"EXCUSE me Miss Beautiful. I want to borrow this," anang pamilyar na boses sa harap niya. "I mean all of these. Napasulyap siya sa anim na librong inilapag nito sa harap ng table niya. Kumunot ang noo niya nang makitang may sticker note na nakatakip sa title ng mga librong iyon. Bawat sticker note ay may nakasulat doon na mga kataga. Nagtatakang binasa niya ang mga iyon. "Will you go out with me?" Salubong ang kilay na iniangat niya ang tingin upang tingnan kung sino ito ngunit isang imported red rose ang bumungad sa paningin niya. Napatingin siya sa note na nakadikit doon at binasa iyon. "Just say yes, please?" Her left eyebrow raised. Ano naman kaya ang pakulo nito? She tilted her head to see who it was. Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya nang makita kung sino ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


