“HEY, SUGARPLUM,” panunukso ni Kyo. Dumeretso ito sa refrigerator, at kumuha ng malamig na bote ng tubig. Walang patumangga ininom iyon hanggang maubos bago tuluyang naglakad papunta sa sala kung saan nakaupo si Ellie. Umupo ito sa tabi niya. Napatingin saglit si Ellie, saka muling ibinaling ang atensyon sa mga junk food na abala niyang pinapapak. “Hindi ka ba napapagod sa kakakain ng matatamis?” iritado ang tinig ni Kyo habang sinusubukang agawin ang hawak niya, pero mabilis na iniwas ni Ellie ang pagkain. “Hayaan mo na ako,” mahina niyang sabi at muling isinubo ang cake. “You know that isn’t good for our baby. Ang dapat mong kinakain ngayon ay gulay at prutas, hindi kung anu-ano,” sermon ng lalaki, muli na namang inagaw ang pagkain sa kanya. Agad niyang sinalubong ng matalim na ting

