"KUYA! Mali-late na ako sa klase! Bakit hindi mo man lang ako hinintay! Balak ko pa naman sanang dalawin saglit si Dad! Pambihira!" naiinis na maktol niya sa kapatid nang sagutin nito ang tawag niya. Pagkalabas kasi niya ng front door ay nakita niyang wala na ang kotse ng dad nila sa garahe. Sa sobrang inis niya ay tinawagan niya ito upang sabihin ang nararamdaman niya rito. Tinawanan lang siya nito sa mga pagmamaktol niya. Lalo naman siyang nainis dahil doon. "Stop laughing! You brute! Bumalik ka rito!" utos niya bago pinatay ang tawag. Nang tumunog ang cellphone niya binasa niya ang message na nanggaling dito. "I can't sis. Sumakay ka na lang sa iba." "Kainis! How could you!" nanggigigil at naiinis na tinungo niya ang gate nila. Knowing his brother. May isang salita ito. Kung ayaw n

