Dollar's POV "Dollar?" tawag sa 'kin ni Uncle habang nagpupunas siya ng mga baso sa bar counter. "Bakit Uncle?" "Malapit na ang birthday mo, anong gusto mong regalo?" Napaangat ang ulo ko mula sa pagkaka-subsob sa counter. Aba! Oo nga pala no! Malapit na akong mag-seventeen sa December. Mga dalawang buwan na lang. "Sigurado kayo Uncle na gusto ninyong malaman?" I grinned. "Yeah. But I was thinking to give you a car para hindi ka na maglalakad pagpasok at pag-uwi galing sa school." Ito ang gusto ko kay Uncle, napapagsama niya ang pagiging galante at practical. "Saka na lang ang kotse, Uncle. Kung bibigyan ninyo 'ko ng kotse... eh di hindi na ko mahahatid ni Rion?" Bwahaha! Napatigil naman si Uncle sa pagpupunas at nakakunot-noong tumingin sa 'kin. Yeah, that usual stare and knot

