Dollar's POV Nagtatakbo ako pababa sa hagdan habang kinakabit ko ang necktie ko. Tss! Tinanghali kasi ako ng gising at malamang late na ko. Dumaan lang ako sa kusina at kumuha ng sandwich, mabilis na nagmano kay Uncle at sumibat na palabas ng bahay diretso sa garahe. Natapik ko ang noo ko nang maalala kong iniwan ko na naman nga pala sa school ang kotse ko. Naman o! Late na talaga 'ko at syempre wala akong magagawa kundi maglakad. Nasa sariling bahay niya sa kabilang bayan si Rion at kung magpapahatid pa ako ay malayo pa ang panggagalingan niya. Wala pa naman kaming usapan ngayon, mamayang hapon pa. Tiningnan ko ang relo ko. 7:55 na. Imposible namang makarating ako sa school sa loob lang ng five minutes. Late na din naman ako kaya binagalan ko na lang ang paglalakad. Nasa gilid na 'k

