Dollar's POV Sa quadrangle na kami naghiwalay ni Vaughn. Tinanggihan ko na ihatid niya Ako since may sarili na 'kong sasakyan. Naglakad siya papunta sa parking lot at tinaas lang ang isang kamay, as a sign of goodbye. At ako naman? San nga ba 'ko pupunta? Hapon na pero wala pa kong balak umuwi. Not when I'm missing Rion this badly... My week-long seminar workshop kasi sila sa isang hotel sa Manila. Isang linggong seminar... Di ako sanay, tatlong araw na ang pinakamatagal naming hindi pagkikita. Sino ba kasing organizer ng seminar na iyon? Ang tagal niyon ah. Tatlong oras nga na seminar, nakakaantok na, isang linggo pa kaya? Pero ano namang magagawa ko? Kailangan nila iyon bilang parte ng requirements nila for graduation. Pero di bale, Hwebes ngayon, dalawang araw pa, nandito na siya.

