Dollar's POV "PUPUNTA 'KO SA TREE HOUSE?! HIHINTAYIN KITA!" sigaw ko. Inangat lang ni Rion ang unan at nang makita ako ay tinaklob na ulit iyon sa mukha at bumalik sa pagtulog. Fine. Lumabas ako sa kwarto niya na isang oras ko ding dinistrungka ang lock. Sinipa ko sa hallway ang nakalas na doorknob. Tsk! Mapapalitan naman iyan. Twenty seven ngayon eh. At saksi ang lahat ng brain cells ko nang yayain niya ako noong bago mag-Pasko na magkikita kami sa tree house tapos babawiin niya!? Kainis! Kapag nagkakamabutihan na kami, may mangyayari't mangyayari para bumalik kami sa letsugas na suyuan na 'yan! Ano bang masama sa ginawa niyang pagpapakilala? Hindi ko sana matatanggap kung sinabi niyang lalake din ang gusto niya. Hindi dahil galit ako sa same s*x attraction pero dahil kapag nangyari

