Chapter 27 Nagkatinginan sila ni Jullian, Ngumiti lamang si Jullian ng hingin niya ang opinion nito. Naiiling na siya na lamang ang magdesyon.” Papasukin mo.” Sabi na lamang niya sa kanyang sekretarya. “Well, mauna na ako,Sir,mukhang madibdibang pag-uusap iyang gagawin ninyo.”Tumayo na si Jullian hindi pa man pumapasok si Louise. Hindi Nakita ni Grizelda ang sekretarya ni Elijah sa mesa nito nang dumating siya sa opisina. Napatingin siya sa suot na relo: alas-dose na. Nainip niyang marahil ay nag-lunch na ito pero sa halip na huminto lamang doon ay dumiretso na siya sa private office ng kanyang asawa. Mas mabuti nga iyon at talagang masosopresa niya ito. Akamang kakatok na lamang siya nang may marinig siyang tinig ng isang babae sa loob kaya natigilan siya. Hindi niya itinuloy ang

