“Nagkasakit? ang tagal naman?” pangungulit ni Julio.
“Ah, nagpalakas pa kasi ako, pero okay na ako,” tugon ko.
Habang patuloy na nagtatanong si Julio ay biglang pumasok si Anne.
“Hoy Julio, ang dami mo namang tanong,” sambit ni Anne.
“Alam mo naman na kagagaling lang ni Samantha sa sakit mamaya mabinat ‘yan,” dagdag pa ni Anne.
“Sorry,” panghihingi ni Julio ng tawad.
“Basta huh, sana okay na ka na,” sambit ni Julio at tinapik ang aking likod.
Habang nagrerecess ay may ibinalita si Jeron.
“May training pala mamaya Samantha, bale excuse tayo sa last subject,” sambit ni Jeron.
“Ay ganoon ba, sige sabay na tayo,” tugon ko.
“Anne, magsisimula na ang training namin, mauuna ka na ba umuwi or hihintayin mo pa ako,” pagtatanong ko kay Anne.
“Hihintayin na lang kita,” sambit ni Anne.
“Sigurado ka? hindi ka ba pagagalitan?” nag aalala kong tanong.
“Hindi nuh,” sambit ni Anne.
“Edi sabihin ko kasali rin ako, joke,” pagbibiro niya.
“Naku, umayos ka, huwag ka magsinungaling kina Tita at Tito,” sambit ko.
“Hindi ‘yan, sasabihin ko na lamang na hinintay kita, ayaw kitang maiwan mag isa at alam mo na madilim baka mapano ka pa,” tugon ni Anne.
“Sige, pero kung pinagalitan ka ngayon mauna ka ng umuwi bukas,” sambit ko.
“Oo, pero feel ko naman hindi ako pagagalitan ni tatay at saka kilala ka naman nila parang anak ka na rin nila,” tugon ni Anne.
Natapos ang recess namin at nagsimula na ang panghapon na klase.
At noong pa last subject na namin ay inilabas ni Jeron ang isang excuse letter mula sa kanyang bag.
Inabot niya iyon sa akin.
“Oh, anong gagawin ko rito?” nagtataka kong tanong.
“Sabi ni ma’am ibigay ko raw ‘yan sayo. Dapat nga nakaran pa, kasi ikaw ang EIC kaya dapat ikaw ang may hawak niyan. Eh kaso wala ka pa kaya ako muna ang nagtago niyan,” paliwanag ni Jeron.
“Hala sorry Jeron,” sambit ko.
“Anong sorry ka dyan, itatago lang naman ‘yan,” tugon ni Jeron.
Tumayo ako at inabot kay ma’am ang letter.
Binasa iyon ni ma’am at pagkatapos ay pinirmahan.
“Okay, Shane, Samantha, Jeron and the others, you may now go to your training. Good luck mga anak,” sambit ni ma’am.
“Thank you ma’am!” ang aming naging tugon.
Sa totoo lang ay iba ang aking naging naramdaman noong sinabi ‘yon ni ma’am sa amin. Sa buong taon ko sa pag aaral ay ngayon ko pa lamang naranasan na ilaban sa competition. Kaya ang makatanggap ng, “ Good luck mga anak,” mula sa aming mga guro ay nakatataba ng puso. Feeling tuloy namin ang buong school ay nakasuporta sa amin.
Tumnugo na kami magkaklase sa training.
Habang umaakyat ng hagdan ay nakasabay ko si Shane.
“Nagkasakit ka?” tanong niya.
“Oo eh,” tugon ko.
“Uhm, kaya pala,” sambit niya habang tumatango.
“Huwag ka mag aalala naging maayos naman ang training kahit wala ka. Naging substitute ako na EIC,” tugon ni Shane.
“Sorry Shane,” sambit ko.
“Ano kaba, okay nga eh. I mean okay lang,” tugon ni Shane.
Pagtapos ni Shane sabihin ‘yon ay nauna na siya umakyat ng hagdan. Parang sumabay lamang siya sa akin para sabihin ‘yon.
Ako naman ay napaisip sa kanyang sinabi. Mukhang ayaw niya ata na bumalik pa ako. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Sa totoo lamang ramdam ko naman na gusto talaga ni Shane na maging EIC kung ako lang ay handa ko naman na igive up ang aking pwesto para sa kanya. Kaso lang ay ayaw ni ma’am, may tiwala si ma’am sa akin kaya alam kong paninindigan ko na ito.
Noong makapasok na ko sa room at dahil first time ko ‘yon ay nagtinginan sila sa akin.
Nakatingin silang lahat sa akin. Habang si ma’am naman ay nilapitan ako.
“Oh Samantha, okay ka na ba?” sambit ni ma’am.
“Opo ma’am, pasensya na po ma’am ang tagal ko pong hindi nakapagtraining,” panghihingi ko ng paumanhin.
“Ano ka ba anak, mas mabuting unahin ang kalusugan. At saka nasabi na rin ni Anne ang kalagayan mo sa akin kaya naiintindihan ko,” sambit ni ma’am.
“Salamat po,” tugon ko.
“Journalists,” sambit ni ma’am habang patungo sa unahan at hatak-hatak ako.
“My beloved journalists, this is your EIC, Samantha Antonio,” sa pagkakasabi noon ni ma’am ay lahat sila ay nag tinginan sa akin.
Wala ata sa kwarto na ‘yon ang hindi nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng hiya noon pero hindi ako yumuko.
“Akala po namin si Ate Shane ang EIC,” sambit ng isang journalist.
At pagkatapos noon ay narinig ko ang bulong bulungan nila na,” akala ko rin.”
“Ah, may nangyari kasi…” hindi pa natatapos ni ma’am ang kanyang sasabihin ay agad ko na siyang pinigilan.
Pinisil ko ang braso ni ma’am.
“Ako na po ang bahala ma’am,” sambit ko.
Tumayo ako sa harap ng may tindig.
“Hi Journalists, pansin ko lahat kayo ay nakatingin sa akin. First time niyo ako makita nuh,” sambit ko habang nakangiti.
“Oh ikaw, tama na ang pagtitig mo sa akin baka matunaw ako,” pagbibiro ko habang nakaturo sa isa kong co- journalist.
“So, I am Samantha Antonio, your EIC. Sorry kung natagalan bago ako makapag training. May nangyari kasi sa akin at kinailangan ko ng ilang araw para makapag recover. Thank you Shane, kas nilead mo ang grupo habang wala ako. Palakpakan naman natin si Shane,” sambit ko at pagkatapos ay sabay-sabay silang nag palakpakan.
“Gusto ko lang iparating na sana ay hindi natin tignan ang isa’t-isa bilang rivals, bilang mag kompetensya, sana sa grupo na ito ay mas manaig ang pagtutulungan,” sambit ko.
“Maasahan ko ba ‘yon mga kapwa kong journalist?” malakas kong sigaw.
“Opo,” tugon nila.
“Mahina ang sagot niyo eh, ulit. Maasahan ko ba ‘yon mga kapwa ko journalists?” muli kong pagtatanong.
“Opo!” ang malakas nilang sigaw.
“Oh ma’am, narinig niyo po ‘yon ah,” sambit ko kay ma’am.
Lumapit si ma’am sa akin at pagkatapos ay hinawakan ang aking palad.
“Hindi talaga ako nagkamali sa’yo,” sambit ni ma’am.
“Dahil po ‘yon sa inyo ma’am. Maraming salamat tiwala po,” tugon ko kay ma’am.
Nagsimula na ang aming training.
Habang pinagmamasdan ko ang aking mga co -journalists, halos lahat ay seryoso sa kanilang ginagawa. May mga nagsusulat habang kumakain. May mga na sa sulok at seryosong nagsusulat. Meron naman ang hindi mo mamalayan kung naasar ba dahil pinapaulit ang kanyang article. Pero ang higit sa lahat ang bawat action na ‘yan ay may iisang mithiin at ‘yon ay ang magbigay ng karangalan sa aming paaralan.
Ako naman ay nagsimula na ring magsulat. Tumabi ako sa mga kapwa ko News writers.
Ngunit doon ako sa may gilid para ako ay makapgfocus. Katulad kasi sa pagrereview ay ayaw ko rin na may gumugulo sa akin kapag may ginagawa ako katulad ng pagsusulat. Kaya minabuti ko na roon na lamang maupo.
Binasa ko ang dyaryo at kumuha ng mga facts. Pagkatapos ay ginawan ko ito ng sariling version.
Inorasan ko pa nga ang aking sarili dapat isang oras lamang ay tapos na ako. Nag alarm ako na dapat makalipas ang isang oras ay mag riring ito at dapat ay tapos na ako.
Nagsimula na ako sa pagsusulat.
Nagsulat muna ako ng timeline sa kung ano ang mauuna para sa kung ganoon ay maayos ang aking ideya at maging presentable ang mga impormasyon.
Matapos gumawa ng timeline ay nagsimula na akong magsulat.
Habang nagsusulat ay napapansin kong nagkakalat ang kapwa ko journalist.
Tinignan ko sila at hindi pa ko nakapagsasalita ay alam na agad nila kung ano ang nais kong iparating.
Pinulot agad nila ang kanilang mga kalat.
“Sorry po,” bulong nila.
Pagkatapos nilang gawin ‘yon ay ningitian ko sila.
“Okay lang, basta huwag niyo ng ulitin. Bahala kayo kapag may kalat dito kayo ang lagi kong sisihin,” pagbibiro ko.
“Naku, hindi po, ngayon lang po kami nagkalat,” tugon nila.
“Basta huwag niyo ng ulitin. Oh siya, pagpatuloy niyo na yang paggawa ng article,” sambit ko.
At ako naman ay nagpatuloy na rin sa paggawa ng article.
Habang nagsusulat ay tinatanong ko pa ang aking sarili.
“Maganda bang ilagay ito rito?”
“Dito ba dapat nakalagay ito?”
“Hindi ba magugulo ang sequence kung isusunod ko ito?”
“Malakas kaya ang impact ng lead ko?”
Ang paulit-ulit kong tanong.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpatuloy lang ako sa pagsulat hanggang sa...
Nang sinusullat ko na ang number sign at binulugan ito, ay sabay naman ang pagtunog ng aking alarm. Hudyat iyon na tapos na ang isang oras.
Ang number sign na sa loob ng bilog ay isang sign sa journalism na tapos na ang article at wala ng kasunod pa.
Natuwa ako dahil natapos ko ang aking article sa aking itinakdang oras.
Pagkatapos ay pinacheck ko na ‘yon kay ma’am.
Pumila ako dahil marami na ring nagpapacheck sa kanya.
Ang ilan sa aking mga co-journalists ay nakangiti ng iba naman ay hindi ko alam kung natutuwa or naiinis na.
May mga bumubulong na.
“Yes, next article na ako.”
“Ulit na naman ako, huhuhu.”
“Ah, may kulang pa pala, bakit hindi ko ‘yon nakita.”
“Dapat pala hindi na ‘yon kasama, bakit kaya nailagay ko pa.”
Ang ilan sa mga nagiging reaction nila pagkatapos magpacheck. Napaisip tuloy ako kung ano ang magiging reaction ko kapag tapos kong magpacheck.
Noong ako na ang susunod ay medyo nakaramdam ako ng kaba. Ganito pala kapag nakapila hindi mo alam kung ano ang magiging hatol sa’yo.
Nang ako na ay inabot ko ang aking article.
Binasa ‘yon ni ma’am. Pinagmamasdan ko siya habang binabasa niya ‘yon. Hindi ko namalayan na pansin niya pala ito.
“Baka naman matunaw ako niyan,” sambit ni ma’am.
“Ay, sorry po ma’am,” tugon ko.
“Hmmm… okay naman ang sequence, kaso…” sambit ni ma’am dahilan para ako ay kabahan.
“Kaso ano po?” sambit ko.
“Kaso, medyo mahina ang lead, Samantha,” tugon ni ma’am.
“Pero maganda ang lead mo, kaso hindi ganoon kalakas,” sambit ni ma’am.
“Try to improve it, and ipachek mo ulit after. Iyon na lamang naman na ang aayusin mo and the rest is so good,” tugon ni ma’am habang naka thumbs up.
“Sige po ma’am,” tugon ko.
“Oh, baka panghinaan ka ng loob,” sambit ni ma’am.
“Hindi po ma’am. Gaya ng sabi niyo, tatag, tapang, at lakas ng loob ang puhunan sa journ. At masaya po ako dahil cinocorrect niyo po ako, dahil doon po ako natuto,” tugon ko.
“I like your attitude,” sambit ni ma’am.
Pagkatapos sabihin 'yon ni ma'am ay mas namotivate akong magpursigi para maging isang magaling na writer sa category na aking pinili.
Noong pabalik na ako sa aking upuan ay napatingin ako sa aking relo. Uwian na pala namin. Tumingin ako sa bintana para tanawin kung naroon sa labas si Anne. Ngunit iba ang natanaw ko roon. Hindi si Anne kung hindi sina Julio at Josias.
Alam kong napansin nila na nakita ko sila pero binalewala ko lang 'yon. Binasa ko na muli ang aking article at inimprove ang aking lead.
"Ano kaya ang maari kong ilagay para maging malakas ito?" bulong ko sa aking sarili.
Noong magsusulat na muli ako ay bigla naman akong tinawag ni Jeron.
"Sam, EIC!" tawag ni Jeron.
Hindi ako sumigaw at sumagot lang nang mahina.
"Bakit?" sambit ko.
At nabasa niya ang aking binibigkas.
Pagkatapos noon ay tinuro niya ang mga tao sa labas. Sina Josias at Julio.
Dahil doon ay tumayo ako at tumungo kay Jeron.
Hindi ako lumabas agad ng room at bagkos ay naupo muna sa upuan na nasa tabi ni Jeron.
"Bakit? anong kailangan nila sa akin?" sambit ko.
Napatingin sa akin si Jeron at tanging taas balikat lamang ang naging reaction niya. Ang ibig sabihin ay hindi niya rin alam.
Pagtapos noon ay napakamot ako sa aking ulo pagtapos ay binuksan na ang pinto.
Pagkabukas ko ay bigla silang tumayo mula sa pagkakaupo.
Pagtingin ko sa kanilang mga kamay ay parehas silang may dalang cheesecake at tubig.
Inabot nila 'yon sa akin.
Nagulat ako at napatanong.
"Para saan ito?"
Pagtapos iabot ang tubig at cheesecake ay umalis na si Josias. Si Julio ang sumagot sa aking tanong.
"Eh, kasi kagagaling mo lang sa sakit, kaya dapat malakas ka," pagtapos niyang sabihin iyon ay umalis na rin siya agad.
Ako naman ay napasabi na lang ng, "thank you," na nagtataka pa rin.