Kabanata 12

1012 Words

Kabanata 12 Fine Pagkatapos ng nangyari kanina ay bumalik na kaagad ako sa sariling silid para magkulong doon. Painit nang painit ang pisngi ko tuwing naaalala ang kahihiyan ko sa harap ni Hunter. Bakit may papikit-pikit pa kasi ako nalalaman? At ang labi ko... parang may sariling isip na ngumuso sa pag-aakalang makakatanggap siya ng halik mula kay Hunter! Nagpagulong-gulong ako sa kama saka ginulo ang buhok ko. Pakiramdam ko pulang-pula pa rin ang pisngi ko. Nag-iinit ang buong katawan ko sa hiya. Bakit ba kasi ako umasta ng ganoon? Para maibsan man lang ang hiyang nararamdaman ko sa katawan ay pinili kong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Pagtapos kong maligo ay nagbihis ako ng pantulog. Pero kakatapos ko pa lamang mag-ayos ng sarili ay saka naman kumalam ang tiyan ko. B

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD