Ice POV Halos dalawang linggo na simula nang bumalik kami ni Devin dito sa DIA at sabihin ng Headmaster sa lahat ang ukol sa laro. Tapos na ang laban ng mga indibidwal at lima lamang ang pinalad na magtagumpay. Ngayong araw ay ang huling araw ng paglalaban ng mga grupo at ako......... hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalo pa at ang makakalaban namin ngayon ay sina Ate Rei. Apat na grupo na lamang ang natitira. Kaming Reapers, ang Red Skulls, Wolves at ang Dark Cards. "A- Ate......"- saad ko kay Ate Rei. Nandito kami ngayon sa tapat ng malaking kulungan na ipinagawa ng Headmaster. Dito naghaharap-harap ang bawat grupo bago pumasok sa loob ng kulungan at maglaban. Nginitian naman ako ni Ate Rei. "Wag kang matakot...... nangako kami kila Pinuno na poprotektahan ka namin. Hindi kami

