Al's POV "Rum? Brod?" tanong ko sa bagong upong customer sa bar counter. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti. "Hindi ka pa din nagbabago, Alvaro. Alam mo pa din ang inumin ko." Napatawa ako nang mahina. "Kapapasok mo pa lang sa entrance kanina, nakilala na agad kita." Inilapag ko ang mug ng Carribean rum sa harap niya. Daniel Agustin. A comrade. A self-made millionaire. Kinatatakutan bilang isang magaling na miyembro ng isang special ops ng militar noon, at hinahangaan naman bilang isang magaling na negosyante ngayon. Parang kahapon lang nang magkasama pa kami sa serbisyo pero sobrang dami ng nangyari sa buhay namin. "Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito, Dan?" tanong ko at umupo paharap sa kanya. Tinawag ko ang isa sa mga bartender upang palitan muna ako sa pag-eestima ng ibang

