Chapter 1

3466 Words
         "What have you done this time, Alex?" tila nagtitimping tanog sa akin ni Uncle Johan habang hinihilot ang sentido niya pero halata mong nagpipigil lang siya na maglabas ng galit.     Hindi ko na rin mabilang kung pang-ilang beses na ito tinanong ni uncle sa akin. Kaya nga parang labas na lang sa kabilang tenga ang lahat ng mga pangaral niya. Nasanay na rin kasi ako sa dami ng mga inireklamo sa akin.     I made no effort to controvert what I've done because I know to myself that it was not my fault. "Pinagtanggol ko lang po ang sarili ko," depensa ko.         Ang babaeng iyon ang bigla-biglang nanunugod kesyo nakipaghiwalay daw ang boyfriend niya nang dahil sa akin at matapos kong protektahan ang sarili ko sa kanya, ako pa ang lumabas na masama?     Napabuntong hininga naman nang malakas ang lalaking nasa harapan ko.       "Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin sa’yo. Hindi naman kami nagkulang ng Kuya Xander mo sa pagpapalaki sa’yo 'di ba? I think I don't have any choice but to transfer you to Mhorfell Academy." aniya habang patungo sa sopa upang makaupo.     Mhorfell Academy? I've heard about that school once from Rennei. According to her, it is open for all students who have a not-so-clean background on their documents label. It is also dangerous due to the risk of being involved with mafias and gangs through the students there.     Hmm. Not bad.     "Fine," and I proceeded to march upstairs.       My opinion about transferring doesn't matter anyway, because in the end, uncle has the final decision about my education ever since my parents died. Wala rin namang papupuntahan ang usapan at mas lalong walang magbabago kung tututol man ako. Kung lilipat, edi sige.     I've been to different schools. Public, private, and even Christian schools. But I always end up in the same situation— to be kicked out.          Reason? My attitude. My lack of will to deal with people and my treatment to those people.     Sumalampak na lang ako sa kama ko at habang nag-uunat ay nakapa ko ang isang sobre sa may side table ko. Umayos ako ng upo at agad na binuksan ‘to. Pagkatingin ko ay admission papers lang naman pala. Ang bilis talaga ni uncle.     Inaasahan niya nang mapapatalsik ako kaya nakahanda na ang mga ito para makapasok na ako bukas na bukas din.     Ano nga naman ang aasahan mo sa isang maimpluwensyang tao na katulad ni Johan Dela Vega? Maliban sa mataas ang pinag-aralan ay napakarami niyang koneksyon sa iba't ibang establisyemento. Ngayon pa lang pwede na ako bigyan ng award dahil halos makukumpleto ko na yata ang lahat ng uniporme sa bawat eskwelahan na meron sa Pilipinas.     To be honest, I'm not really bothered by the "kicked-out-again situation". It's not like I've ever enjoyed being at school. Those teachers who always declare themselves as 'role models', the never-ending reign of bullies and immatures, the handbooks which are not even being followed at all. I had encountered them all. I just need something new, that's all.     Maybe it was enjoyable. Before. When she was still alive four years ago.     Kringggggg! Kringggggg! Kringggggg!     Bumungad sa umaga ko ang nakakarinding tunog ng alarm clock. Sa pagdilat ko, alam kong kailangan ko nang kumilos agad. Sa kalagitnaa ng pag-aayos ay napansin ko ang mga maletang nasa isang sulok.     That reminds me, Mhorfell Academy is a dormitory school. That's one good thing about it. I'll finally be able to get out of this house. To add a cherry on top, I don't need to worry about washing my clothes, ironing them, cleaning my room and even changing my bedsheets. Although known with a particular preference of students, the school has an exemplary reputation and is a prestigious one.     "Don't you dare go out of the school without authorization. Hindi ka rin makakatakas doon dahil mahigpit ang security. Malaman ko lang na—"     "Yes, yes, I won't, uncle. I'm not that extremely hardheaded to try to climb on the walls," I assured him as we are about to reach the entrance gates of the academy.     "Sinasabi ko lang. Matigas pa naman ang ulo mo. Huwag kang gagawa ng gulo sa unang araw mo ah? Besides, after dropping you, I need to fly to Barcelona to accompany your brother. Kaya wala akong oras na bumalik para lang makipag-usap sa principal o sa guidance counselor."     "Uncle Johan, I'm not a baby anymore. Lagi niyo na lang akong bini-baby ni kuya." Lagi kasi silang ganito eh. Kung hindi sobra makapaalala, sobrang protective naman.     Nang huminto na ang kotse, una kong napansin ang mahigpit na seguridad sa paligid. Maraming guwardiya ang nakabantay. Mayroon ding mga proseso tulad ng identity verification, at pagpapakita ng admission papers bago kunin ng mga tauhan nila ang maleta ko para dalhin sa dormitoryo.     Pumwesto naman si uncle sa panig ko upang pagbuksan ako ng pinto. "Alex, you’re still our baby princess," he said. They haven't changed a bit. Hindi na lang ako sumagot at inabot ko ang backpack na binigay niya upang suotin.     "You should go now. And please, behave. Parang awa mo na, sana dito kana grumaduate." That's the last reminder he gave with his pleading voice before instructing me to follow the guards, which I responded with a nod.     Unti-unting naglaho sa paningin ko ang tiyuhin ko habang sinusundan ang mga guwardiya papasok.     I know uncle’s fed up of fixing and processing my school transfer papers. Of course, I feel bad too whenever I see him exhausted on searching for a new school for me. So, maybe I'll try to be a good girl once. Even if I don't know-how. I think I can pass as a trouble-magnet.     Even before, I was always involved in trouble. Pero hindi naman ako ang nag-uumpisa. Sila ang unang gustong kumalaban sa akin at wala akong balak na manatili sa isang tabi kapag ako na ang naagrabyado. May pagka-tahimik ako pero hindi ko hinahayaan ang sarili ko na maabuso ng kung sinu-sino lang. Kaya sa huli, binabalik ko sa kanila ang ginawa nila sa akin at ako pa ang napapatalsik.     "Let’s see if we can be a good girl sometimes," I whispered.     Habang naglalakad ay bakas na ang kalakihan ng eskwelahan. The sun beamed brightly while the sky established its vast blue kingdom. The wide green field overwhelmed my eyes, a huge temptation for those who love sports, it is. Wonderful fountains are scattered around, which are surprisingly clean. Malamig din ang simoy ng hangin dulot nang napapaligiran ng iilang mabababang bundok at kagubatan ang kabuuan ng eskwelahan.     What astonished me even more are the enchanting flowers which blossomed beautifully everywhere. May mga puno na pinagtatambayan ng mga estudyanteng may kanya-kanyang ginagawa tulad na lang ng mga mahilig magbasa, magsanay ng ilang isports, at paggigitara. There is also a playground which serves like a waiting area for the guests' children. Pati ang mga gusali, malalaki at may mga madetalyeng disenyo na tila ba mga gusali sa Europa.     Somehow, I'm quite comfortable with the buildings' facilities and architectural design because I've been to Europe back when I was eight years old.     On the other hand, the pillars around the school and in some areas are definitely Roman-style. Kahit kanina sa labas ay nakita ko na na ganito rin ang disenyo ng dibisyon ng eskwelahan sa paligid.     You won't be able to think of this place as a camp for rebels and black sheep like me. It's really prestigious, indeed. Pero hindi ko naman sinasabi na wala na akong nakikitang hindi kaaya-aya. Para namang mawawala ang mga mag-syota na naglalampungan sa daan. May iilan ding nagyayabangan ng mga dala nilang kotse at mga bagong bigay na regalo. Meron ring mga pasimpleng naninigarilyo at umiinom sa gilid-gilid.     Ganito kaaga?     This school is intentionally for people like me but that doesn't mean that they are closing their doors for aspiring good girls and boys. I watched them as they passed by while carrying their pile of books while wearing their heavy eyeglasses slowly sliding down their noses. Siyempre hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagbabato ng iba ng mga nakapamilog na papel sa kanila. Bullies.     Samu’t saring usap-usapan narin ang narinig ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, mga tsismosa at mga taong walang magawa sa buhay kung hindi ang pakialaman ang mga taong nananahimik. Hindi na talaga sila nawala sa landas ko. Isa pa naman sila sa mga pinakakinaiinisan ko.     "Hey girl! Kilala mo ba 'yung girl na 'yan? Ang ganda niya infairness!"     "I think she's a newcomer. Yep, ang ganda niya.I hope she's not a bitch."     "Sana lang hindi siya katulad ng iba diyan kung hindi, wala siyang paglulugaran."     Don't worry, my new sisters and brothers. Me being a b***h depends on your actions. It's like how attitude defers from personality. As they say, treat others the way they treat you. If you'd dare mess with me, there's no such word as mercy in my vocabulary but if you are a nice pal, then we'll be in good terms.     "Witweew! Ang sexy pare! Sarap-sarap beybe! Lapitan natin 'tol!"     "Makinis! Ang puti! Mukang masarap ang isang 'to!"     "Ganda, dre! Ano kaya pangalan niyan? Virgin pa kaya? Haha."     Ang mga hindi magpapahuli, mga manyak. Isa rin sila sa mga inaasahan kong nananatiling buhay sa mundong ito. To think that I'm not even wearing something revealing. Simpleng loose white shirt, black pants, at gray rubber shoes ang suot ko habang nakalugay ang buhok ko. It's not that I can change the nature of men. Mayroon lang talagang mga lalaki na hindi marunong umintindi ng salitang 'kontrol'.     Hindi ko na lang pinansin ang mga usap-usapan nila at nagpatuloy lang sa pagsunod sa guwardiyang magtuturo sa akin ng daan papunta sa Senior High School Department building. Inilabas ko mula sa bulsa ko ang kopya ng schedule at map at saktong tumigil din ang sinusundan kong guwardiya.     "Ma'am, nandito na po tayo sa Crimson Building. Ito po ang building ng senior high school.”     Matapos niya akong ihatid ay nagpaalam na rin ito. Alright. I’ll take it from here.     Base sa mapa, marami pang ibang gusali rito na may kanya-kanyang banderang nakasabit na naka-ayon sa kulay na pinagbasihan ng pangalan ng gusali at simbolo nito.     It didn’t take me long to find my first class. Sa pagkatok ko ay mabilis naman akong pinagbinuksan ng isang may katandaan na na ginang. Nakita ko namang napunta ang tingin ng lahat sa akin. "Good morning, young lady. I'm Kristina Geraldine Cruz. Just call me Miss Cruz. Please come in and introduce yourself infront of the class."          Dali-dali niya akong inalo papunta sa harapan. Wearing my usual poker face, I glanced at everyone inside this classroom. "Hi. I'm Alex Cromello. Eighteen years old," matipid kong pagpapakilala.         Mukha namang napansin ni Miss Cruz na 'yun lang ang nais kong sabihin kaya naman tinuro niya na lang ang magiging upuan ko. Good news, last row at malapit sa may bintana. Bad news, may katabi ako.     Pagkaupong-pagkaupo ko, umub-ob na ako at 'di pinansin ang katabi kong magsisimula pa lang yata na makipagkilala sa akin. I neither want to listen to her nonsensical small talks nor to that teacher's lectures. As the student handbook have explained, students are not especially required to be attentive with their classes as long as they will successfully pass the exams and will not do any offense.     Aish! Hindi ako makatulog sa daldal nitong katabi ko!     Nang hindi na ako makatiis ay inaangat ko na ang ulo ko at tiningnan siya nang masama samantalang siya, nakangiti na halos abot tenga habang nakatingin din sa akin.     "Ano bang problema mo?"     "Haha! Hi, I'm Janessa! Janessa Riell Salvador. Let's be friends, please?"     What a weird lady.     My female classmates used to distance themselves from me. They tend to accuse me as someone who loves to intimidate others, too proud coming from a wealthy family, an attention seeker, and many more.     To make her stop bugging me, I half-heartedly said, “Alright.”     After all, she’ll avoid me once she found out everything about me.     Mabilis lang lumipas ang oras at ang pagtunong ng bell ang hudyat na tapos na ang first half ng klase ngayong araw. Napansin ko rin namang mas mabilis pa sa alas kwatro kung lumabas ang mga estudyante. Ako naman, tumayo na para kunin ang gamit ko at nagsimula na rin maglakad papuntang cafeteria tutal nadaanan ko na 'yun kanina. Si Janessa naman napansin kong sumusunod lang sa akin mula sa likod.     Ano? Aso lang?     Pagpasok ko, sumalubong sa akin ang maiingay na mga estudyante. Dito ko na yata makikita ang pinagkaiba ng mga asal ng estudyante rito kumpara sa ganda ng eskwelahan.     "Umm... Alex, ako na lang bibili ng makakain natin. My treat! Hanap kana lang ng upuan natin."     Tututol sana ako ngunit nakaalis na pala siya nang tuunan ko siya ng tingin. Hays.     Nakahanap naman ako ng table for four persons. Nasa sulok lang kaya medyo malayo sa mga sentro kung saan naroroon ang dami ng tao. Tumingin-tingin lang ako sa paligid habang naghihintay.     Mga ilang minuto rin ang nagdaan, dumating na si Janessa. She ordered two slices of chocolate mousse cake and soft drinks for us. She seems to know my taste very well.     I plainly thanked her before we started eating. Marunong naman akong tumanaw ng utang na loob. Both of us enjoyed the snacks, and I, while into eating, have unconsciously answered her questions about me like my age, birthday, and hobbies. The moment we finished eating, Janessa stood up to get us some water.     Isinibat ko naman ang telepono ko mula sa bulsa para may magawa habang naghihintay sa kanya.     Minutes passed and I noticed she's gone too long. Nagtaka naman ako dahil hindi naman na gaanong mahaba ang pila sa may counter ngayon. What caught my attention is that there's a circle of the students at the center. Mukhang may pinagkakaabalahan sila. May kutob na ako at ayaw ko sanang makialam dahil ayoko nang madawit ulit sa kahit na sino kaya lang...     Kaya lang hindi kaya ng konsensya ko. Lalo na at wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang makipagkaibigan sa akin.     “Bahala na nga.”     Itinago ko na ang telepono ko at tumayo para makisingit sa kumpulan ng mga tao roon sa sentro. Pagkarating ko ay napatigil na lang ako nang makita ang isang babaeng mukhang sinubsob sa harina na hinihila ang buhok ni Janessa.     " M-Miss B-Blair... Ano pong kailangan n-niyo?" garalgal na tanong ni Janessa. She's still holding the two bottles of water she promised to me. Kita ko na nasasaktan siya sa hawak ng babaeng iyon.     "Wala ako kailangan sa cheap na katulad mo. Nasaan na 'yung newcomer na kasama mo, ha? Nasaan siya?" mataray na pagsagot ng nagngangalang Blair. Taas noo pa siyang tila naghahanap sa mga estudyanteng tinawag ng eskandalong ginagawa niya ngayon.     Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.     Kaso nandito naman na ako. Isa pa, ako ang hinahanap niya kaya niya hinarang si Janessa.     "Ako ba hinahanap mo?" I stepped forward which made everyone gasped.     Binitawan niya na si Janessa nang dumapo na sa akin ang tingin niya. Napasulyap siya sa dalawa pang babaeng nasa likod niya na sa tingin ko ay mga alipores niya na tila ba pinagpaplanuhan nila ako.     Abang napangisi siya nang humarap siyang muli sa akin at lumapit. I let her come near me as I glared at her as if to tell her that she's going against the person who will make her suffer.     "So it was you. How dare you stare at me like that? Hindi ka ba tinuruan ng mabuting asal?"     Ako pa ang walang mabuting asal? Siya nga 'tong nanghila ng buhok ng inosenteng tao para lang makakuha ng atensyon.     Pathetic.     Dahil ayokong mapaaway tulad ng pangako ko, hindi ako kumibo. Bagkus, tinulungan ko na lang tumayo si Janessa para makaalis na kami. Hihilahin ko na sana palabas ng cafeteria at sa gulo na iyon ang kasama ko nang maramdaman kong may papatama sa akin.     My reflexes reacted so fast that I was able to hold on to that girl's hand before it can even touch a single strand of my hair.     Bagong kulay at plantsa lang ang buhok ko, guguluhin mo?     Tinapunan ko siya ng matalim na tingin na siyang nagpatigil sa kanya. Napansin ko na rin na suminghap muli ang mga tao sa ginawa ko.     "Ahhh why you?! Let go of me!" she exclaimed.     Balak ko na sana siyang bitawan nang papahina na at may tono na ng pagpapakumbaba ang boses niya nang masaglit ng paningin ko ang baso ng juice at plato ng carbonara na bitbit ng dalawa niyang alipores sa may gilid ko. Naghintay ako sa paglapit nila hanggang sa mabilis kong pinilipit ang braso niyang hawak ko at pinagpalit ko ang pwesto namin na siyang nagresulta para siya ang sumalo ng juice at carbonara surprise ng mga kaibigan niya.     At dahil kakasabi niya lang na bitawan siya ay binitawan ko siya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko. Napasalubsob sila ng dalawa niyang kasama at sama-sama silang tumumba sa sahig. The people around us cheered and some of them are surprise and the others gave a disapproving look.     Pasikreto na lang akong napairap at saka lumapit kay Janessa. "Halika na."     "Where do you think you are going, newcomer?" a male voice from my back called. I can sense a dignified and full of pride soul of its owner.     Both Janessa and I stopped not only because of the voice but also because the students are forming a barricade to stop us from going anywhere.     “ Ang HEAD!"     "Patay! Mukhang may hindi magandang mangyayari dun sa transferee."     "That's what she gets from trying to be a hero. Sayang siya."     "She should've let that girl suffer and saved herself instead."     Head?     Napalingon kami ng kasama ko. There are three girls and seven boys who are outstandingly walking towards us. Sa dating pa lang nila, ramdam mo na ang awtoridad. Student government? Mukhang hindi naman ako nasabihan tungkol dito.     "What is happening here? Blair, are you alright?" one of them asked, tending to that Blair.     "Kia, that transferee! She twisted my arm! Wala naman akong ginagawang masama sa kanya!" angal ng pakunwaring biktima.     Ako pa talaga ang tinurong may kasalanan? Parang hindi naman na ako nasanay sa ganito. Ako na naman ang lalabas na masama at kontrabida.     Lumapit naman sa akin ang tila pinakapinuno yata nila. “Nakita namin lahat, Blair. Huwag ka na magmaang-maangan. Kung gusto mong huwag ‘tong umabot sa ama mo, umalis ka na kasama ang mga kaibigan mo,” banta niya at pagkasabi niya nito, aligagang nagsialisan ang mga ito nang may takot sa kanilang mga mukha.     Ang akala ko ay tapos na ang lahat kung kaya’t dapat ay aalis na kami nang harangin ako mismo ng lalaki. "Kabago-bago mo pa lang, away na kaagad ang sinimulan mo. Sa susunod na mangyari pa ulit ito, sa opisina na naming ang bagsak mo."     Kung ganoon, may katungkulan nga sila rito.     Gayunpaman, hindi ako papayag na ipahiya na lang ako ng ganito.     "Oh, is that how you welcome a transferee in this academy? Unique. Thanks for the reminder, anyway.” I said.     Halos hatakin naman ni Janessa ang damit ko mapigilan lang ako sa pagsasalita pa. Ano bang meron sa mga ito at parang mga santo sila rito?     “Stop speaking like that to King Spade!” Janessa exhorted beside me.     "Brave, aren’t we?" Then, he smirked wickedly at me as he steps continuously towards me until only a meter makes us apart. "But do remember this day. The day when your name got written on our watchlist. Let's see if that pretty mouth of yours can save you for the whole school year," this guy they called Spade warned with his black eyes getting blacker than ever.     I am still looking at those orbs when I heard the people withdrawing from blocking the way out. Do you think you can threaten me? "Do also remember this day, king. The day when you stepped on the wrong side of me. Let's see if that proud self-esteem and aura of yours can save you from my cacodemonic attitude." I told him.     He didn’t reply. Instead, he gestured for us to go on our way.     We turned our feet to leave the cafeteria, still hearing the noise that I caused. But, I felt something that this will be a different school year for me. Especially now that I earned a new set of interesting people to go against. They will be a perfect fit for my entertainment.     I can't help but smile while excitement and ecstasy engulfed my head. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD