Vaughn's POV Masakit kapag nakikita mong kasama ng mahal mo ang boyfriend niya... Pero bakit mas masakit kapag hindi na nga niya kasama ang boyfriend niya pero alam mo namang malungkot siya? Dollar... I want to make everything just to see you happy... Well, really? Magagawa ko nga ba iyon? Hindi siguro... Duwag ako. Hindi ko kayang kausapin ang ama ko at sabihing paalisin si Rion sa grupo para makasama niya ulit si Dollar... At ni hindi ko kayang pigilan ang paghihiganti ni Rion. Hindi ko kaya lahat ng iyon. Duwag nga yata ako. Duwag ako umpisa pa lang kaya doble lahat ang dating sa'kin ng kalungkutan ni Dollar. At bukod sa pagiging duwag, isa din akong dakilang bigo. Bakit, sino lang ba ang makakaisip sa mga tanginang kadramahan at sentimyentong ito kundi ang isang bigong katulad ko

