CHAPTER 37: SAW YOU

2743 Words
Tumayo ako at nagpaalam na kay Julio. "Oh siya, mauuna na ako," sambit ko. Inihagis ko sa buhangin ang aking bitbit na tsinelas at isinuot ito. "Aalis ka na agad?" sambit ni Julio. "Oo, bakit?" tugon ko. "May birthdayan kasi malapit sa amin, nakapagsabi na kasi ako na pupunta ako roon," dagdag ko pa. "Ah sige, ingat," sambit niya. "Oh bakit parang malungkot ka riyan?" usisa ko. "Eh, paano iiwan mo na naman ako, lagi mo na lang ako iniiwan," tugon niya. "Huh? kailan?" nagtataka kong tanong. "Hay naku Julio, bahala ka na nga riyan, mauuna na ako," sambit ko. "Sige ingat," tugon niya. Nagpatuloy na ko sa paglalakad pauwi sa amin. Lumingon ako pabalik sa direksyon kung nasaan si Julio at doon ay nakita ko na nakatingin siya sa kawalan. Mukhang may malalim itong iniisip. Gusto ko sanang bumalik doon at pakinggan ang kanyang mga kwento ngunit ako ay kailangan pang humabol sa birthdayan. Nakapagsabi na kasi ako na hahabol ako. Inakyat ko ang mga baitang ng hagdan na malapit sa ilog. Pagdating ko sa kalsada ay ring na rinig ko ang malakas na tugtog na nanggagaling sa birthdayan. Umuwi muna ako sa bahay namin parang makapagbihis at makapag-ayos man lang. Dahil panigurado nariyan sila Mayor, Gov., Vice Mayor at marami pang iba. At syempre ang mga kamag-anak ni Aling Eneng. Pagkarating ko sa harap ng bahay ay nakasarado ang aming pinto. Tinatry kong buksan ang pintuan ngunit nakapadlock pala ito at ako ay walang susi. Buti na lamang ay lumabas ang aming kapitbahay na madalas na pinag-iiwanan ni nanay ng susi. "Oh, nariyan ka pala, akala ko ay kasama ka ng tatay mo," sambit ng aming kapitbahay. "Ah, magbibihis pa lang muna po kasi ako, susunod na lang po ako," paliwanag ko. "Ah, ganoon ba, iniwan ng tatay mo ang susi niyo rito," saad ng aming kapitbahay. "June, pakikuha nga ng susi nina Samantha riyan," sigaw ng aming kapitbahay sa kanyang anak. "Saan dito nay?" tugon ni June. "Nariyan nakasabit malapit sa hagdan." Lumipas ang ilang segundo at... "Nay, wala naman dito," naiinis ng tugon ni June base sa kanyang tono. "Naku, kapag 'yan nakita ko, naku June huh," tugon ng aming kapitbahay. "Saglit lamang at kukunin ko lamang ang susi, hindi kasi mahanap ni June," dagdag pa niya. "Sige lang po, thank you po," tugon ko. Pumasok na ang babae sa kanilang bahay. "Saan ka ba kasi naghahanap?" naririnig kong tanong nito. "Sabi mo malapit da TV," tugon ni June. "Anong malapit sa TV?" nagtatakang tanong ng nanay ni June. "Ang sabi ko malapit sa hagdan," paliwanag niya. "Ah sa hagdan ba, ang akala ko po kasi sa TV eh," tugon ni June. "Naku June, bingi ka na ata," sambit ng kanyang nanay. "Hindi po," sambit ni June. Lumabas ang babae at inabot na sa akin ang susi. "Oh ito Samantha kung iiwan mo ulit ay iabot mo lamang sa akin o kaya kay June," paalala ng babae. "Opo, thank you po," tugon ko. Pagtapos kunin ang susi ay tumungo na ako sa aming pintuan. Sinusian ko ang padlock at pagkatapos ay pumasok ng bahay. Malinis ang aming bahay at tila naglinis pa ata si tatay bago ito umalis. Tumungo ako agad sa kwarto para kumuha ng maisusuot. Noong una ang napili ko ay ang dress. Inilabas ko ito sa cabinet ng nakahanger pa at pagkatapos ay tumungo sa sala. Tumapat ako sa salamin at ultimo isusuot ang damit. "Hmmm... kung ito ang aking isusuot, eh parang ako naman ang may birthday," bulong ko. "No, no, no," tugon ko at pumasok muli sa kwarto. Ang sunod kong kinuha ay ang pantalon at t-shirt ngunit ito ay see through. Nilabas kong muli ito at tumungo ako sa sala. Tumapat muli ako sa salamin at tinignan kung babagay ba sa akin ang suot ko. "Hmmm... revealing masyado, okay sana kung matanda na ako kaso hindi pa," sambit ko. "Big no, no," bulong ko. Ibinalik kong muli sa cabinet see through na aking kinuha at iniwan lamang ang pantalon. Isa-isa kong hinahawi ang bawat damit na nakasampay dahil baka ako ay may magustuhan. At iyon nga, nakita ang aking pulang t-shirt. Kinuha ko 'yon at tumungo sa sala. Tumapat ako sa salamin at napasabi ng... "This is it," bulong ko. Ito ang damitan na aking gusto. Ang gusto ko ay 'yong simple lamang pero mukhang elegante. Ayoko kasi 'yong masyadong magarbo, mamaya ako ang pagkamalan nilang may birthday. Pagtapos noon ay tumungo muli ako sa kwarto at inilapag muna ang mga damit. Kumuha ako ng bimpo at nagsimulang maghilamos. Pagtapos maghilamos ay pinunasan ko ang mga natitirang tubig sa aking mukha. Tumungo na ako sa kwarto para magbihis. Pagtapos magbihis ay pumunta ako sa sala. Parang makapag ayos. Sinuklay ko ang aking buhok at naglagay ng pulbo. Kung pagmamasdan ay hindi naman ako ganoon kagandahan pero may ganda naman daw ako sabi nila. Hindi naman ako panget, hindi rin sobrang ganda. Iyong tipong pasok lang sa banga ganun. Pagtapos mag-ayos ay kinuha ko na ang susi at padlock para isara na ang pinto. Lumabas ako at isinira na ito. Isinuot ang flat sandals na minsan ko lang naman gamitin. Tumungo ako sa bahay ng aming kapitbahay para iwan ang susi. Sakto ay nasa labas si June. "Oh ang ganda nating ngayon ah," pagbibiro ni June. "Loko ka talaga," tugon ko. "May date ka ba?" natatawa niyang sambit. "Wala nuh, pupunta lang ako sa may birthday," tugon ko. "Ah, akala ko may date ka na eh," saad ni June. "Oh, ito pala, iiwan ko muna ang susi namin," sambit ko habang iniaabot ang susi. Kinuha iyon ni June. "Oh sige, kunin mo na lamang kapag nakauwi na kayo ng tatay mo," sambit niya. "Sige, salamat," tugon ko "Mauuna na ako June," pagpapaalam ko. "Sige, ingat," tugon niya. "Ibalot mo ako ng kahit Spaghetti lang huh," pagbibiro nito. "Sige, hindi ako magpapahuli para marami ang maibalot ko," pagbibiro ko ring tugon. Si June ay ang aking kababatang lalaking kaibigan. Bata pa lamang kami ay close na talaga kami ni June. Malaya kaming nakapagbibiruan sa isa't-isa. Tumungo na ako sa birthdayan. Nang ako ay malapit na ay nakitako ang pagdadatingan ng mga naglalakihang sasakyan. Lumabas ang isang lalaki na naka tuxedo. Noong ako ang mukha niya ay tumama sa aking direksyon ay doon ko namukhaan na si Mayor pala ‘to. Pumasok si Mayor sa loob ng bahay nila Aling Eneng at noong mga tao naman sa labas ay nakatigin sa kanya. Pagtapos ay may sumunod ulit na dumating na sasakyan. Noong pagtingin ko ay may bumabang babae na sobrang elegante ang datingan. Noong napadako ang tingin niya sa king direksyon ay nakilala ko ito si Congresswoman pala ito. Hindi muna siya pumasok ng loob ng bahay nina Aleng Eneng bagkos ay kinamayan muna ang mga tao. Ang mga tao naman ay labis ang ngiti habang kinakamayan ni Congresswoman. Ako ay nanatili muna sa labas. Hindi muna ako pumasok dahil nakahihiya kung makasasabay ko sina Mayor at Congresswoman sa pagpasok sa bahay nina Aleng Eneng. Hinintay ko na lamang si tatay na lumabas para ganoon ay may kasabay naman ako sa pagpasok sa bahay nina Aling Eneng. Naghintay muna ako sa labas at buti na lamang ay mayroon monoblock na upuan doon. “Grabe ang yaman talaga nina Aling Eneng,” sambit ko. Kung pagmamasdan kasi ay napakagara ng naging celebration ng kaarawan ng kanyang asawa. Nariyan ang mga bigating bisita. At sa labas ay makikita mo ang magagara, makikintab at malalaking sasakyan. Ang iba pa nga ay may bodyguard na nakatayo sa labas ng sasakyan. Iyong tipong parang sa mga teleserye. Iyong may mayaman na bumaba ng sasakyan at nakabantay sa kanya ang kanyang bodyguard. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si tatay. Iniisip ko nga na umuwi na lamang dahil nakahihiya talagang pumasok. Dahil kung papasok ako ng ganoong oras ay panigurado makasasabay ko sina Mayor sa paghahapunan. Naghintay muna ako nang may biglang... Mayroong malaki, itim at makintab na sasakyan ang parating. "Oh, pamilyar itong sasakyan na ito ah," sambit ko habnag turo-turo ang sasakyan. Sigurado ako na nakita ko na ang sasakyan na 'yon. "Hmmm...saan ko nga ito nakita?" muli kong bulong. Pilit kong inaalala kung saan ko nakita ang sasakyan na iyon. Nang may biglang lumabas na matandang lalaki na nakatungkod. At sa paglabas ng matandang lalaki ay may lumabas na isang binata...si Josias. Noong makita ko siya ay napatalikod ako. "Oo, 'yon ang sasakyan na nakita namin ni Shane noon na sinakyan niya," aking pag-alala. Sumisilip ako ng kaunti at nakikita ko na may mga bodyguard na nagbabantay sa kanila. Hindi ko alam kung tama ba na paniwalaan ko kung ano ang aking nakikita. Ganoon ba talaga sila kayaman? mayaman ba talaga siya? kung titignan kasi ay wala sa postura ni Josias ang maging mayaman o nasasabi ko lamang ito dahil sa kanyang mga porma. Kung ikukumpara kasi mas magmumukha pang mayaman si Julio kaysa kay Josias. Pero dahil sa mga aking nakikita ay mukhang maniniwala na ako na mayaman siya na rati ay ayaw kong paniwalaan. Pumasok na sila sa loob ng bahay nina Aling Eneng. Habang ako naman ay naghihintay pa rin kay tatay. Ngunit naisip ko na kung maghihinay pa ako para makapasok ay paniguradong makasasabay at makikita ko si Josias. Kaya humarap ako sa direksyon pauwi at nagsimulang maglakad. Nang ako ay nakatatatlong hakbang na ay biglang may tumawag ng aking pangalan. "Samantha!" ang tawag sa akin. Kilala ko ang boses na 'yon, si tatay. Lumingon ako at hinintay siya na makalapit sa akin. "Bakit hindi ka pumasok? bakit nariyan ka lamang sa labas, kanina ka pa ba riyan?" sunod-sunod na tanong ni tatay. "Ah, hindi po" tugon ko. "Sayang naman ang pagbibihis at pag-aayos mo kung hindi ka rin lang naman tutuloy na pumunta sa birthdayan," pangongosensya ni tatay. "Sino ba nagsabing uuwi ako tay? naglalakad-lakad lang po ako," pagpapalusot ko. Hinawakan ni tatay ang aking braso at naglakad kami patungo sa birthdayan. Pumunta kami sa table kung saan naroon ang mga kasamahan ni tatay na magsasaka. "Oh pare, 'yan na ba si Samantha?" sambit ng isang lalaki na hindi ko alam ang pangalan pero madalas kong makita sa bukid. "Abay oo, ang aking unica hija," sambit ni tatay. "Ano ba ang balak mong kurso Samantha?" muling pagtatanong ng lalaki. "Gusto ko po sana mag political science," saad ko. "Political science?" ano 'yon? politiko balak mo bang pumasok sa politika?" tugon ng lalaki. "Balak mo ba maging katulad nina Mayor at Congresswoman," dagdag pa ng lalaki habang tinuturo sina Mayor at Congresswoman. "Ay hindi po," sambit ko. "Gagawin ko po kasing pre-law ang political science," paliwanag ko. "Law? oh edi mag aabogasya ka?" saad ng lalaki. "Opo, balak ko po kasi maging isang prosecutor," sambit ko. "Aba ay ngayon palang kuya ay Congratulations na. Bigatin palang itong anak mo, ang maging prosecutor ang kanyang pangarap," tugon ng lalaki. "Abay oo ang anak mo na 'yan ay magiging isang prosecutor. Kaya nga ako ay doble kayod ngayon sa bukid para makaipon para sa kanyang pag-aaral," sambit ni tatay. "Ay, nakita mo ba 'yong lalaki na bumaba sa isang sasakyan kanina," sambit ng lalaki. "Ah, sino po roon?" sambit ko. "Iyong matandang lalaki 'yong may tungkod," saad niya. "Ah, opo napansin ko nga po," sambit ko. Ang tinutukoy ng lalaki ay ang matandang dalaga na kasabay ni Josias lumabas ng sasakyan. Hindi ko nga alam kung lolo or tatay niya ba 'yon. "Ang matandang lalaki na 'yon ay mayaman at ang balita ko ay marami siyang scholar," kwento ng lalaki. Sa kanyang naging kwento ay mayroong excitement ang namutawi sa akin dahil pangarap kong maging isang scholar. Lumingon-lingon ang lalaki sa paligid at at ng makita niya na ang matanda ay itinuro nita ito. "Iyon siya," sambit ng lalaki. "Itry mong magtanong sa kanya o kaya sa kanyang anak. Balita ko ay may anak siyang kasing edaran mo rin," dagdag pa ng lalaki. Kung aking kasing edaran ibig-sabihin noon ang tinutukoy niya ay si Josias. "Salamat po sa balita," sambit ko. "Tatry ko po na kausapin siya o ang kanyang anak." "Sige sayang din 'yon, hindi ko kasi alam ang kanyang pangalan, kahit ang pangalan ng kanyang anak. Ang alam ko lang ay isa sila sa mga pinakamayamang tao rito sa lugar natin. "Okay lang po, ipagtatanong ko na lang din po," sambit ko. "Sige, at ako rin, babalitaan ko na lamang ang iyong tatay kapag nalaman ko na ang kanilang pangalan," sambit ng lalaki. Pagkatapos namin magkwentuhan ay nararamdaman ko ang tunog na nililikha ng aking tiyan. Ang ibig sabihin noon ay gutom na ako. "Anak pumasok ka na sa loob at kumuha ng pagkain," sambit ni tatay. "Ah opo tay, mamaya," sambit ko. Naghintay muna ako ng ilang minuto. Tumintingin-tingin din ako sa bukas na bintana sa bahay nina Aling Eneng para malaman kung sino ang mga tao sa loob. "Sino ba ang tinitignan mo riyan?" usisa ni tatay. "Ah..," natigilan muna ako ng ilang segundo bago makaisip ng isasagot. "Ah, sina Mayor po 'tay, baka po kasi makasabay ko po sila, kumuha ng pagkain, nahihiya po ako," sambit ko. "Ano ka ba kanina pa kumuha ng pagkain sa loob sina Mayor. Iyon na sina Mayor oh," sambit ni tatay habang nakaturo sa direksyon kung saan naroon ang unang table. Lumingon ako at pagtingin ko ay naroon nga sina Mayor. Iyon lang ang aking naisagot pero ang tunay talagang dahilan ay ayoko lamang na makasabay si Josias. Malaki kasi ang posibilidad na naroon pa siya sa loob dahil nakailang lingon na kung saan-saan ngunit hindi ko pa rin sila matagpuan sa labas. "Pumunta ka na roon anak," sambit ni tatay. "Opo," tugon ko. Tumayo na ako at pumunta sa loob. Walang bumabati sa akin noon dahil mukhang hindi naman nila ako kilala. Hanggang sa nakita ako ng matanda na nagsabi sa akin na pumunta ako. "Oh, buti ay nakapunta ka iha," sambit ng matanda. "Ah opo, sinamahan ko po si tatay," tugon ko. "Kumain ka na ba?" saad ng matanda. "Hindi na po," tugon ko. "Halika't kumain ka na." Hinawakan ng matanda ang aking braso at tumungo kami sa kusina kung saan naroon ang mga handa. Napakabongga talaga ng celebration. Napakarami nilang handa, may tatlong litson, may iba't-ibang klase ng salad, seafoods, pasta at marami pang iba. "Ang dami naman pong handa," sambit ko. "Ah ganoon talaga dahil minsan lang naman sa isang taon kung magbirthday at syempre ang mga bisita ay bigatin din. Nakita mo na ba sina Mayor?" saad ng matanda. "Opo," tugon ko. "Oh diba, bigatin ang bisita." Habang nagkukwentuhan ay panay sandok naman ng matanda ng pagkain para sa akin. "Oh, ubusin mo to huh," sambit ng matanda. "Masyado po atang marami 'yan," tugon ko. "Hindi ah, sakto lang. Kayang-kaya mong ubusin," sambit ng matanda. Pagtapos niya magsandok ng carbonara ay iniabot niya na sa akin ang plato. "Oh, ito na, ubusin mo huh," muli niyang paalala. "Opo, salamat po," ang aking naging tugon. Pagkatapos kumuha ng pagkain ay tumungo na ako palabas. Sa sala nila ako napadaan. Nang makita ko si Josias, at nakita niya rin ako. Halata nga ako na nagulat ito, siguro ay nagtataka siya kung bakit ako nasa birthdayan. Napayuko ako at nagsimula maglakad palabas nina Aling Eneng. "Bakit kasi hindi na lang ako dumaan sa kusina eh, may pintuan naman doon palabas," ang pagsisi ko. Nahihiya ako, dahil nakita ako ni Josias.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD