Ice Pov~ "I- Ice?"- gulat na saad nila Mommy Rica at Daddy Rey pagkakita nila sakin. Walang emosyon ko naman silang tinignan. "B- bakit ka nandito? S- si Reign, nasaan si Reign?"- saad ni Mommy. Bahagya naman akong natawa. "Nandito ako para makausap kayo, at si Ate Rei.... nasa DIA pa siya. Tinatangkang patayin ang Headmaster kasama ng mga tunay kong magulang."- may pagkasarkastiko kong sabi. Nanahimik naman sila. "Apat na araw lang po ako rito at pagkatapos babalik po ulit ako sa DIA. Gusto ko lang kayong makausap pero sa ngayon.. magpapahinga na muna po ako. Kung ayos lang po sa inyo."- saad ko. Nagkatinginan naman sila Mommy at Daddy. Pagkatapos, tumayo si Daddy at nilapitan ako. "Anak, alam kong galit ka samin dahil itinago namin sayo ang totoo at hindi namin agad sayo ito sin

