. Ang gwapo naman dis boy." Maya-maya ay usal ni Ariah habang naka-dapa sa kama. Ako naman ay nanatiling naka-sandal sa headboard.
"Anet?" Kaagad naman syang umayos ng tayo at nagpi-pindot sa cellphone nya.
"Look oh. Sinend sa gc ni Sha kani-kanina lang. Mag-open ka kasi lukaret!" Inis na saad nito.
Natawa naman ako at kinuha na lamang ang cellphone nya para duon tignan ang larawan.
"UEMJI. As in O to the M to the G! Sya yung nang-snatch kanina ng bike ni Sha!" Saad ko na nanlalaki pa ang mata na parang hindi maka-paniwala sa nakita.
Ang picture ay dito lamang din sa neighborhood namin, lagpas isang kanto lamang ang layo mula sa bahay namin nakunan ang larawan, medyo blurred pa ang kuha.
'Kukuha na nga lamang ng picture hindi pa ayusin! -_-'
"Talaga dude? Ay ang galing taga-dito lang din sya? In fairness gwapo ah."
"Anong gwapo ka dyan? Madilim lang kaya ganyan!"
"Hmp. If I know--"
"If I know ano? Whut? Whut? Tch." Saad ko saka nagbukas na din sa cellphone ko. Mabilis na nag-type matapos muling suriin ang picture.
Ex: Hoy Yeshang! Surelalu ka bang dito yan?!
Sha: Tingin mo dude?! Malamang! Blurred lang ang kuha dahil nasa tricycle ako nyan!
Aya: If I know talaga BWAHAHAHAHAHA
Awtomatiko na sumama ang tingin ko kay Ariah.
Ex: Tigilan mo ko Aya ah grr -.-
Aya: Sus hahaha
Sha: Why? Hahaha anong meron dude?
"Ayaaaaaaa! Nako kung ano man yang nasa isip mo pwede ba? That's not it." Usal ko bago pa man sya maka-pag-type
Aya: Nvm dude. HAHAHA ini-english na ko eh HAHAHA
Sha: Ku! Haha if I know HAHAHA
Ex: This is why ayoko mag-open -,-
Aya: Awtsu
With that, nag-out na ako. Paano'y pagtu-tulungan lamang nila ako.
"Awtsu~ tampo sya~ yieee." Panunuyo ni Aya pero hindi ko sya tinapunan ng tingin. "Alexaaa~ psst. Alexa Yoshidaaa~" bulong pa nito saka ako kiniliti sa tagiliran.
"Alam mong wala akong kiliti, so don't bother." Anas ko saka ikinuyom ang kamay ko. For some reason my palm is my weakness. It really tickles when someone holds it.
'And I hate that teh nakakalerki (〒▽〒)'
"Hmm. Everyone have that ticklish spot, Ex. Don't me. C'mon, give me your hand."
"No. As in N to the O. No!"
"Oh c'mon! Here I comeeee!"
With that, nag wrestling kami para lang makiliti nya ako.
"It tickles!" I shouted with the taste of horror (;'༎ຶД༎ຶ')
ACE TAKESHI'S POV
"NO! I mean why? Why would you want me back? I run away from home. Nag-layas ako Lo-Sir T." I utter
Kaninang umaga ay nagulat na lamang ako at nandito sya sa tinutuluyan ko.
"I know. And now that you've experienced a lot of things of your own, it's now time for you to come back, Takeshit." Naka-ngiti pang anito.
"And?" Saad ko, nagpapa-ubaya.
"Nothing much. Just study again with your friends."
"That's all?"
"Hmm. What is it that you'll ask in return grandson?"
"Let me stay here, here on my own." Determinadong saad ko, yon lamang ang tanging hihilingin ko.
Ngumiti sya ng malawak at tumayo. "You really are independent now, Takeshit." Pag-kuwan ay tumalikod na sya
Huminga ako ng malalim bago tumayo rin, "Oh, by the way. It's pretty cool." Pahabol na aniya. Liningon pa ako na halata sa mukha ang gulat "Your house, I mean." Natatawang ani pa nito saka nagpa-tuloy sa pag-labas.
'Whew.'
Hindi pa ako nakaka-hinga ng maayos ng biglang may mag-hagis sa akin ng set ng uniform, naka- hanger pa ito at plastic.
"Missed us, Takeshi?" Awtomatikong nanlaki ang mata ko sa nakita.
'Mukhang mali ata ang pag-payag ko. Tinamaan na.'
"Yiee. Masyado tayong na-miss ni Takeshi kaya ganyan kung maka-react." Ani Yamazaki, nagpa-tuloy sila sa pag-pasok sa bahay ko.
"I guess not. Maybe nabigla syang makakita ng bayot sa bahay nya." Mitzuki uttered then slammed himself on the sofa.
"Talking 'bout yourself, eh?" Usal ni Takizawa saka ako tinapik sa balikat.
"Pagbigyan mo na Takeshi, na-miss ka nila masyado. Haha." Naka-ngiting ani Akashi saka dumeretso sa kwarto ko at inilapag ang dala nyang ilang set pa ng uniform.
"C'mon Takeshi, ganyan mo ba kami ka miss huh? Halika ka rito iki-kiss kita sa pwet dali!" Kantyaw ni Mitzuki na inaaro pa ang pwet ko.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka tumingala, pagka-tapos ay napa-ngiti sa ere
"Gago ka tukmol. Tigilan mo ko haha." Natatawang ani ko. Saka nag-lakad papunta sa kwarto at inihagis ang uniform na inihagis nila kanina.
'Kawawa yung uniform takte haha'
"Hoy Takeshi! Wala ka na bang foods dito?" Dinig kong ani Yamazaki mula sa kusina, bago pa ko maka-sagot ay nagsalita na si Akashi.
"Hanap muna kasi bago imik tukmol." Anito saka kinuha ang ilang instant noodles at 'de lata sa kabinet ko.
"Your house is cool." Puri ni Takizawa ng maka-balik ako sa sala.
Natawa na lamang ako at dinaganan si Mitzuki na prenteng naka-higa sa sofa ko.
"Aa--aack! Tukmol ano ba-- aack!--" reklamo nito habang pumipitlag.
Sinenyasan ko naman si Takizawa na tumayo, natawa lamang ito at mabilis na dumagan din sa amin.
Maging si Akashi na kaninang nasa kusina ay naki-sali na rin sa amin.
"Hoooy! Ang dadaya nyo ah! Ako riiiinnn!" Mabilis na tumakbo si Yamazaki sa gawi namin habang may hawak na kawali at spatula.
"GAGO KA TUKMOOOOOOOOL!" sabay-sabay naming anas saka nag-unahang maka-alis sa pwesto namin.
"HAHAHAHA para kayong mga ogag kanina!" Ani Yamazaki na kanina pang tawa ng tawa.
'Paanong hindi, dumagan ka ba naman samin na may hawak na mainit na kawali eh -,-'
YESHA'S POV
"ANG AGA pa Sha anubeeey!" Angil ni Ex habang nagpapa-padyak pa.
Paano'y maaga akong nag-punta sa kanila.
"Ala-siete na kaya Ex! Anong maaga ka dyan!" Anas ko
"Exactly. Seven pa lang Sha, alam mo namang ten kung gumising yang si Ex. Dinaig pa lagi ang zombie." Pangga-gatong ni Aya habang nagsi-sepilyo
"Ang aga ah, don't me."
"Tara na kasi! Titignan natin yung nanguha ng bike ko dude!" Usal ko na syang nagpa-bangon kay Ex.
'Hihihi galing ko dude!'
"What? -- I mean wait, maghi-hilamos lang ako!" Nagmamadaling aniya saka nag-tungo sa cr.
"If I know talaga HAHAHA" natatawang saad ni Aya na iiling-iling pa
"Aya aaah! Don't me!"
Pagka-tapos nilang isagawa ang rituals nila ay bumaba na kami, kunwang nagjo-jogging ang peg namin ngayon.
"Sino bang may sabi na mag-jogging kuno tayo?! Nakakapagod! Ayaw keu na!" Reklamo ni Ex saka tumigil naupo pa ito sa sidewalk, napa-tigil rin kami ng wala sa oras nang may lumabas na mga lalaki sa isang bahay.
"Bakit ba kasi kaylangang kasama ako sa pag-bili??? Why do you have to include me?! Whyy?" Anas nung isa habang mistulang may kinakapitang kung sino man sa loob.
"Hoy tukmol. Mag-tino ka nga! Ikaw ang umubos ng pagkain kanina tas magre-reklamo ka!" Sigaw naman nung isa pa dun sa naunang lalaki.
"Just go and buy something for breakfast." Anang isa pa saka ipinag-tabuyan yung dalawa
"Ooh! Tara na! I'm ready to rumble na!" Biglang tumayo si Ex saka nag-stretching
"Parang kanina lang you are giving up na, tapos ngayon--"
"Ano ka ba Aya, kanina yun, hindi ngayon. Keri?" Sagot nito kay Aya saka bumaling ng tingin sa akin "So? San na dude the houselalu ng ma-shombag ko na that boi?"
Agad akong napa-kamot sa ulo saka binigyan sya ng awkward smile "Hehe di ko alam dude"
"What?! Hin--hindi mo alam tapos binulabog mo ang aking mahimbing na pag-tulog?! Whyyyyy?" Waring nang-hihinang aniya saka muling naupo sa sidewalk
"Miss ayos ka lang?" Kaagad kaming nag-angat ng tingin sa lalaki
"Aga mo man-chix tukmol." Pabulong na wika nung lalaking kasama nya
Kung hindi ako nagkaka-mali ay sila yong kanina (⊙o⊙)
"Ako? Teh?" Tanong ni Ex saka itinuro pa ang sarili nya "Tinatanong mo kung ayos lang ako? No! As in N to the O! No!" Dagdag na aniya
"Ex, kalma ano ba. Natatakot--"
"Ha! Talaga! Dapat matakot yung Takeshi na yon!" Tumayo pa siya saka tumuro kung saan "Dahil once na makita ko ulit sya, puputulin ko yung tutut nya!" Ex shouted, acting like a monster.
Nang napabaling ako sa dalawang lalaki sa tabi namin.
"A-aww." Anas nong isa habang napapahawak pa sa ano nya.
Ang isa pa ay napangiti sa kawalan. "Seriously, that asshole." Bagaman mahina ay nagawa ko pa rin iyong marinig.
***