CHAPTER 3: ANG SIMULA

1455 Words
March 23, 2002 ang graduation ko sa Elementarya. Maagang nagising si Tatay at tila excited na umattend sa aking graduation. Ala-sais pa lang ay nakita ko ng pinaplantsa na niya ang gagamitin niyang pulang polo. “Oh! Anak, gising ka na pala, bagay ba itong isusuot ko?” tanong ni Tatay habang siya’y nagpaplantsa. Hindi ako umimik at bumalik na lang sa kwarto upang matulog muli. Galit pa rin ako kay Tatay dahil sa nangyari kay nanay. Nakatulog ako at hindi ko namalayan na... “Samantha,” sigaw ni Anne sa labas ng bahay. Naalimpungatan ako at nakabunsangot pag gising. Lumabas ako ng kwarto at pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako sa bumungad sa akin…. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Sina Anne, mga nagpupulaan ang mga labi, mga buhok nila na nakacurl suot ang kanilang mga uniform na halatang bagong plantsa at ang kanilang nagkikintaban na sapatos. “Huh? Anong oras na ba?” sigaw kong tanong habang ginugulo ang buhok. “8:45 na Samantha, may 15 minutes ka na lang para mag-ayos.” “Ano?” Habang pinupunasan ko ang aking mga laway sa gilid ng labi na tanda ng kasarapan ng aking tulog. Agad akong pumasok sa bahay at dumiretso sa banyo. “Bakit ba hindi ako nagising, bakit hindi ako ginising ni Tatay? Hays, kainis naman.” Inis kong saad sa sarili habang shinashampoo ang aking buhok. Pagkatapos maligo, dumiretso agad ako sa kwarto. “Nasan na ba iyong uniform ko,” paghahanap ko ng aking uniform sa cabinet. “Ito, hays, kusot-kusot pa.” Kinuha ko ang plantsa, ngunit pagtingin ko sa orasan ay 10 mins na lamang bago ang aming call time. “Hayss, bahala na nga,” iyon nga, sinuot ko pa rin ang aking uniform kahit na kusot-kusot. Pagkakuha ko ng aking toga na kusot-kusot din any kaagad kong tinawag si Tatay na nasa bakuran at nagwawalis habang naka polo at pantalon. “Tay, tara na, lumabas ako ng bahay at tumakbo papunta sa school.” Pagdating ko sa school ay nakita ko sina Anne na nakapila na, lumapit ako sa kanila at sumingit sa pila. Hiyang-hiya ako sa aking itsura, ako lang ata ‘yong hindi nakaayos doon. “Hays, minsan na nga lang gagraduate, ganito pa,” inis kong bulong habang pinapadyak ang aking paa. Nagsimula na ang ceremony… Tinawag ang aming mga pangalan kasabay ng pagbigay ng diploma at karangalan. “Samantha Antonio, Top 8,” sabay kaming umakyat ni Tatay at kinuha ang diploma at medalya. Nahihiya pa akong umakyat ng stage, kasi naman ako lang ata iyong hindi nakaayos doon. Kinamayan ko ang mga panauhing pandangal. Pumwesto kami ni Tatay sa gitna ng stage at nagpakuha ng litrato. Mas masaya sana kung naroon din si Nanay. Pagkatapos ng ceremony ay inaya ako nila Anne na magpapicture. “Tara samanta, picture tayo,” pang-aaya niya habang hinihila ang aking braso. “Eh! Ayoko nakakahiya, tignan mo nga itong itsura ko.” “Okay lang iyan ano ka ba,” at hinihila na rin ako ng aking ibang kaibigan. “Tara na, para may remembrance tayo,” sabi nila. Wala na akong choice at sumama na rin sa picture. Masaya ako at naging kaibigan ko sina Anne, actually sila ang bumuo ng elementary days ko. Pagkatapos ng graduation ay araw na ng bakasyon. Naging busy ako sa paglilinis sa bahay ng... “Oh! Ikaw ang gagamitin ko para maipagtanggol si Nanay,” sambit ko habang hawak ang libro na “Law”. Naging interesado ako sa pagbabasa ng libro na ito habang bakasyon. Feeling ko kasi magagamit ko iyon para hindi mabaon sa kung ano ang nangyari kay Nanay. “Oh ito pala iyon,” reaksyon ko habang binabasa ang bawat pahina sa librong iyon. Babasahin ng laway ang daliri at ililipat ang pahina. Habang tumatagal ay mas naging interesado ako, at doon ko napagtanto na gusto ko maging isang Prosecutor. Isang prosecutor para ipagtanggol si Nanay. Lumipas ang 2 buwan ng bakasyon at naging busy lang ako sa pagbabasa at paglilinis ng bahay. Syempre, may halong paglalaro ng ten-twenty at tumbang preso. At ng pasukan na ng High School. Sabay-sabay kaming nag enrol nila Anne sa Teres National High School dito sa aming bayan. Matapos ang ilang araw ay nagsimula na ang klase. “Hoy- hoy! Anong section mo?” tanong ni Irish kay Anne. “Section A, ikaw Samantha anong section ka?” “Section A din.” “Yes! Magkaklase tayo,” tuwang-tuwang sambit ni Anne habang tumatalon. Oo, as usual, kaklase ko na naman si Anne, kami lang naman ni Anne ang hindi napaghihiwalay. Mas okay na rin iyon, at least may kaklase na akong kilala ko. Pagpasok ko sa aming classroom ay nakita ko ang mga kaklase kong mukhang matatalino talaga. Mga nakasalamin, ung tipong, alam mo iyon? Iyong mukhaan ng genius. Sabagay, nasa section A ako, ang section ng mga matatalino. “Samantha, dito oh!” tawag sa amin ni Jerome na naging classmate namin noong Elementary. Umupo kami sa dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Jerome. Chika ko lang, iyang si Anne ay lihim na crush si Jerome noong Elementary kaya pinili kong sila ang magkatabi. Pero wala rin namang effect iyon dahil pagkapasok ng teacher... “Good morning class, get your bag and go outside the room, setting arrangement tayo, alphabetical.” Iyon nga mapaghihiwalay rin sila at kami rin ni Anne, paano naman diba, Antonio, tapos Pascua, oh diba? ang layo. “Antonio,” at ako ang unang-unang tinawag na babae ng teacher namin. “Bejer, Carlino, Montero, Orozco, Pascua... hanggang sa matapos ang setting arrangement. “Again, good morning class, I am your adviser, Teacher Michelle Gojo Cruz.” “I will give you time para makilala niyo ang isa’t-isa at para malaman kung sino ang mga dapat iboto para maging officers. Tandaan niyo, High-School na kayo, hindi na Elementary kaya dapat maging maayos ang mga officer. This coming Friday we will have our election. For now, just wait for your next teacher.” Nameet namin ang iba pa naming teacher. Ganoon lang naman kapag unang araw ng klase, pagpapakilala lang at minsan may talent portion pa. Pagkauwi ng bahay, as usual naglilinis lang ako at nagbabasa ng libro na “Law”. Bago matulog ay itinatak ko sa isip ko na aayusin ko ang pag-aaral ngayong High School para makakuha ng scholarship sa pag-aaral sa college. “Gagalingan ko ngayong High School para sa college at para ako’y maging prosecutor.” Pagdating ng araw ng Biyernes. 6:30 am, ang aming klase pero alas-sais pa lamang ay umalis na ako ng bahay para di ako malate. “Samantha? Bakit mo naman ako iniwan?” nakabusangot na tanong ni Anne pagpasok ng classroom. “A-ah, kasi, kasi ano maaga akong ginising ni tatay kaya maaga na rin ako pumasok.” Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang aming adviser. “Good morning class, today we will be having your election.” The nomination for the position of President is now open. Nagtaas ng kamay ang classmate kong si Karen, “I nominate, Gerald Garcia for the position of President.” “Gerald Garcia,” sambit ni Ms. Gojo Cruz habang sinusulat ang pangalan ng aking classmate. Sunod na tinawag ay si Rafael, “I nominate Shane Florita, for President.” si Shane ang valedictorian ng isang school na malapit lang din sa aming Bayan. “Shane Florita,” sambit ng aming teacher habang nagsusulat sa blackboard. “Any other nomination.” Nagtaas ng kamay si Jerome at panigurado akong si Anne ang inonominate nito ng biglang… “I nominate Samantha Antonio for the position of President.” nagulat ako at nagkatinginan kami ni Anne. Well, gusto ko rin naman maging president dahil sabi ko nga mas gagalingan ko na ngayong High School at isa sa gusto kong ma-develop ay leadership. “Okay, now, let’s proceed on counting the votes.” “Those who are in favor of Gerald Garcia, raise your hands.” “Those who are in favor of Shane Florita, raise your hands.” “Those who are in favor of Samantha Antonio, raise your hands.” Habang nagbobotohan ay grabe ang kabog ng dibdib ko, yung tipong parang tumaya ako ng lotto, at ganito rin siguro talaga kapag kalaban ay matatalino. “Gerald Garcia got 9 votes.” “Shane Florita got 15 votes.” “And, Samantha Antonio with 20 votes, Congratulations Samantha you are the President.” Nagulat ako at biglang gumuhit ang mga ngiti sa aking labi. Tumayo ako at “Ito na ang Simula,” bulong ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD