Their Childhood

4141 Words

Dollar's POV "Aray!" At sabay hampas ko sa binti na kinagatan ng lamok. "Moi, matagal pa ba 'yan?"  "Magbilang ka ng isang libong baboy, saktong tapos ko na din 'to." Sigaw niya mula sa pagkakatalungko habang inaayos ang motorsiklo niya.  "Ayoko nga! Malilikot kaya sila, hirap bilangin!" reklamo ko, nagsisimula ng mainip. Hay! Kainis! Ngayon pa nasira ang motorbike ni Moi. Nakakapagod magperya at antok na antok na 'ko. Pero dahil nasa matarik kaming daan kung saan ang gilid ay bangin at ang kabilang gilid naman ay kakahuyan, madalang ang mga sasakyan, at malalim na ang gabi, wala akong magagawa kundi mangalumbaba, umupo sa patay na puno, magpakagat sa mga lamok at manampalataya sa kakayanan ni Moi na ayusin ang sirang motorsiklo. "Magpasundo na lang kaya tayo kay Zilv?" suggestion ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD