Dollar's POV Sumandal ako sa bintana ng tree house at naramdaman ko ang pagyakap sa 'kin ni Rion mula sa likod. He rained tiny kisses on my nape and I can't help but giggle. Mayamaya ay naramdaman kong natigilan siya. "A black jaguar tattoo..." he whispered. Humarap ako sa kanya. "Yes. A gift for you. Nagustuhan mo ba?" "Yes." Sinandal niya ang dalawang kamay sa pasamano ng bintana kaya parang nakayakap na rin siya sa 'kin. Kahapon nang makita ko siya at hanggang ngayon... hindi pa din ako makapaniwala. Great things come unexpectedly when you're losing hope... Kung anuman ang dahilan niya kaya nagpakita siya sa akin ay hindi ko na tinanong. What's important is I know that he won't ever leave me. "Rion.. bakit hindi na lang tayo mag-overnight dito?" excited kong suggestion sa kanya.

