CHAPTER 34: COMING BACK

2103 Words
Naupo si Doctor Cruz. Pagkatapos ay mayroong ipinaliwanag sa amin. “Hindi pa po malalaman ang resulta ngayong araw. Kaya po kayo ay babalik after ng isang linggo,” sambit ni Doc Cruz. “Ah, bakit po matatagalan pa? Komplikado po ba ang aking kalagayan?” sambit ni tatay. “Ay hindi po,” saad ni Doc Cruz. “Ganoon po kasi talaga ang span ng waiting time for the results,” dagdag pa ni Do Cruz. “Opo kuya, ganoon po talaga,” pagsang-ayon ni Ate Joana. “Sa ngayon po ay pwede na kayo umuwi,” sambit ni Doc Cruz. “Sige po, maraming salamat, Doc,” saad ni tatay. Tumayo na kami ni tatay at tuluyang lumabas sa office ni Doc Cruz. Sinamahan kami ni Ate Joana at sumabay na rin siya umuwi sa amin. “Kuya, saglit lang po huh, kukunin ko lang po ‘yong gamit ko sa quarters,” sambit ni Ate Joana. “Sige lang Joana, roon lang kami sa waiting area,” tugon ni tatay. Pumunta si Ate Joana sa nurse quarters habang kami naman ni tatay ay naupo sa waiting area. Marami na ang mga tao ngayon kumpara kanina. Karamihan ng mga nasa waiting area ay mga sanggol na karga-karga ng kanilang mga ina. Pinagmamasdan sila at pansin ko ay parang mga unang buwan pa lamang nila. Matapos ang ilang minuto ay bumalik na si Ate Joana. Halatang nagmamadali ito kahit sa kanyang paglalakad. “Pasensya na po kayo at napaghintay ko pa po kayo,” sambit ni Ate. “Okay lang ano ka ba,” tugon ni tatay. Lumabas na kami ng hospital. Pagdating sa labas ay wala pa si Kuya Eddy. Kaya naupo muna kami sa baitang ng hagdan roon. Ngunit lumipas ang ilang minuto at wala pa rin si Kuya Eddy. “Shane, may load ka ba?” sambit ni tatay. “Ah, meron po,” tugon ni Ate Joana. “Pwede bang tawagan mo ang number na ito, numero iyan ni Eddy,” saad ni tatay habang inaabot ang papel kay Ate Joana. Kinuha ‘yon ni Ate Joana at inilabas niya ang kanyang cellphone. Sinimulan niya ng itype ang numero at tawagin si Kuya Eddy. Noong unang tawag ni Ate ay walang sumasagot kaya ibinababa niya ito. Pagkatapos ay muli niyang sinubukan. Dinial niya ulit ang numero. Sa pangalawang pagkakataon ay sinagot na ang tawag. “Ah hello po Kuya Eddy,” sambit ni Ate Joana. “Opo, magpapasundo po sana kami rito sa hospital,” ang naririnig kong tugon ni Ate Joana. “Ah, ganoon po ba?, sige po hihintayin na lang po namin kayo,” saad ni Ate. “Sige po, ingat po,” ang huling tugon ni Ate bago ibaba ang cellphone. Ipinasok ni ate sa bag ang kanyang pulang cellphone at sinimulan sabihin sa amin kung ano ang pinag usapan nila ni Kuya Eddy. “Ah, sabi po ni Kuya Eddy ay may ihahatid lamang po siya at susunduin niya na po tayo,” sambit ni Ate Joana. “Ah ganoon ba, sige at maghintay na lang muli tayo saglit,” saad ni tatay. Naghintay at habang naghihintay ay may mga napag usapan kaming mga bagay. “Ah, kuya, maayos po ba ang pakiramdam niyo? saka po nininerbiyos kayo?” sambit ni Ate Joana. “Ah hindi naman, maayos na ang pakiramdam ko ngayon, kanila lang ay kinakabahan ako dahil unang beses ko pa lamang makararanas ng needle biopsy,” pagkukwento ni tatay. “Huwag po kayo mag alala magaling po na doctor si Doc Cruz,” sambit ni Ate Joana. “Paano pala kayo nagkakilala ate?” ang mabilis kong pagtatanong. Hindi ko alam kung bakit gusto ko malaman kung paano sila nagkakilala ni Doc Cruz. Siguro ay para malaman ko na rin kung dapat ko bang ikwento kay ate kung ano ang ginawa ni Doc Cruz kay nanay. “Ah, college friend ko po siya at classmate,” sambit ni ate. “Oh, kaya po pala pansin ko na comfortable kayo sa isa’t-isa kanina.” sambit ko. “Ah, oo, matagal na rin kasi kaming magkaibigan ni Doc Cruz,” tugon ni Ate. “Parehas kasi kami kumuha ng course na Nursing hanggang sa magpatuloy siya sa pagdodoctor,” dagdag pa ni Ate Joana. “Ah, ate? mabait po ba talaga siya?” ang aking muling tanong. “Mabait talaga si Doc Cruz, sa totoo lamang ay wala ka talagang masamang mapupuna sa kanya,” tugon ni Ate Joana. “Bakit po?” ang curious kong tanong. “Dahil mabait si Doc Cruz, masipag sa kanyang trabaho, maitsura at higit sa lahat ay hindi mapagmataas kahit na nanggaling sa mayaman at malakas na pamilya, ” pagkukwento ni Ate Joana. Sa naging mga kwento ni Ate Joana ay parang dinudurog ang aking puso. Bakit ganoon ang tingin ng tao sa kanya. Bakit iba ang pakikitungo niya sa amin noon kumpara sa iba. Bakit ganoon ang ginawa niya kay nanay. Kung mabait talaga siya, bakit hindi niya pinanindigan kung ano ang ginawa niya kay nanay,” ang aking sunod-sunod na bakit. Napadako ang tingin ko kay tatay at doon ay nakita kong nakatingin siya sa kawalan. Hindi ko tuloy alam kung wala lang ba siyang pakiaalam sa pinag uusapaan namin o sadyang ayaw niya lang makinig o maungkat pa ang nangyari kay nanay kaya pinili niya na lamang na tumahimik. “Ah, ganoon po ba?” sambit ko. “Eh kayo Samantha?” saad ni Ate Joana. “Po?” tugon ko. “Bakit parang magkakilala kayo ni Doc Cruz?” sambit ni Ate. “Ah ka-kasi po…” ilang segundo akong natigilan ng biglang.. Bigla na lamang dumating si Kuya Eddy. At noong dumating siya ay sumigaw si tatay. “Oh ayan na si Eddy,” sambit ni tatay. Pansin ko na sinakto ni tatay ang malakas niyang pag sigaw para hindi ko masagot ang tanong ni Ate Joana. Silguro nga aya ayaw niya na talagang mapag usapan kung ano ang nangyari kay nanay. Huminto si Kuya Eddy sa harap ng hospital. “Pasenya ka na Eddy at lagi ka na lamang namin naiistorbo,” sambit ni tatay. “Naku, okay lang ‘yon kuya, kayo pa ba?” sambit ni Kuya Eddy. Sa mga sinagot ni Kuya Eddy ay napangiti si tatay. “Napakabuti mo talagang tao Eddy. Ganoon ka rin Joana. Maraming Salamat sa inyo,” pagpapasalamat ni tatay. Habang nagpapasalamat si tatay ay halata kong parang naiiyak na ito at nanginginig ang kanyang boses. “Naku, para naman po kayong ibang tao. Huwag po kayo mag alala, wala po ‘yon.” sambit ni Ate Joana. “Hinihiling ko lang na sana ay huwag kayong magsawa na tulungan kami at gabayan kami,” tugon ni tatay. “Oo naman po,” ang sagot ni Ate Joana. Sa mga nagiging tugon ni Ate Joana at Kuya Eddy ay nararamdaman ko kung gaano sila kasinecere sa kanilang mga sinasabi. “Tara na po,” sambit ni Kuya Eddy. Sumakay kami ng tricycle. “Kuya rito na po kayo, ako na lang po dyan sa labas,” sambt ni Ate Joana. “Hindi, riyan ka na lamang Joana,” tugon ni tatay. “Eh kagagaling niyo lang po sa check-up at may ginawa po kayong treatment kaya po mabuti lamang na dito na lang po kayo,” saad ni Ate. “Ay sige,” sambit ni tatay. Lumipat si tatay sa loob ng tricycle habang si Ate Joana naman ay nasa labas. Pagkatapos ay umuwi na kami. Habang nasa daan ay malakas ang hampas ng hangin. “Naku damang-dama mo na talaga ang Ber Months,” sambit ni tatay. “Oo nga po ‘tay eh,” tugon ko. “Nakaraan nga po noong pumasok ako ay napakalamig at madilim pa, parang mas mahaba na po ang gabi ngayon at hudyat na ‘yon na bermonths na,” pagkukwento ko. “Kaya nga anak, malamig na talaga ngayon, at kapag nagigising nga ako nang maaga kung dati ay maliwanag na kapag alas sais. Ngayon ay madilim pa rin kahit ganoong oras,” sambit ni tatay. “Kaya nga po ‘tay, damang-dama na ang lapit ng pasko,” saad ko. “Kailangan na natin mag-ipon anak para sa ating Noche Buena,” sambit ni tatay. “Tay, ang isipin mo natin ngayon ay ang kalagayan niyo,” tugon ko. “Mas masarap po mag noche buena kung kayo po ay nasa mabuting kalagayan at walang iniindang sakit,” saad ko. “Huwag ka mag alala anak, mabuti ang kalagayan ni tatay,” sambit ni tatay. “Naniniwala ako na walang masamang resulta ang ginawang check-up sa akin,” saad ni tatay. “Sana nga po ‘tay,” sambit ko. “Ilang araw ko na rin po iniisip kung ano po ba talaga ang kalagayan niyo. Ilang araw na rin po ako nakadadama ng kaba sa kung ano po ba ang magiging resulta,” dagdag ko pa. “Huwag ka na mag alala riyan. Hindi naman mawalala sa’yo si tatay. Narito pa rin ako anak at kailaanman ay hindi ako mawalala,” sambit ni tatay. Sa sinabing iyon ni tatay ay napahiling ako na sana totoo na lamang. Na sana ganoon talaga na sana mangyari talaga ‘yon. Naalala ko tuloy ang kantang, “himala, kasalanan bang, humiling ako sa langit ng himala.” Iyang mga linya na ‘yan. Gusto ko humingi sa langit ng himala patungkol sa kalagayan ni tatay. Sana ay madinig at pagbigyan ang nais kong himala. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng bahay. Bumaba na kami ng tricycle. “Salamat Joana,” sambit ni tatay. “Walang anuman po,” tugon ni Ate. Napansin kong kumuha ng kaunting halaga si tatay sa kanyang wallet. Pagkatapos ay iniaabot niya ‘yon kay Kuya Eddy. “Naku, huwag na po kuya,” pagtanggi ni Kuya Eddy. “Tanggapin mo na Eddy, ilang beses ka na rin namin naiistorbo,” sambit ni tatay. Nag-isip muna si Kuya Eddy ng ilang minuto. Pagkatapos ay, “ano ka ba naman kuya eh,” habang kumakamot sa ulo. “Basta ngayon lamang ito,” sambit ni Kuya Eddy at kinuha ang iniaabot ni tatay. “Oo,” tugon ni tatay. “Salamat kuya,” saad ni Kuya Eddy. “Salamat din Eddy,” sambit ni tatay. “Mauuna na po ako.” “Sige, ingat.” Umalis na si Kuya Eddy para bumalik sa pagpapasada. Habang kami naman ni tatay ay pumasok na ng bahay. Magtatanghalian na rin noon kaya nakararamdam na rin ako ng gutom. Pagpasok sa bahay ay naupo ako sagllit sa upuan sa sala. Habang si tatay naman ay agad na pumasok sa kwarto para siguro ay magbihis. Habang nakaupo sa upuan ay hinahawakan ko ang aking tiyan na naririnig kong tumutunog dahil siguro sa gutom. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na si tatay at nakabihis na ito. “Anong gusto mong ulam anak? magtatanghalian na pala,” saad ni tatay. “Kahit ano na lamang po ‘tay,” tugon ko. “Sige, rito ka muna at bibili na lamang ako ng lutong ulam dahil ako’y nakararamdam na rin ng gutom,” sambit ni tatay. Kinuha ni tatay ang kanyang wallet na nasa ibabaw ng TV at tuluyan na rin itong umalis. Habang ako naman ay tumungo sa kwarto at roon ay naupo. Kinuha ko ang aking unan at niyakap ito. Doon ay inilabas ko ang bigat ng aking nararamdaman. Sunod-sunod ang naging pagtulo ng aking luha. Walang tigil na pagbuhos ng aking luha. Sa totoo lamang kanina ko pa gustong umiyak, ngunit pinipigilan ko lamang dahil gusto ko ay magmukha akong malakas sa harap ni tatay. Gusto ko ako ang pagkukunan niya ng lakas. Hindi ko lubos na maisip na ang gagamot sa aking tatay ay ang doctor na sumagasa kay nanay. Noong nakita ko pa lamang siya kanina, ay parang bumalik ang dati, parang bumalik ako sa scenario na nagmamakaawa ako na ibalik niya ang buhay ni nanay. Parang bumalik ang sakit noong hinarang ko siya para sabihin na panagutan niya ang ginawa niya sa aking nanay, ngunit ang nakuha ko lamang na sagot ay, “wala na akong kinalaman doon, basta ginamot ko ang nanay mo.” Bumalik lahat ng sakit sa sugat na hindi naman naghilom. Noong nalaman ko pa kanina ung anong klase siyang tao, naisip ko na bakit siya ay okay lang, bakit hindi siya nababagabag habang kami ni tatay ay patuloy pa rin na nasasaktan. Kanina ay ni hindi kami nakatanggap ng paumanhin. Ni hindi siya humingi ng tawad sa amin. Parang ibinaon niya lamang sa limot ang lahat. At ngayon na siya ang gagamot kay tatay pakiramdam ko ay para akong magkakaroon ng utang na loob sa kanya. At dahil makapangyarihan sila alam kong gagamitin na naman niya 'yon. Hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak at patuloy pa rin na bumubuhos ang aking mga luha. Iniisip ko na kung lagi ko siyang makikita, kung siya ang magiging doctor ni tatay, lagi lamang magcocross ang aming landas at kaakibat noon ang pagbalik o pag-alala ng nakaraan. Nais ko tuloy na sabihin kay tatay na iba na lamang ang kanyang maging doctor. Patuloy pa rin akong umiyak, habang matapos ang ilang minuto ay bigla na ring dumating si tatay. Agad kong pinunasan ang aking mga luha. Lumabas ako at doon ay naghilamos agad. "Anong nangyari sayo anak?" "Ah, nainitan lang po ako 'tay kaya po naghilamos po ako," ang aking tanging naging tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD