Shamari's POV Pumasok ako sa dining hall para sa breakfast. Nandoon na si Lolo at Rion, discussing business matters while having their coffees. Pansin ko lang, simula nang naging madalas dito si Dollar, lage na kaming nagkikita-kita o sabay-sabay kumain. Kung may makakakita sa 'min, iisipin nilang mas apo ni Don Marionello si Dollar. Pero hindi naman ako nagseselos. Magkaiba lang talaga kami ni Dollar, iyon lang iyon. Ang thinking of the she-devil... Dumating si Dollar at umupo sa tabi ko. May bulaklak pa sa kanang tenga. That was a red paper origami. At malamang galing kay Rion, hobby ni Rion na gumawa ng iba't ibang paper origami. Baliw talaga 'tong babaeng 'to. Ano siya Hawaiian? "Goodmorning 'Lo! Goodmorning Shamaw! Goodmorning... Rion!" at kumindat pa. Baliw talaga. At ngayon ko

