PHOEBE'S POV:
Kanina ko pa gustong matumba sa paglalakad dahil sa pagod at gutom na nararamdaman ko. Kaninang umaga pa ako naglalakad at nag wawalk in para mag-apply ng trabaho halos walang hiring sa mga pinupuntahan kong kumpanya. Naiiyak na ako dahil bukod sa gutom na gutom na ako ay parang pinapahirapan pa ako ng mundo. Gusto ko lang naman makahanap ng maayos na trabaho para makapag simula sa napili kong buhay na tahakin pero parang napakailap sa akin ng gusto kong mangyari.
*Gruuuulll*
Ngiwi ko naman hinawakan ang aking tiyan na kanina pa tumutunog dahil sa gutom at nauuhaw na rin ako dahil sa dinami dami na pwedeng kalimutan ay ang hand carry na bottle water pa. Stupid me. Anong oras na rin kasi at halos mag t'two o'clock na ng hapon at hindi po ako nag l'lunch.
"Good afternoon, Ma'am." Ngiting salubong sa akin ng isa sa mga waitress sa restaurant na pinasukan ko.
"Good afternoon. Table for one please." Malumanay na anya ko sa babaeng kaharap ko na ang pangalan ay Danica. Nabasa ko kasi pangalan nya sa name tag na suot suot nya.
Ngumiti naman sya sa akin, "Follow me po, Ma'am" Ang sabi nya at tsaka naunang maglakad sa akin na agad ko naman sinundan dahil nagugutom na talaga ako at kanina ko pa gustong maupo sa haba ng mga nilakad ko na naka takong pa.
Habang sinusundan ko si Danica ay sadyang napadaan kami sa isang newspaper shelf kaya naman ay bahagya akong huminto at kumuha neto upang maghanap ng kumpanya na nag lalagay ng hiring nila doon. Wala naman masama kong magbabakasali ako diba?
Nang makarating kami sa table na pinagdalhan sa akin ni Danica ay nagpasalamat ako at humingi ng isang baso ng tubig upang maibsan ang aking uhaw. Agad naman syang nag utos sa mga isang waitress at tsaka bumaling ulit sa akin upang tanungin ang aking order at inabot ang menu book. Kinuha ko naman yun at agad na namili. By the way, baka nag iisip kayo anong restaurant ang aking pinasukan, don't worry tag tipid ang lol nyo kaya sa murang resto lang ako pumasok.
"Uhm, isang order netong chicken binagoongan with rice tapos itong sisig tofu atsaka isang strawberry juice na rin." Pagbibigay ko ng order atsaka marahan sinara ang menu book at binalik sakanya.
Kinuha nya naman 'to "That's all, Ma'am?" Nakangiting tanong nya at ngiti ko naman sinagot nang tango. Nagpaalam naman ito at nagbigay ng minuto bago dumating ang aking ini-order na pagkain na sinang-ayunan ko naman at sabay naman nap ag dating ng hiningi kong tubig kanina.
"Salamat." Ngitian ko naman ang nag-abot ng tubig sa akin. Di na ako nag patumpik tumpik pa at ininom ko na agad ang baso ng tubig na hiningi. Grabe, parang isang linggo ako walang iniinom na tubig dahil sa uhaw na nararamdaman ko ngayon.
Nang mawala na ang aking uhaw ay agad ko naman binigyan ng pansin ang dyaryo na nasa harapan ko ngayon na kinuha ko kanina. Agad ko naman 'to binuklat at hinanap ang page kong saan nakalista ang mga kumpanya na may hiring.
Mabilis ko naman kinuha ang aking cellphone upang tawagan ang numero na nakasulat sa dyaryo. "Good afternoon. This is Christine. Thank you for calling VGroup Trading. How may I help you?" Bungad sa akin ng kabilang linya pagkasagot na pagkasagot sa aking tawag.
I clear my throat before speaking. "Hi! Uhm, this is Phoebe I saw your contact details in newspaper and I believe your company is looking for Financial Marketing. May I know if the Job title is still available?" Professional na pananalita ko sa kabilang linya. Syempre kailangan natin mag mukang professional kahit sa boses man lang.
"Oh, I see. Appreciate your time for calling us regarding on Job opportunity. But unfortunately, the position you're asking is no longer available. We already hired someone yesterday."
Nakaramdam naman ako ng lungkot nung sinabi nya yun sa akin. "Ah, I see. Thank you. May I know if there's any available position that you are looking? Pagtatanong ko na umaasa na may bakante pa silang posisyon na pwede ko applyan.
"I'm sorry, Ms. Phoebe but for now we don't have any open vacancy." Malumanay na pagsasalita nya, napabuntong hininga na lang ako at nagpasalamat at ibinaba ang aking cellphone.
I sighed. Atsaka tumingin ulit sa dyaryo upang tawagan pa ang ibang company. Bago pa ako maka tawag sa aking susunod na tatawagan ang sakto naman pag dating ng aking pagkain inorder.
"Your order, Ma'am." At dahan-dahan naman ito binaba ng lalaking waitress. Nagpasalamat naman ako sakanya bago sya umalis.
Bago pa man ako mag simula kumain ay nag last call muna ako sa isang kumpanya na kanina pa nakalista ang numero sa aking cellphone, pinindot ko naman ang dial atsaka itinapat sa aking tenga at hinintay ang kabilang linya na sagutin ito. Wala pang ilang minuto ay may sumagot na sa kabilang linya na boses babae. "Good afternoon. Lee Enterprise Group. How may I help you?" Bungad ng isang babae na sumagot sa aking tawag.
"Hi! Good afternoon! Uhm, this is Phoebe. I saw your company contact details in newspaper and you are looking for Admin. May I know if the position is still open?" Pagtatanong ko habang naka cross finger at nanalangin na sana ay open parin ang trabaho.
Mabilis naman ako napasimangot nang marining ko ang sinabi nya, "I'm sorry, Ms. Phoebe, the position is already filled by someone just today. But if you are still willing to apply, we have one open vacancy. It's Secretary to the CEO. Are you okay to take the interview?" Mabilis pa kay flash ang aking pag ngiti sa ibinalita ni ate.
"Yes! I'm willing to take the interview. Can you share me the location for that and the schedule interview time?" Masayang tugon ko sakanya.
"Great! Yeah sure, can you share me your email ID so I can send the details, please?"
"Yes, Of course. It's Diannesantiago123atgmail.com." Pagbibigay ko sa aking email ID na hinihingi nya. Di ko maiwasan ang hindi ngumiti.
"Perfect! I'll send the details now and please come to the interview tomorrow in a pleasant attire as one of the qualification. See you and good luck! Bye."
"Bye." Sagot ko atsaka ibinaba ang aking cellphone.
Halos di mawala ang ngiti sa aking mga labi. Omg, I have interview. I will make sure na makukuha ko 'to. Laban lang, Phoebe! Masaya ko naman ibinaling ang aking pansin sa pagkain na kaharap ko at sinimulan na ang pag subo neto.
Makakauwi na rin ako sa wakas. Kanina ko pa gustong mahiga upang maipahinga ang aking pagod na katawan na halos mag hapon nakababad sa initin. Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagkain ng biglang, "Ay! Ano ba!" Malakas na sigaw ko sa gulat na alam ko na naka-agaw ng pansin ng maraming tao sa loob ng resto. Natapon lang naman sa aking ang strawberry juice na inorder ko dahil sa taong tatanga-tangang maglakad.
Inis ko naman ibinaling ang aking paningin sa taong nakatapon sa akin ng strawberry juice ko. Bwisit! Mabilis naman ako kumuha ng tissue sa tissue box na nakapatong sa mesa ko at pinunasan ang parte na nabuhusan. Nakakainis! Paano ako lalabas neto! Mabilis ko naman ini-angat ang aking ulo ng maramdaman ko na papaalis na yung taong nakabuhos ng juice sa akin. "Aba, bastos to ah! Di ka ba mag s'sorry at babayaran 'tong juice ko?!" Inis na singhal ko at tumayo pa ako sa aking pagkakaupo. Kapal ng muka neto, di ko na nga nainom ako pa pagbabayarin. As if naman!
Huminto naman sya sa paglalakad nya at dahan-dahan na pumihit paharap sa akin. I gulped. Shet bat a-ang gwapo naman neto? Model ba 'to? Parang ang sar— mabilis ko naman pinutol ang aking pagpapantansya. Jusmiyo Phoebe! Ano ba ang pinag-iisip mo.
"Hindi ka ba mag s'sorry?! Tignan mo ginawa mo sa akin. Hindi pwede na hindi mo bayaran ang tinapon mong juice ko!" Inis na singhal ko na naman upang matakpan ang aking pagpapatansya sa kagwapuhan nya.
He smirks. Aba! Bastos talaga! May nakakatawa ba sinabi ko? "Why would I?" Arogante netong pagkakasabi. Aba, di lang bastos wala pang modo!
"Bulag ka ba, mister?! Di mo ba nakikita 'tong ginawa mo sa akin?!" Inis kong salita at tinuro pang ang bahagi na nabasa ng juice dahil sa kagagawan nya.
Halos gusto ko syang sapakin sa nakakalokong ngiti na ibinigay nya sa akin. May nakakatawa ba sa mga sinasabi ko?! Doon ko lang din narealize at halos mamula naman ako sa ginawa nyang pagtitig sa parte na nabuhusan ng juice, dahan-dahan ko naman tinignan ang tinitigan nya at halos gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Shet! Kita na pala yung polkadots kong bra na kulay pink! Oh my gosh! Lupa kainin mo ako now!
"B-Bastos ka!" Halos di ko matuloy ang aking sinasabi dahil sa kahihiyan! Mabilis ko naman kinuha ang brown na envelope na dala dala ko kanina sa aking pag-aapply na naglalaman ng aking mag documents specially resume at mabilis na itinakip sa aking dibdib. Binigyan nya ako ng manyak na ngiti habang nakatingin parin sa dibdib ko kahit nakatakip na 'to. "Polka dots ha?" Pang-aasar nya pa habang manyak parin na nakangiti. Uminit naman ang aking ulo sa ginawa nya at mabilis kong kinuha ang baso na may laman pang kalahating tubig at walang alinlangan na itinapon ang laman sakanya na alam ko na ikinagalit nya.
"What the f**k!" Malakas na sigaw nya at mabilis nyang hinablot ang aking braso at matalim na nakatingin sa akin.
Halos manghina ako sa takot dahil don. Shet! Pero hindi ko iyon pinahalata dahil alam ko na matatalo ako sa laban na di ko naman kasalanan. "Bitawan mo nga ako! You pervert!" I scolded at marahas na hinablot ang aking braso pero parang walang epek lang yun sakanya dahil di ko naman nabawi ang aking braso.
Grabe, napakabango nya kahit basang basa na sya dahil sa ginawa ko at di ko man aminin ay bumakat ang hubog ng katawan nya sa suot nyang polo shirt. Napaka-- My gosh, phoebe! Keep yourself calm! Mahahalata ka nya!
"S-Sir, ano pong nangyare sainyo?" Napalingon naman ako sa taong tumawag ng sir sakanya. Sir? Sya ba may-ari ng resto na 'to? Kasi isa sa mga staff ng resto ang nagsalita.
"Sir?" Nagtatakang tanong ko. Marahan naman syang tumango sa akin. Tinignan ko ang lalaki na hanggang ngayon ay ayaw parin bitawan ang braso ko at masama parin nakatingin. Bwisit! Ang sara—I mean nangangalay na ako! "Pwede pasabi sa sir mong bastos binatawan nya na ako at nasasaktan ako!" Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki dahil sa mga binitawan kong salita.
"You will pay for this." Madiin na bulong nya sa akin at marahas akong binitawan. Ang talim ng titig nya sa akin at kung nakakamatay lang yun kanina pa ako namatay. Hinimas ko naman ang braso ko dahil sa higpit na pagkakahawak nya.
Sya pa talaga ang malakas ang loob na pagbayarin ako, sya na nga itong tinapon ang strawberry juice ko! Tumalikod na 'to sa akin at naglakad papalayo. "Hoy! Bayaran mo 'tong strawberry juice ko!" Pahabol na sigaw ko. Wala ba syang balak na bayaran yung ginawa nya?! Kapal talaga ng muka! Nakakainis naman oh!
Natahuan naman ako ng maalala ko na bakat nga pala ang polka dots na pink na bra ko, naalis ang pagkakatakip ko kanina nung hinigit nung gagong yun ang braso ko. Mabilis ko naman ibinalik sa pagkakatakip sa aking dibdib ang envelope na hawak ko kanina at tumingin sa paligid. Shet! Nakatingin sila sa akin, alam kong namumula na ako sa kahihiyan at gusto ko na lang magpakain sa lupa. Agad naman akong dumukot ng pambayad sa kinain ko at don sa strawberry juice na natapon at mabilis na sumibat sa resto at pumara ng taxi at nagpahatid sa aking tinitirhan.
Nakakuha nga ako ng interview, minalas naman agad! Kapag nakita ko talaga ulit yung lalaki na yun, hahalika—este sisingilin ko talaga sya!
Xrine13