Chapter 26

1398 Words

‎“KYO…” TAWAG niya na may halong pagtataka at amusement sa boses. Halos hindi siya makapaniwala sa nakikita. ‎ ‎Totoo ba ito? Hindi kaya panaginip niya lamang? ‎ ‎Ngumiti si Kyo, ang mga mata nito ay kumikislap ng sinseridad. Maingat na hinawakan ng lalaki ang mga balikat ni Ellie at marahang pinaikot siya paharap dito. ‎ ‎“Yes, Ellie… will you be my girlfriend?” napapaos nitong tanong. ‎Nanlaki ang kanyang mga mata, at bago pa man makasagot, naramdaman na ni Ellie ang pag-init ng sulok nang mga mata. Gano'n din ang kanyang dibdib. ‎ ‎Hindi niya ito inasahan, hindi sa ganitong paraan. Ibig bang sabihin, matagal na pala itong plano ni Kyo? ‎ ‎“H-hindi ko alam kung anong sasabihin. Ginulat mo ako,” mahinang sabi ni Ellie habang pinupunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi. ‎ ‎

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD