Chapter 13

1130 Words
ABALA SI Kyo sa trabaho nang marinig ang marahang katok sa pinto. “Come in,” mahina niyang sambit nang hindi inaalis ang mga mata sa screen. Pumasok si Vera, ang sekretarya niya, at bahagyang yumuko. “Sir…” “What is it?” iritado niyang sagot, nananatiling nakatuon sa monitor. “Mr. Raim Elizalde is here to—” “Let him in,” agad niyang putol. “Okay, sir.” Yumuko muli si Vera bago lumabas. After a few moments, the door swung open and Raim stepped inside. May malapad na ngiti ito habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. “Buds!” masiglang bati ni Raim, dahilan para mapataas ang tingin ni Kyo. “Kailan ka pa nakauwi?” tanong ni Kyo sabay sandig sa swivel chair. “Ganiyan mo ba i-welcome ang guest mo?” Raim retorted, feigning annoyance bago dumiretso sa upuan sa tapat niya. “Fine. You’re welcome, my guest,” tugon niya nang may halong pang-aasar. Umiling si Raim at tumayo, saka naglakad papunta sa mini bar sa gilid ng opisina niya. Kumuha ito ng bote ng red wine at nagsalin sa baso. Uminom ng kaunti bago bumalik at naupo sa tapat niya. “Have you been hearing from Rogue?” tanong ni Raim. “Nope. Pero mukhang nandito na rin siya,” buntong-hininga ni Kyo. “Hmm. Do you still have his contact?” Kyo nodded and reached for the phone on his desk. Inisa-isa niya ang contacts hanggang sa makita ang pangalan ni Rogue. “Found it.” Iniabot niya kay Raim ang cellphone. “Nabura ang number niya sa akin. Anyway, let’s call him now and maybe plan a get-together,” sabi ni Raim, sabay kindat at pindot sa caller icon. Pagkatapos ng tatlong ring, sumagot si Rogue. “Kyo...” malamig nitong bungad. Napailing si Kyo. Wala pa ring pinagbago ang kanyang pinsan. “It’s Raim, bro. Kumusta ka na?” tanong ni Raim. “I’m good. Buhay pa naman,” sagot ni Rogue. “Good. I’m here with Kyo right now.” “Dumb Kyo, are you there?” Kumunot ang noo ni Kyo at napangiwi. Natawa naman si Raim pero pinigilan ang sarili. “I’m not dumb like you are,” balik ni Kyo. “Whatever.” “Right, let’s go have fun tonight!” sigaw ni Raim. Pero agad na nagkunot ang noo ni Kyo. “I can’t. I have to pick up Saoirse.” “Kyo, you should let her nanny do that. Or one of the maids,” suhestiyon ni Raim. “Huwag kang makinig kay Raim. Puro kalukohan lang ang nasa utak niyan,” dagdag ni Rogue. “Oh, come on, don’t be a killjoy, Rogue. Minsan lang naman ito,” si Raim. Napabuntong-hininga si Kyo at sumuko. “Okay…” “Great! Sa Midnight Ember Bar tayo." “What?! Bar?” gulat na reaksyon ni Kyo. “It’s just for fun, nothing serious,” sagot ni Raim. Nag-alangan si Kyo pero kalaunan ay tumango rin. “Fine. Okay.” “I’ll call you later,” paalam ni Rogue at ibinaba ang tawag. Kinuha ni Kyo ang phone mula kay Raim. “Give me that. I need to call Ellie,” aniya. Tinap ang number at nag-ring ito sa kabilang linya. •••••••••••••••• Mahinang umungol si Ellie at bahagyang gumalaw sa kama. May parang bukol sa kanyang lalamunan, pilit na gustong lumabas dahilan para mapadilat siya ng mga mata. Umupo siya sa kama at malalim na huminga, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Nang tignan niya ang paligid, agad na napako ang mga mata niya sa basong tubig na nakapatong sa bedside table. Agad niya iyong kinuha at mabilis na ininom hanggang sa huling patak. Ngunit kahit ubos na ang laman, naroon pa rin ang pakiramdam na parang gusto niyang sumuka. Mabilis siyang tumayo, nagmamadali ang mga hakbang papunta sa banyo, at doon ay inilabas ang laman ng kanyang tiyan sa lababo. Halos isuka ni Ellie ang lahat ng laman sa kanyang tiyan. Nanghihinang napakapit siya sa gilid ng lababo. Pagkatapos ay naghilamos siya ng mukha, at namumog. Tinitigan niya ang maputlang repleksiyon sa salamin. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Napasinghot si Ellie, saka muling yumuko at nagsuka. Halos mawalan na ng kulay ang kanyang mukha. May sakit ba siya? Umiling siya at nagkibit-balikat, saka naghubad para makaligo. Nang matapos siyang maglinis ay tumawag si Kyo. May lakad daw ito kaya siya ang susundo kay Saoirse. “Alright, bye,” mahina niyang sabi matapos ibaba ang tawag kay Kyo. Napabuntong-hininga siya, halatang pagod na pagod, at dahan-dahang tumayo para sunduin si Saoirse. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng katawan, at hindi niya mawari kung bakit. Siguro dahil hindi pa siya kumakain ng umagahan at tanghalian. Pero kahit gutom, wala siyang gana. Kinusot ni Ellie ang kanyang mga mata, sinusubukang itaboy ang pagkahilo habang naglakad papunta sa main gate. “Ellie,” tawag ni Gardo kaya napahinto siya. “Saan ka pupunta?” tanong nito, at kagat-labi na tumugon si Ellie. “Susunduin ko siya Saoirse ,” mahina niyang sagot saka naglakad muli. Pero natigilan siya nang marinig ulit ang boses ni Gardo. “Hindi pinapapayagan ni Boss na sumakay ang bata ng public transport. Umupo ka na sa kotse, ako na ang maghahatid sa iyo doon,” sabi nito nang may diin. Tumango siya kahit may alinlangan, at pumasok sa sasakyan. Ibinagsak niya ang ulo sa headrest at malalim na bumuntong-hininga, parang ninanakaw ang kaunting lakas na natitira sa kanya. “Yaya Ellie!” masayang sigaw ni Saoirse, at mabilis na tumakbo sa mga bisig niya. Ngumiti si Ellie at bahagyang binuhat ang alaga kahit ramdam niya ang pagod. “Kumusta ang school, baby?” tanong niya sabay halik sa noo ng bata. “It was good! Where’s Daddy?” tanong ni Saoirse. “Nasa trabaho ang Daddy mo, busy siya ngayon kaya ako muna ang sumundo sa iyo,” sagot ni Ellie habang kinukuha ang backpack nito at naglakad papunta sa kotse. “You're so sweet, Yaya. I love you,” gigil na sambit ni Saoirse bago siya halikan sa pisngi. “I love you more,” sagot niya, pinipilit ngumiti kahit nanghihina. “Yaya, why is your body hot?” tanong ng bata habang hinahaplos ng maliit nitong kamay ang pisngi at leeg niya. “Uh, hot? Hindi ko alam. Siguro pagod lang ako.” Maingat niyang pinaupo sa loob ng sasakyan si Saoirse bago sumunod dito. “Sleep,” sabi nito sabay tapik-tapik sa kanyang hita na para bang inaalo siya. Napatawa si Ellie at pinisil ang ilong ng bata. “Ang cute mo talaga,” aniya, bago marahang ipinikit ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD