« 01 »

1117 Words
† CHAPTER 01 † Xianne PoV Pauwi na ako galing trabaho (my sideline work) nang mapadaan ako sa isang lugar na hindi madalas dinadaan ng mga tao. Habang naglalakad ako ay may narinig akong ingay. Tumingin ako sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng ingay pero hindi na muli ito narinig. Parang may mali.. Muli akong nagdere-deretso sa paglalakad ng may narinig na naman akong ingay. This time alam ko ng may mali talaga. Tumigil ako sa paglalakad para hanapin kung saan nagmumula ang ingay na iyon pero hindi ko mahanap. Habang nagpapatuloy ako sa paglalakad ay lalong lumalakas ang ingay na naririnig ko hanggang sa mapatigil ako sa tapat ng isang lumang bahay. Tumingin ako sa paligid.. Magubat rito at tanging ang lumang bahay na ito lang nakatayo dito. Ang naririnig kong ingay kanina ay lalong lumalakas nung palapit na ako sa kulay pulang pinto. Nakakatakot dito, parang ayaw ko ng tumuloy pero kahit papaano ay meron parin sa loob ko na gustong tumuloy kaya napagpasyahan ko na katukin ito. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sino man ang nag balak magbukas nito. Kumatok muli ako at nag babakasakaling may magbubukas ng pinto pero nang hawakan ko na ang doorknob ay muli kong narinig ang isang ingay. Isang ingay na makakapagsabi na may tao rito. Hindi galing sa loob ang ingay 'kundi sa gilid ng bahay, dun sa madamong parte. Pumunta ako sa gilid ng bahay at tinanaw ang paligid. May nakita akong daan papasok sa kagubatan. Hindi naman nakakapagtaka kasi sa probinsya ay parang ganito rin pero may napansin akong kakaiba. Dahan-dahan akong lumakad habang nagmamasid sa paligid. Napahinto ako sa paglalakad ng may nakita akong tatlong daanan. Isa sa kaliwa, sa kanan at sa gitna. Pero nagkaroon ako ng iteres sa gitna dumaan. Dahan dahan akong naglakad nung masasakop na ng dilim ang paligid ay may narinig akong yabag ng mga paa. Napalingon ako sa kaliwa ko kasi dun ko narinig ang yabag ng paa. May nakita akong isang tao. Dahan-dahan syang naglalakad na parang may iniindang sakit. Nang makalabas sya sa bungad ay nagulat ako sa nakita ko. Ang dami nyang tama ng baril meron sya sa braso, tagiliran at may daplis sa hita na hindi natigil sa pagdugo. Dumudugo rin ang kanyang ulo. Tumitingin tingin sya sa likuran na parang may humahabol sa kanya na tinatakasan nya. Lalapitan ko na sya nang may narinig akong mga bagong mga yabag ng mga paa. Hindi na sya isa kundi marami sila. Nagmadali akong lumapit dun sa lalaking unang lumabas mula sa loob ng gubat at inalalayang nakapunta sa matataas na ligaw na damo. Ihiniga ko sya roon saka ako humiga sa tabi nya upang hindi kami makita. Magsasalita sana sya pero tinakpan ko ang bibig nya para hindi makagawa ng kahit anong klaseng ingay. Nang wala na ako naririnig ng kahit anong ingay ay tumayo na ako saka tumingin sa paligid pero may humatak sakin pabalik sa kina hihigaan ko pero sa iba ako bumagsak. Bumagsak ako sa ibabaw ng lalaking kasama ko rito. Nakita kong napadaing sya sa sakit kasi na dadaganan ko ang sugat nya sa bandang tagiliran nya.. Tatayo na sana ako kaso pinigilan nya ulit ako. "Hindi ganun kadaling linlangin ang mga iyon." mahinahon nyang sabi. Wala akong nagawa 'kundi ang manatili sa ibabaw niya. Napansin kong nahihirapan na sya kaya bumalik na lang ako sa kinahihigaan ko kanina sa tabi nya. Tama nga ang sinabi nya kasi maya maya lang ay na nagsi-balikan ang mga taong naghahanap sa lalaking kasama ko ngayon. "Wala boss..." sabi nung isang lalaki. "Hanapin nyo! Hindi pa yun makalalayo ng ganun ganun lang kasi marami na syang natamong sugat." sabi nung isang lalaki na tinawag nilang boss. "Huwag na tayong mag aksaya pa ng oras kung alam naman natin na hindi na sya magtatagal na humihinga." sabi nung isa. Napabuntong hininga na lang ang lalaking tinawag nilang boss. Nagpalinga-linga sya sa paligid nung wala syang mapansin na kakaiba saka sya nag paunang umalis. Nagsisunudan naman ang mga tauhan nya. Nanatili kaming sa ganitong posisyon at nakiramdam sa paligid. Nung mapagtanto namin na wala na sila ay tumayo ako at tumingin sa palid para makasigurado. Inalalayan ko syang makatayo sa kinahihigaan nya kanina at nag simulang naglakad. Nung makalabas na kami sa damuhan ay tinahak ko na nag daan papunta sa labasan pero pinigilan nya ako. "D-Dun sa b-bahay." putol putol nyang sabi na kinakunot ng noo ko. Natigilan ako kaya muli syang nagsalita."Dun nga sa--"pinutol ko na ang sasabihin nya. "Oo." natatarantang sabi ko. Nung nandito na kami sa tapat ng bahay ay hinawakan ko na ang doorknob pero hindi ito mabuksan. "Naka lock." sabi ko. "S-susi." sabi nya. "Saan." tanong ko. "Sa b-bulsa ko." sabi nya. Nagdalawang isip pa akong kunin ang susi sa bulsa nya pero nung kukunin nya ay pinigilan ko sya saka ko kinuha. Pagbukas ko ng pinto ay sabrang dilim. Tumingin ako sa paligid para hanapin yung switch ng ilaw. Nung nakita ko na ito ay inupo ko muna sya sa sofa na tanging natatanaw ko. Nang tuluyan ng mabuhay ang mga ilaw ay nakita ang buong bahay. Hindi ko maiwasan na ma-mangha sa ganda ng bahay. Bumalik lang ulit ako sa riyalidad ng marinig ko ang pagdaing nang lalaki.Nagmadali akong lumapit sa kanya. "Nasaan yung first aid." natatarantang sabi ko habang tumitingin sa paligid. Hindi naman ako doktor pero may alam na nako pag dating sa ganito. "N-nasa cabinet." napalingon ako sa kanya ng sabihin nya yun pero agad ko ring binawi yun saka pumunta sa cabinet na tinutukoy niya. Nung makita ko ang laman ng cabinet ay muli akong namangha. Halos completo ang mga kagamitan nya. Kinuha ko yung mga kailangan kong gamitin saka ako lumapit sa kanya. Ihiniga ko sya sa sofang kinauupuan nya. Para magamot ko sya ng maayos. Sinimulan ko syang gamutin. Bukod sa mga nakita kong sugat nya kanina ay meron pa pala syang natamong sugat sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Nang matapos ako sa pagtanggal ng bala sa katawan nya ay nilinisan ko na ang pinang-galingan ng mga balang iyon. Sinunod ko na ang paglilinis ng maliliit nyang sugat. Nang makatapos ako ay nilinis ko na ang mga gamit na ginamit ko at pinalik kung saan ko ito kinuha. Pagbalik ko sa pinag-iwanan ko sa kanya ay nakita ko syang mahimbing na natutulog, mapapansin mo sa kanya na para syang nabunutan ng tinik dahil nakakahinga na sya ng maayos. Malayong malayo na sya sa lagay na kanina. Naglibot ako rito para maghanap ng masusuot nya. Nang matapos ko syang bihisan ay nag iwan lang ako ng letter bago ko lisanin ang lugar na kinaroroonan nya. __________________________ ShowWhoYouAre by: @CaRamil01
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD