Dollar's POV Naidaos ang kasal sa tabi ng dagat na dinaluhan lang naming dalawa ni Rion plus ang binatilyong kasama ng pari at isang photographer. It was a simple wedding, simpleng white dress din ang suot ni Gracy at white polo naman ang kay Moi at dock shorts. Mas pormal pa nga kami ni Rion. Walang kahit anumang dekorasyon dahil nakatayo lang kaming lahat paharap sa dagat. Ang tanging makulay lang ay ang pink tulips na hawak ni Gracy. Nang matapos at ianunsyo ng pari na mag-asawa na sila ay hinalikan ni Moi ang asawa. Nilakasan ko na lang ang palakpak dahil parang nakalimutan na naman nila na may kasama sila. Konting picture lang ng grupo at couple at sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa cabana na nahahainan ng mga pagkain sa malaking lamesa na nasa gitna. Alam ko sa sarili k

