Devin POV "Ang Hari." "Totoo ba 'tong nakikita ko? May ka-date siya ngayon?" "Diba si Ice Rogiano yung girl? Palagi silang magkasama ng Hari. Hindi kaya may relasyon silang dalawa?" "Malamang nga, at kung totoo man. Ang swerte ng Ice na yan." "Hindi kaya ginayuma niya ang Hari?" "Ano ka ba! hindi naman mukhang mangkukulam si Ice. Ang ganda niya kaya!" "Ang Hari ang swerte sa kanya! Tinanggap niya ang Hari sa kabila ng katauhan nito." Napangiti naman ako ng palihim dahil sa mga bulungan na naririnig ko habang naglalakad kami ni Ice sa Red Carpet. "Marami ka rin pa lang fans, hindi halata."- saad ni Ice sa mahinang boses. Tinignan ko naman siya. "Hmm.. may problema? Mukhang ikaw nga rin may fans."- saad ko. "Tsk, wala akong problema. Sinabi ko lang kasi nakakagulat."- saad niya.

