Kabanata 22 Slow "Nagsisimula na ba kayong gumawa ng magiging apo ko?" Kaswal na kaswal na tanong ng inang reyna. Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko. Matapos kong maglinis ng katawan ay nawala ang pagod ko sa dalawang araw na paglalakbay. Pinili ko na lang ayain si Hunter na kumain na buong giliw naman niyang pinaunlakan. Subalit naabutan namin ang kaniyang magulang na kumakain din sa hapagkainan. Kaya sa huli ay sabay kaming apat na naghahapunan. "Normal lamang ang usaping ito lalo na sa mga bagong kasal," sabi pa ng reyna. "Don't tell me... Hunter hasn't score yet?" Sa pagkakataong ito ay si Hunter naman ang napaubo. Agad ko siyang inabutan ng tubig. "Mahal na reyna, dahan-dahan lamang sa pagtatanong," ang amang hari. Tinuon ko ang atensiyon sa pagkain, hindi ko nais makas

