Moi's POV Umupo ako mula sa pagkakabaluktot sa likod ng pick-up truck na napuntahan ko kanina. Bigla kong nahilot ang batok ko dahil sa ngalay. Tangna, ang sakit ah, hirap talagang magtago sa mga babaeng may sayad. Pinatong ko ang siko ko sa isang tuhod ko at nakilingon sa nililingon ni Rion na nakatayo sa harap ko. That was Dollar. Bukod sa mahirap magtago, ang hirap ding makinig sa usapan ng iba lalo na't madrama ang tagpo. Pero hindi katulad sa mga palabas, pareho akong may simpatya sa kanilang dalawa. Nakita kong nagsimulang maglakad si Rion para sundan si Dollar kaya tumalon ako palabas sa likod ng pick-up. "Don't." pigil ko sa kanya. Nilingon niya 'ko at halos hindi ko makilala ang mukhang nakita ko. Rion's face has mixed emotions, anger, confusion, and defeat... Ngayon ko lang

