CONTINUATION "Sige! Lahat ng nais akong patayin lumapit sakin ngayon!"- sigaw ng Headmaster na nakasakay sa isang military tank. Wala namang kumilos kahit isa, natigil din ang nangyayaring labanan. "Ano? Bakit kayo tumigil? Natatakot ba kayo sa sandatang meron ako?"- sigaw ng Headmaster. "Hindi, hindi sila natatakot. Naaawa sila sayo dahil tanga ka."- saad ng isang boses. Napatingin naman ang lahat dun at kanilang nakita si Ice sa balkonahe ng paaralan kasama si Devin. Isang nakakainis na ngiti naman ang ibinigay sa kanya ng Headmaster. "Oh Ice! Kamusta naman ang lalaking nabaril kanina dahil diyan sa lalaking kasama mo ngayon? Patay na ba siya?"- sarkastikong saad ng Headmaster. Napakuyom naman ng kamao si Ice at sinikap na huwag magpakita ng emosyon sa kanyang mukha. "Hindi mamam

